TV5 launches youth-oriented variety show, Hey! It's Saberday!

by Joyce Jimenez
Jun 22, 2011
TV5's youth-oriented show, Hey! It's Saberdey!, airs every Saturday from 11 A.M. to 12 noon. Directed by Al Quinn, it will showcase different performances from young talents of the Kapatid network.

Noong Sabado, June 18, ipinalabas ang pilot episode ng pinakabagong youth-oriented show ng TV5 na Hey! It's Saberdey!

Ito ang pangatlong variety show na na-produce ng TV5. Ang mga nauna ay ipinapalabas tuwing Linggo, ito'y ang P.O.5 na nagtapos Pebrero ng taong ito, na sinundan ng Fantastik na natapos lamang noong nakaraang buwan.

Ayon sa TV5 management, pinili nilang ipalabas ang variety show na Hey! It's Saberdey! tuwing Sabado upang isakto sa weekend, matapos ang limang araw na page-eskwela ng mga kabataan.

Bukod sa mga performances mula sa mga talents ng TV5, meron din silang iba't ibang mga segments na interesting para sa mga kabataan.

Isa dito ay ang "Trending," isang segment kung saan si Rainier Castillo ay magtatanong sa mga artista tungkol sa kanilang buhay estudyante.

Nandiyan din ang segment na "Profiles" kung saan ipinapakita ng mga artista ang isang araw sa buhay nila bilang ordinaryong mag-aaral.

Fashion ang isa sa mga interes ng mga kabataan ngayon, kaya naman si Danita Paner ay nagiikot-ikot sa iba't ibang lugar na may eskwelahan para alamin ang latest fashion trends ng mga estudyante.

Continue reading below ↓

At ang huli ay ang segment na "Step of the Week" kung saan matututo ang mga kabataan ng mga coolest at hippest dance moves.

Ang hosts ng Hey! It's Saberdey! ay sina JC de Vera, Danita Paner, Alex Gonzaga, at Arci Muñoz. Samahan pa ng mga performances mula sa cast ng Bagets, na sina AJ Muhlach, Aki Torio, Josh Padilla, Rico dela Paz, Eula Caballero, Nadine Lustre, Shy Carlos, at Meg Imperial.

Dagdag mo pa din ang mga newest talents ng TV5, mula sa Star Factor Teens, ang grupong New Born Divas, at dance groups na Man at Large, Limited Edition, Verve, at Create.

Pero siyempre, hindi rin papahuli sa kanilang production numbers sina Ritz Azul, Martin Escudero, Rodjun Cruz, Gerald Santos, Morisette Amon, at Krissha Viaje.

Bukod sa mga main hosts ng segments, kasama din magho-host nito ay sila Carla Humphries, Alyana, Anykka Assistio, Lucky Mercado, Edgar Allan Guzman, at Dianne Medina.

Continue reading below ↓

Ang Hey! It's Saberdey!, sa ilalim ng direksyon ni Al Quinn, ay mapapanood tuwing Sabado, 11 A.M. hanggang 12 noon.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
TV5's youth-oriented show, Hey! It's Saberdey!, airs every Saturday from 11 A.M. to 12 noon. Directed by Al Quinn, it will showcase different performances from young talents of the Kapatid network.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results