Gretchen Barretto refuses to talk about reconciliation with sister Claudine; prefers to talk about upcoming teleserye


When asked how Gretchen Barretto prepared for her upcoming teleserye, she revealed: "Nag-workshop and bonding, getting to know each other, getting to know the character. Hindi lang pala sa character namin mentally, emotionally handa kami para sa lahat."


Naging star-studded ang katatapos na 7th Cinemalaya awards night na ginanap sa CCP Main Theater noong Linggo, July 24. Present ang Cinemalaya Foundation head na si Tony Boy Cojuangco kasama ang kanyang partner na si Ms. Gretchen Barretto.


Noong opening night ay dumalo rin si Gretchen at ilang beses siyang nakita sa CCP upang manood ng mga entries. (CLICK HERE to view photos taken during the opening ceremony)


Bago magsimula ang awards night, nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph na makapanayam si Gretchen at ito ang ilang pahayag ng ABS-CBN actress:

Buti po nandito po kayo sa Cinemalaya para suportahan si Tony Boy...


"Well, not only because of Tony, maybe because dito ako nanggaling sa industriyang ito. Nagpapasalamat ako na Tony shares the same love for the business that I am in. So, I’m really really proud that he’s doing his part in the industry that I love most, kung saan ako nanggaling."

"One of these days ba, baka gumawa rin ako ng movie dito sa Cinemalaya. Kanina lang pinag-uusapan namin ni Angel Aquino, magkasama kami kanina, na one of these days na, we go into producing, hindi naman kailangang ako ang artista dahil siyempre unfair. Si Tony yung head tapos andito ako, di ba parang unfair, parang nandadaya , but only to do my part as an actress para sa industriyang ito, I wanna do that."

Nagbati na raw po kayo ni Claudine?


"Alam mo, I’ve like to separate things and I’ve like to ask for a little respect from the industry that I love a lot. I am here to talk about my business, my craft, the people I work with and the projects that I do, other than that, I’d like to keep private, kung ano yung pribado kong buhay. Yung mga away at bati ng pamilya...amin na yun!


"I don’t want to be always masungit everytime you ask me, pero dapat alam niyo na rin na pag ayaw kong sagutin, ay huwag niyo nang ipilit kasi, hindi naman na maganda yun, hindi magandang halimbawa sa tao na...hoy magkaaway kami ay ipinaaalam pa sa ibang tao...bawat kibot kailangan ba malaman ng publiko, hindi naman importante yun. Ang importante, ano bang gusto kong ibinigay sa kanila, ano bang proyekto, ano bang kontribusyon ko sa industriyang ito? Siguro naman graduate na ko sa mga iskandalong ganyan at mga away-bati. Stop it!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang incoming projects mo sa ngayon?

"Magte-taping na kami ng Alta [which will be reportedly called Muling Buksan ang Puso] very soon, yun ang latest. I’ll be working with Zanjoe Marudo, Luis Manzano, Sam Milby, KC Concepcion at Angelica Panganiban, magaganda at magagaling. I bonded with them so there’s much to look forward to."


Nagkaroon na ba sila ng workshop bilang preparasyon?

"Yes, nag-workshop na kami, and we’re gonna do another workshop. Yun na! Excited na ko. Doon ko nakita na si Angelica at KC na...aba palaban sila! Pag mahal mo ang trabaho mo, ibibigay mo lahat."

Ano ang character na gagampanan n’yo sa kuwento?


"Isa akong alta. Siyempre, hindi ko puwedeng ikuwento pero very exciting, very exciting to. You’ll all be invited sa gagawin naming ’look test’ after a week.

"Zanjoe, will be one of my partners na magiging partner din ni Angelica at KC, syempre hati-hati (sabay tawa!), yun ang masaya, pero hindi pa sigurado kung sino...Si Luis Manzano, kapatid ko rito.

"Mas malaking proyekto ang Alta kaysa sa Magkaribal. Parang improvements ang magagawa namin dito."

Paano n’yo pinaghahandaan ang pagpapakita ng mundo ng mga alta sa teleserye na ito?

"It’s more about alta pero siyempre may fashion kasi alam nyo naman na yun naman ang hilig ko eh...fashion. Lahat kami naghahanda. Sabi ni Angelica, ’Hala ka, naghahanda ako.’ Sabi ko...’Patay!’ [sabay tawa] and that’s good. That’s the kind of competition that I want. Ang gusto ko ibigay sa publiko ang excitement at ang pagmamahal namin sa craft namin. Bida kontrabida kami lahat dito, kasi ang uso di ba ngayon, yung bida kontrabida na rin."

Are you willing to lend your accessories and clothes to KC and Angelica kung kinakailangan?


"Ganun!? (sabay tawa) Hindi ba puwedeng leading man na lang ang pinapahiram? Pati ba gamit dapat ipahiram? Hindi kailangang magpahiram, tulad nga ng sabi ko sa ’yo, lahat kami rito naghahanda. Excited kaming ibigay ang lahat ng kayang naming ibigay sa publiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam namin na malaki ang expectation ng mga tao especially after Rubi [starring Angelica Panganiban] na very successful at after the success of Magkaribal, we will give the best dahil hinihintay ng tao at hinihintay namin. Ang tagal naming naghintay."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN