Dina Bonnevie picks "Natutulog Ba ang Diyos?" over "Kung Mahawi Man ang Ulap"


Dina Bonnevie was cast in GMA-7’s Kung Mahawi Man ang Ulap, but the production staff was surprised to learn that the actress already did a pictorial for ABS-CBN’s Natutulog Ba ang Diyos?.



Nalaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na today, July 7, na ang start ng taping ng Kung Mahawi Man Ang Ulap, ang next featured TV remake ng Sine Novela ng GMA-7. Tampok dito sina Dennis Trillo at Nadine Samonte na gaganap sa roles na ginampanan nina Christopher de Leon at Hilda Koronel sa movie version nito.



Magkakapatid ang roles nina Jeremy Marquez, Iwa Moto, at Hazel Ann Mendoza. Gagampanan nila ang mga roles nina Michael de Mesa, Amy Austria, at Isabel Rivas sa pelikula.



Kasama rin sa cast sina Glydel Mercado sa role ni Gloria Romero, Gardo Versoza sa role ni Eddie Garcia, at si Tommy Abuel. Si Mac Alejandre ang direktor ng bagong telenovela.



Si Hazel Ann Mendoza ay dating ABS-CBN talent na nasa pangangalaga na ng DMV Entertainment ni Manny Valera. Ang Kung Mahawi Man Ang Ulap ang first project niya sa GMA-7 at umaasa itong masusundan o madadagdagan pa ang kanyang projects sa Kapuso network.

Samantala, tama ang nasulat ng PEP a few weeks ago na kasama dapat si Dina Bonnevie sa cast ng Kung Mahawi Man Ang Ulap. Siya ang dapat na gaganap sa role na ginampanan ni Gloria. Kinausap na ng GMA-7 ang manager nitong si Arnold Vegafria at tinanggap nito ang project.

Nagulat na lang ang production staff ng Kung Mahawi Man ang Ulap nang malamang nag-pictorial na si Dina para sa Natutulog Ba Ang Diyos?, ang Sine Serye ng ABS-CBN. Nag-commit na diumano sa kanila ang manager ni Dina, tapos ay malalaman nilang nasa soap ito ng Kapamilya Network. Wala man lang daw nagsabi sa kanilang hindi na magagawa ni Dina ang Kung Mahawi Man Ang Ulap.



Nang makausap si Arnold Vegafria, ang sabi niya ay si Dina mismo ang kinausap ng ABS-CBN at huli na nang malaman niyang tinanggap na ni Dina ang project. Si Glydel Mercado ang kinuha ng staff ng Kung Mahawi Man Ang Ulap bilang kapalit ni Dina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN