Mommy Elvie@18 starts second season on GMA News TV


"Marami akong natatanggap na messages sa Facebook page ko na gusto nila sa primetime na ito ilagay. Gusto nila primetime na. Yung iba kasi, hindi nila mapanood kapag Saturday ng umaga sa GMA News TV. Minsan tulog pa raw sila," ang kwento ni Mommy Elvie.


Naging successful ang first season ng reality show ni Mrs. Elvira Villasanta o mas kilala bilang Mommy Elvie ng Mommy Elvie@18 sa GMA News TV.

Isa sa top-rating programs ng GMA News TV ang naturang reality show kunsaan co-star ni Mommy Elvie ang kanyang komedyanteng anak na si Ariel Villasanta. Dahil nga sa matagumpay ito, sisimulan na ang second season taping nila at mapapanood na ito sa primetim.

Masaya na medyo malungkot si Mommy Elvie nang ma-interview siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong nakaraang Thursday sa Ortigas Center. Masaya siya dahil marami siyang napasaya tuwing Sabado ng umaga. Malungkot dahil nami-miss daw niya ang mag-taping sa kanilang bahay sa Provident Village in Marikina City.

"Nagtaka nga ako kung bakit walang taping," ang sabi ni Mommy Elvie.

"Kadalasan kasi ay every Sunday ang taping namin sa bahay in Marikina. I always look forward sa mga tapings namin kasi masaya kaming lahat. Tawanan lang kami nang tawanan.

"Sa edad ko kasi ngayon, gusto ko ay masasayang tao ang kasama ko. Malungkot ako kapag wala akong kausap at ginagawa. Kaya minsan sinasama ako ni Ariel at ng misis niyang si Cristina (Castillo-Villasanta) sa office nila. Gusto ko ay nakakapasyal ako at hindi lang ako nakatengga sa bahay."

Kinatutuwa nga ni Mommy Elvie na sa primetime na mapapanood ang second season ng Mommy Elvie@18. Tuwing Saturday na ito ng 8:30 p.m.

"Marami akong natatanggap na messages sa Facebook page ko na gusto nila sa primetime na ito ilagay. Gusto nila primetime na. Yung iba kasi, hindi nila mapanood kapag Saturday ng umaga sa GMA News TV. Minsan tulog pa raw sila.

"Kaya noong sabihin sa amin na magiging primetime na kami sinabi ko sa Facebook na abangan nila kami sa primetime. Wish ko nga na kasing-successful ito ng first season namin," ngiti pa ni Mommy Elvie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa season finale ng Mommy Elvie@18 last June 4 ay parang nabitin ang mga manonood dahil hindi sinabi kung ano ang naging sakit ni Mommy Elvie kaya ito na-ospital. Pinakita na lang na sinasayaw siya ni Ariel na umiiyak at sinabi sa camera na baka iyon na raw ang last dance niya kasama ang kanyang ina.

Ayon sa director ng Mommy Elvie@18 na si Aleah Aliporo-Eugenio, sinadya nilang lagyan ng cliffhanger ang season one finale dahil nabigyan nga sila ng second season. Kaya hindi nila tinapos ang anumang kuwento sa mag-ina.

"Hindi pa naman natutupad ang lahat ng wishes ni Mommy Elvie. May mga itutuloy kami sa second season," ang sabi ni Direk Aleah.

"Yung last episode na na-ospital si Mommy Elvie, itutuloy namin iyon. We decided na huwag na lang i-reveal ang sakit niya dahil masyado na iyong personal. We want na sa kanila na lang ni Ariel iyon. Whatever it is, alam naming kakayanin ’yan ni mommy dahil she’s a strong woman. Wala siyang takot and she treats life na masaya. Ayaw niya na may malungkot.

"That’s why yung naging wish niya na ’To live for as long as I want,’ parang message of hope iyon para sa maraming tao. Nakakaiyak pero mag-iisip ka na puwede nating i-wish iyon at wala namang masama."

Sa second season ay mas magiging masaya ang bawat episode, pero nandoon pa rin ang konting drama na hindi naman nawawala sa tunay na buhay.

"Kaya ang mga gagawin naming mga episodes for the second season ay fulfillment ng mga natirang wishes niya like ’yung ma-meet niya nang personal si Dolphy at ang makasama si Mommy Elvie sa isang movie.

"May mga ibang wishes na na-grant pero babalikan namin. We will take it to the next level tulad ng ’home for the homeless’ at ’job for the jobless,’ may gagawin kaming maganda para sa mga wishes na ’yan ni Mommy Elvie. Hangad naman namin na marami kaming matulungan through her wishes," dagdag pa ni Direk Aleah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para naman sa mag-asawang Ariel at Cristina, natutuwa sila’t marami ang napapasaya ni Mommy Elvie. Hindi nga nila akalain na magki-click si Mommy Elvie sa maraming manonood at kinakatuwa nila na malilipat na sila sa primetime.

"Ginawa lang naman namin itong show para may paglibangan si mommy. Hindi namin ini-expect na magkakaroon siya ng following. May mga fans nga si mommy, e. Kahit saan siya pumunta, kilala na siya," ang sabi ni Ariel.

"Pinakanatuwa nga kami ay noong mabigyan si mommy ng TV commercial. Ito yung Magnolia ice cream. Nagulat kami nang sulatan kami ng Magnolia at tutuparin nila ang wish ni mommy. Kaya nagkaroon siya ng matagal na niyang wish na TV commercial.

"Nagpapasalamat din kami sa mga naging sponsors ng show namin. Alam naming may kahirapan ang marketing, pero na-survive namin dahil may mga dumarating. Natuwa sila sa show kaya nag-share sila ng blessings nila sa amin.

"Kaya sa second season, gusto naming mas marami pa kaming pasayahin na mga tao. Definitely mas matutuwa sila sa mga hinahanda naming episodes. Lahat naman ay may approval ni mommy."

Ang gusto nga raw na mapanood na episode ni Ms. Cristina ay ang tuluyan nang paggaling ni Mommy Elvie sa nararamdaman nito.

"Lahat kami ay iyon ang panalangin at unti-unti namang tinutupad iyon ng Panginoon," ang sabi nila.

"Nakikita n’yo naman si mommy, parang walang nararamdaman na sakit. Diyan ako bilib sa kanya. Kaya niyang harapin ang buhay may sakit man o wala.

"Kaya yung paggaling niya ang tangi kong hangad dahil magandang mensahe ’yan sa maraming tao. Na hindi mawalan ng pag-asa at kahit anong edad ka pa, hindi ka pababayaan ng Diyos."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN