Manny Pacquiao will host GMA-7’s newest game show, Manny Many Prizes


Manny Many Prizes will start airing this Saturday, July 9, at six in the evening after 24 Oras Weekend. This game show is hosted and co-produced by Manny Pacquiao.


Parang pinaghalong Wish Ko Lang at Eat Bulaga ang tema ng pinakabagong show ng GMA-7, ang Manny Many Prizes.

Hangad ng show na ito na magbigay ng malalaking papremyo at supresa sa mga taong karapatdapat, nagsisikap at may natatanging nagawa para sa kanilang kapwa, kaibigan o pamilya.

Maaaring makasali sa show na ito sa pamamagitan ng pagpapadala ng sulat tungkol sa taong sa tingin ninyo ay nararapat na bigyan ng parangal dahil sa kanilang sipag at galing.

Ang mga sulat na ito ay sasalain, upang malaman kung sino ang maswerte, at talagang nararapat mabibigyan ng naglalakihang papremyo at surpresa inihanda ng show para sa kanila.

Bukod pa diyan, maaari din maging studio audience at makasali sa mga game segments na inihanda ng show para sa lahat.

Pero hindi lamang papremyo ang inihanda para sa mga manonood, dahil meron din mga surprise guests na dadating sa show na magpe-perform kasama ang ilan sa mga kasama sa palabas.

Ang main host ng bagong show na ito ay ang Pambansang Kamao Manny Pacquiao. Makakasama niya dito sila Rhian Ramos, Isabelle Daza, Gladys Guevarra, Paolo Contis, at Onyok Velasco.

Bagaman under ng GMA-7, ang palabas na ito’y co-produced ni Manny Pacquiao, na siyang pumili ng pangalan ng show.

Ang kaibigan naman ni Manny na si Lito Camo ang katulong niyang mag-arrange ng theme song ng kanyang show.

Mapapanood ang Manny Many Prizes, simula ngayong Sabado, July 9, at 6 p.m. pagkatapos ng 24 Oras Weekend.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN