Oyo Sotto’s fantaserye, Bangis, is all set to air its pilot episode on TV5


Oyo Sotto and Danita Paner are paired together in TV5’s fantaserye, Bangis, which is expected to start airing by the first week of July.


Malapit na ang nakatakdang airing ng fantasy-adventure show ng TV5, ang Bangis. Ito ang papalit sa katatapos lang na drama series na Mga Nagbabagang Bulaklak.

Ito ang first TV adaptation ng Kapatid network, mula sa komiks novel ng National Artist, at comic writer and producer na si Carlo J. Caparas.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa executive producer ng Bangis na si Roselle Lorenzo, ibinahagi nito ang pinaka-konsepto ng nasabing palabas.

"Carlo J. Caparas komiks siya. Lovable si Bangis, gentle giant, so mala-Kingkong na tumutulong siya sa tao, ganyan.

"Although napagkamalan siya [masama], e, dalawa kasi yung buhaya, si Itim, yun yung kontra bidang crocodile, si Bangis yung mabait, [at] kaibigan nung bata."

Makailang beses na din na ginawan ng TV adaptation ang mga gawa ni Carlo J. Caparas Ang ilan ay lumabas sa GMA-7 tulad ng Kamandag (2007), Joaquin Bordado (2008), at Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang (2009).

Maging ang ABS-CBN ay gumawa rin ng TV adaptation ng gawa ni Carlo J. Caparas na Elias Paniki (2010).

BANGIS. Ang kuwento ng bagong palabas na ito ng Kapatid network ay iikot sa isang mabait at palakaibigang buhaya na si Bangis.

Ayon kay Roselle, ang unang mga episode daw ng palabas ay magpapakita ng kasaysayan ng Sitio Talim.

"Kasi kaya siya tinawag na Sitio Talim, kasi nung unang-unang araw pa, inaalagaan ng mga buhaya itong sitio na ’to, itong barrio na ’to.

"Tapos nung time na may mga piratang dumating, parang na-protect sila ng mga buhaya para hindi masakop ng mga pirata. So meron kaming kuwentong ganun sa opening, yun yung history niya.

"So simula nun, parang inano ng mga tao sa sitio na aalagaan natin sila, they are our protectors, kaya nagkaroon sila ng Buhaya Festival. May isang episode kami, Buhaya Festival kami, so sine-celebrate nila. Very Pinoy talaga yung attack namin sa show."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Unti-unti raw ang pagpasok ng karakter ng mabuting buhaya na si Bangis. Magsisimula daw ito noong bata pa ang nasabing buhaya.

"Yung parents nung kid napulot nung baby pa si Bangis, ’tas inalagaan siya na parang tao. So parang sabay pinalaki si Bangis ’tsaka si Eboy, so ang turingan nila magkapatid talaga.

"Tapos eventually, nagkaroon ng patayan, may opening kami, e, kasalan tapos may patayan na nangyari. Ang pumatay talaga si Itim, pero ang nalaman ng mga taga-barrio, ’yung buhaya.

"Although sini-secret nila si Bangis, hindi nila alam, so meron siyang taguan dun sa silong nila. Ang parents naman ni Eboy, si Miriam Quiambao, atsaka si Gerard Pizzaras. Pinatay din sila, pinapatay sila ni Yul Servo.

"Kasi yung place nila, kung nasaan yung lugar ng bahay nila, may parang oil something, e, gusto mapag-ari ni Yul Servo, yung buong town, kasi meron siyang crocodile farm, meron siyang leather factory, alam mo yung tipikal na control ng isang pamilya.

"Kaya din namin nakuha si Yul, alam mo yung mukhang mabait si Yul, charming, pero yung character niya parang pumipitik, parang godfather na loving sa family pero medyo ruthless."

CAST MEMBERS. Pero bukod sa kaabang-abang na mga effects, at labanan sa pagitan ng dalawang buhaya, inaabangan din ang pagganap ni Oyo Sotto, Danita Paner, ang anak ni Carlo J. Caparas na si CJ Caparas, at tatlong batang talents.

Si Oyo ay gaganap na si Leon sa kwentong ito, na isang hunter, kung saan sidekick niya si CJ, na gaganap na Falcon.

Samantala, si Danita naman ay si Maya, isang animal rights advocate, na siyang makakabangga, at sa huli’y magiging love interest ni Leon.

Pero giit ni Roselle, meron daw malalim na dahilan sa pagiging hunter ng karakter ni Oyo.

"Ang back story naman niya, namatay din yung parents ni Oyo, pinapatay ng tatay ni Yul [Servo], parang ganun ang nangyari, pinapatay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero buhaya ang pumatay, so all along alam ni Oyo, masasama ang buhaya, kaya naging hunter siya. So parang goal niya, mapatay lahat ng mababangis na hayop, lalo na yung pumapatay ng tao.

"Dun sila nagiiringan ni Maya, kasi animal rights activist siya, e. So kaya may iringan, pero dun naman magde-develop yung kanilang love story. Parang sila yung away nang away, nagka-developan sa bandang huli. Kasi they’re both fighting for something good naman."

THE NEW GENERATION. Mahirap daw ang pinagdaanang proseso ng kanilang staff para mapili ang mga batang kanilang kukunin para sa show. Ang tatlong batang bida sa programa ay sina BJ Go, Junyka Santarin, at Gerald Pesigan.

"Nung nagpa-audition, nakita ko pa lang yung mga bata, medyo mahiyain, e. Pero nung pina-arte na namin, ang galing.

"Tatlo yung bata namin, magaling talaga, nang nakita ko sila, yun na talaga. Si Eboy, ’yan, ayaw kasi namin yung parang maputi, dapat mag-fit siya dun sa barrio, e, na Pinoy, meron siya nun, e. Simple, medyo dark yung skin, lovable siya.

"Si Katkat naman, magaling din yung bata, pero mas experienced na siya, pero hindi pa din siya masyadong nagle-lead role.

"Yung isang bagets, ok din, kasi bully naman siya, pinag-pair namin sa audition, sabi ko sa audition, meron na tayo, out of 250 ’ata yung bata."

Sa kanilang tatlo, si BJ Go ang wala pang experience sa pag-arte. Si BJ ay gaganap na Eboy, ang itinuturing na kapatid ni Bangis, at ang matalik na kaibigan ni Katkat.

Si Junyka Santarin naman ay lumabas na sa ilang mga pelikula, tulad ng Patient X (2009), at Si Agimat at Si Enteng Kabisote (2010).

Gaganap si Junyka bilang si Katkat, ang anak ni Savanna (Wendy Valdez), at matalik na kaibigan ni Eboy (BJ).

At ang huli ay si Gerald Pesigan, na gumanap na anak ni Eugene Domingo sa short film na The Howl and the Fussyket (2011).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para sa palabas na ito, gaganap siya bilang ang bully na si Baktin, na sa huli ay magiging kaibigan din ni Eboy (BJ).

Inaasahang mag-air ang Bangis sa unang linggo ng Hulyo. Makakasama rin sa naturang palabas ang iba pang mga cast members tulad nina Rodjun Cruz, Felix Roco, Wendy Valdez, Bayani Agbayani, Marissa Sanchez, Mavi Lozano, Jazz Ocampo, Tessie Tomas, at Danny Javier.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN