Three GMA-7 sitcoms reportedly on the chopping block


Vic Sotto will star in another sitcom, Fulhaus, after Daddy DiDoDu ends. He will be paired with real-life sweetheart Pia Guanio in the new sitcom.


Balitang magwawakas na raw ang tatlong sitcoms ng GMA-7: Monday’s Who’s Your Daddy Now?, na nakakaisang season pa lang yata; ang Tuesday’s Bahay Mo Ba ‘To?; and Saturday’s HP: Ibang Level Na!. Pati na rin ang M-ZET-produced na Daddy DiDoDu tuwing Linggo, magtatapos na rin daw.

Walang reason na ibinigay ang aming source kung bakit magsasara ang tatlong shows samantalang panalo naman ang mga ito sa ratings at commercial load. Baka overall reformat daw ang gagawin sa mga sitcoms ng GMA-7.

May kapalit na nga ang Daddy DiDoDu, ang Fulhaus starring the real-life couple Vic Sotto and Pia Guiano.

May kapalit na show na rin si Bong Revilla after HP, pero voice-over lang siya. He will be the storyteller of the canned show Amazing Stories, pero balitang papalitan ito ng Adventures of Kap. Ipapalit naman ito sa isa pang GMA-7 show na magtatapos na rin.

Retained ang dalawang gag shows ng GMA-7, ang Nuts Entertainment every Wednesday and Bubble Gang every Friday. Retained din ang Magpakailanman, the only non-comedy show na sumusunod sa Telebabad block every Thursday.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN