Three child stars overcome their fear of crocodiles while shooting for TV5’s fantaserye Bangis


(L-R) Junyka Santarin, Gerald Pesigan and BJ Go are the kids who will star in the upcoming show of TV5, Bangis. They will join lead stars Oyo Sotto and Danita Paner in this fantasy-adventure show.


"Tatlo yung bata namin, magaling talaga. Nang nakita ko sila, yun na talaga." Ganito inilarawan ng executive producer ng Bangis na si Roselle Lorenzo ang tatlong bata na kasama sa naturang fantaserye.

Sina BJ Go, Junyka Santarin, at Gerald Pesigan ang tatlong "magagaling" na bata na tinutukoy ni Roselle. Sila ang makakasama ni Oyo Sotto, Danita Paner at iba pang stars na kasama sa naturang fantasy-adventures series na base sa komiks ni Carlo J. Caparas.

Nagkaroon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng pagkakataon na makapanayam ang tatlong cute na batang ito sa presscon ng Bangis noong June 27 sa Annabel’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Napag-alaman namin na may mga kanya-kanya ng background sa pag-arte ang tatlong bata. Si BJ ay lumabas na sa ilang TV5 shows tulad ng Midnight DJ at Pidol’s Wonderland.

Si Junyka naman ay unang lumabas sa primetime show ng GMA-7 na Dwarfina bilang young Heart Evangelista. Napanood na rin siya sa mga TV5 shows tulad ng MooMoo and Me, na sinundan ng Babaeng Hampaslupa.

Samantala, si Gerald naman ay ka-batch nina Bugoy Cariño at Zyril Manabat sa Star Circle Quest Kids Edition Season 3 ng ABS-CBN. Kasama rin siya sa GMA-7 show na Little Star, at nagkaroon ng mga guestings sa fantasy show ng TV5 na Pidol’s Wonderland.

THEIR CHARACTERS IN BANGIS. Ang tatlong bata na ito ay hindi lamang basta parte ng cast. Sila ang mga magiging malalapit na tao sa karakter ni Bangis.

Ano nga ba ang role nila sa palabas?

JUNYKA: Ako po si Katkat dito. Ako po ay isang bata na may sakit sa puso, at ang mother at father ko po ay parang masama na din po pero mabait naman din.

BJ: Ako po si Eboy, isang batang matalino at mabait, parang kapatid po ni Bangis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GERALD: Ako po dito si Bakting, ako po’y isang bata na parang inaabuso ng aking tatay, lagi po kaming binubugbog ng nanay ko, at ako po yung laging nangaaway kay Eboy.

Kadalasan sa mga bata ay takot sila sa malalaking mga hayop, lalo pa’t kung may pangil, katulad na lamang ng karakter ni Bangis. Pero hindi na daw sila takot ngayon sa buhaya.

Si BJ daw na kahit pa nakakakita ng totoong buhaya, ay hindi na daw natatakot dito. Si BJ madalas na ka-eksena ni Bangis sa palabas dahil sa pagiging malapit ng loob nila.

Si Gerald naman daw ay nawala ang takot dahil sa palabas na ito. Tingin din daw niya ay ganun ang magiging epekto ng palabas na ito sa ibang tao na may takot sa buhaya.

"Hindi na po ako natatakot kasi po parang si Bangis yung nagpawala ng takot ng mga tao tulad namin, na hindi matakot sa buhaya," wika ni Gerald.

"Kasi po ang buhaya konti na lang po sila sa mundo. So parang kailangan na din natin silang ingatan."

Naging makahulugan naman ang sagot ni Junyka na bukod sa nawala na ang takot niya sa buhaya, ay nagkaroon pa siya ng panawagan patungkol sa mga endangered species.

"Parang endangered spcecies na po sila, parang yung tarsier, konti na lang po sila sa mundo. Kaya po lahat ng endangered sa mundo endangered species na po sila.

"Dapat huwag na po sila saktan kasi kokonti na lang sila sa mundo, nakakaawa naman po yung Diyos kasi ginawa po sila para may ma-ano yung tao, may makita sila sa mundo."

Bagaman kakaunti pa lang ang kanilang nakunan na eksena para sa palabas, may mga kanya-kanya ng paboritong eksena ang mga batang ito.

Computer generated man daw si Bangis, iyon daw mga eksenang kasama siya ang kanilang paborito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Junyka: Ang favorite ko po, yung nakilala ko na si Bangis, nalaman ko po na magkapatid po sila, ’tas po yung paborito ko pong scene yung lagi po kaming nagkakasama ni Bangis. Kasi po hindi na po ako natatakot kasi kahit fake siya or original, hindi na po ako [natatakot].

Gerald: Ang favorite ko po yung sumakay kami kay Bangis. Kasi po parang kakaibang experience yun na sumakay kayo sa isang buhaya na sobrang laki, sobrang saya ko po.

BJ: Ako ang favorite ko po talaga yung niyayakap ko po si Bangis tapos yung umiiyak po ako.

Hindi rin naman daw nahirapan si BJ kapag kukunan ang eksena kasama si Bangis.

"Kaya naman po, kasi iniisip ko na lang po parang kinakausap ko nap o talaga siya, para pong tao, aktingan lang naman po talaga, e.

"Meron po kasi siyang buhaya na gawa sa cotton. Parang niyayakap ko po siya ng mahigpit na mahigpit!

"[Tapos] iisipin niyo po na mahal na mahal niyo si Bangis, tapos hindi niyo po siya iiwan, yun po."

DREAM OF BEING A STAR. Lahat halos ng mga bata ay nangarap na maging sikat, tulad ng isang artista.

Hindi naiiba dito sina BJ (8 years old), Junyka (7 years old) at Gerald (10 years old). Bagaman bata pa at inosente pang mag-isip, may mga kanya-kanya silang dahilan kung bakit gusto nilang magtagumpay sa industriya na ito.

Para kay BJ, ang kagustuhan niyang makita ng ibang tao ang kanyang mga talento ang nagtulak sa kanya para maging artista.

"Ako po kasi gusto ko po pakita ang galing ko sa sambayanan.

"Tsaka gusto ko po makilala, tulad po ng ’Hi Eboy!’ gusto ko po maranasan yung ganun. [Yung] pagiging [kilala sa] pagsasayaw, nagco-comedy, tapos umaakting, ganun po."

Pero para kay Junyka at Gerald, hindi lang ang kagustuhang maipagmalaki ang kanilang talento ang dahilan ng kanilang pagaartista, kung hindi ang kagustuhan din na makatulong sa pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para kay Junyka, gusto niya na makatulong sa kanyang mga magulang na parehong walang trabaho sa ngayon, at para sa kanyang pag-aaral.

"Masasabi ko lang po, magaartista po ako pero yun po ay para sa pagaaral ko.

"Kasi po hindi po nagta-trabaho yung tatay at nanay ko, kaya ako na lang po yung magta-trabaho, naiintindihan ko naman po sila, e.

"Kaya gustong-gusto ko po talagta mag-artista kasi yun po ang pangarap ko mula noong bata pa ako."

Si Gerald naman, sa kanyang murang edad ay gustong maiahon ang kanyang pamilya sa kahirapan.

Parang naluluha pa niyang sinabi, "Ako po gusto ko po maging artista para makilala po ako, mailabas ko po yung talento ko sa buong mundo.

"Gusto ko din po maiahon ang pamilya ko sa hirap. Pangarap ko po talaga maging artista simula noong bata ako."

Ang mga bibo at talentadong mga bata na ito’y mapapanood sa pinakabagong show ng TV5, ang Bangis, na magsisimula sa Lunes, July 4, pagkatapos ng Will Time Big Time.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN