Nadine Samonte returns to GMA-7 afternoon soap opera

by Ruel J. Mendoza
Jul 3, 2007
Young actress Nadine Samonte makes a comeback to the afternoon time slot via GMA-7's retelling of the Viva Films classic Kung Mahawi Man ang Ulap. Nadine will reprise the role of Hilda Koronel.

Ginanap kahapon, July 2, ang story conference ng ikatlong handog ng Sine Novela ng GMA-7, ang Kung Mahawi Man ang Ulap.

Pagkatapos nina Valerie Concepcion (Sinasamba Kita) at Yasmien Kurdi (Pati Ba Pintig ng Puso?), ang susunod na magbibida sa Sine Novela ay si Nadine Samonte sa TV version ng Kung Mahawi Man ang Ulap na pinagbidahan nina Hilda Koronel at Christopher de Leon sa ilalim ng direksiyon ni Laurice Guillen for Viva Films.



Makakatambal ni Nadine sa Kung Mahawi Man ang Ulap si Dennis Trillo. Kasama rin nila rito sina Iwa Moto, Glydel Mercado, Gardo Versoza, Tommy Abuel, Jeremy Marquez, at dating Star Magic talent na si Hazel Ann Mendoza.

Ang Kung Mahawi Man ang Ulap ang magsisilbing pagbabalik ni Nadine sa afternoon soap drama na minsan na rin niyang pinagreynahan.

Kung matatandaan ay si Nadine ang kauna-unahang StarStruck graduate na nagbida sa isang soap opera via Ikaw Sa Puso Ko ng TAPE Inc., kung saan una silang nagtambal ng ex-boyfriend niyang si Oyo Sotto.

Continue reading below ↓

Nasundan pa ito ng Lea: Ang Pinakamagandang Babae Sa Ilalim Ng Lupa at Now And Forever Presents Ganti. Lahat ng pinagbidahan ni Nadine na afternoon soap dramas ay naging consistent top-raters.

Sa Kung Mahawi Man ang Ulap ay medyo magiging daring si Nadine dahil sasabak na siya sa ilang love scenes with Dennis. Pero handa na raw ang young actress na gawin ang mga ito dahil nasa tamang edad na siya.



"Pero may kaba pa rin kaya kailangan ko pa rin ng guidance ng direktor naming si Direk Mac [Alejandre]. Promise naman niya na lalabas na maganda ang love scenes namin ni Dennis," sabi ni Nadine.



Sa July 30 na ang premiere telecast ng Kung Mahawi Man ang Ulap na ang location taping ay sa may Lake Caliraya. Papalitan nito ang Sinasamba Kita.



Kasama rin si Nadine sa primetime soap opera na Marimar.

Read Next
Read More Stories About
Nadine Samonte
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Young actress Nadine Samonte makes a comeback to the afternoon time slot via GMA-7's retelling of the Viva Films classic Kung Mahawi Man ang Ulap. Nadine will reprise the role of Hilda Koronel.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results