Bearwin Meily stars in QTV 11 magic show "Stealing Minds"


Bearwin Meily is excited to perform for his magic show, Stealing Minds, which will be aired on July 15 (9 p.m.) on QTV 11.


Proud na proud na ibinalita sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ng komedyanteng si Bearwin Meily na finally ay mapapanood na sa telebisyon ang kanyang magic show na Stealing Minds.


Sa July 15 ay sabay-sabay nating tutukan sa QTV 11, sa ganap na alas-9 ang two-hour special na halos anim na buwang panahong pinaggugulan ng time ni Bearwin.


"I’m simply proud of what we did. Thanks na finally ay binigyan kami ng airtime ng QTV 11 para naman maipasikat natin sa mga kapwa Pinoy natin ang pinag-isipan at pinaghirapan naming special na ito," sabi ng komedyante.


Stealing Minds is all about street magic, kung saan mismong si Bearwin ang nag-conceptualize, nag-produce, nagdirek at nag-perform.


This is going to be the first time in Philppine television to witness a show na may bidang Pinoy na nag-ikot pa sa mga key countries like Singapore, Malaysia, Thailand at mga lugar sa Amerika, para lang ’mag-magic’ sa mga tao dun.


"The magic effects and tricks are all new and have never been seen on local TV," ang pagmamalaki ni Bearwin. "Kahit dun sa magic show ko na NAKS ay hindi ko pa ginawa ang lahat ng mapapanood dito."


Isa sa mga halimbawa ng magic tricks na ipinagmalaki nito sa amin ay pagtali niya ng sintas ng sapatos, by simply moving his foot up and down. Nakakagulat din ang ipinakita niya sa PEP na pagpulot ng isang yuping soda can sa basurahan, at sa pamamagitan lamang ng konting paghimas sa lata ay nabuo itong muli at nagkaroon pa ng laman na kanyang ininom after. Walang camera tricks, dahil na-capture ang lahat ng ito sa handy cam na tanging asawa niya ang kumukuha.


"Nakaka-excite ang magic show na ito. Alam kong matutuwa ang mga kababayan natin dito kahit pa nga naubusan ako ng english sa mga nakaharap kong mga participants. This is pure magic and pure fun," lahad pa ni Bearwin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Sa mga mahihilig sa magic, abangan ang two-hour special na ito na mapapanood on July 15 (9 p.m.) on QTV 11.


Ayon sa executives ng naturang TV station, kung mag-click ang palabas na ito, Bearwin may have to do it on a quarterly basis. The comedian hopes that GMA-7 would consider giving a good timeslot for his unique magic-show.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN