New reality-comedy show replaces three Kapuso sitcoms


Three GMA-7 comedy shows will simultaneously bid goodbye as a new reality-comedy show, Kung Ako Ikaw, takes over. According to reports, Joey de Leon (right) and son Keempee de Leon (left) will host the new Kapuso show.


May mga pagbabagong mangyayari ngayong magtatapos na ang mga sitcoms ng GMA-7 na Who’s Your Daddy Now? every Monday, Bahay Mo Ba ’To? every Tuesday, at Hokus Pokus every Wednesday. Imu-move naman on a different schedule ang Nuts Entertainment na napapanood every Wednesday.



Replacing the Monday to Wednesday slot will be a reality show na may touch of comedy, Kung Ako Ikaw. Walang details pa ang naririnig namin about the new show, pero malamang na ang mag-amang Joey de Leon and Keempee de Leon daw ang maghu-host ng nasabing show na may pagka-Extra Challenge, funnier nga lang.



Three days a week ito dahil hindi naman magagalaw ang Magpakailanman ng Thursday and Bubble Gang ng Friday.



Malamang na ilagay sa Saturday timeslot ng Hokus Pokus ang Nuts Entertainment dahil Bong Revilla will have a new show on a Sunday schedule.



There is a possibility rin na baka one-hour show lang ang Kung Ako Ikaw dahil balitang ipapasok na rin ang Marimar even before any of the existing soaps of GMA-7 ends.



This way, madadagdagan ng isang slot ang GMA Telebabad, although wala pang makapag-confirm nito.



This July din ang pilot ng Kung Ako Ikaw.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN