Erich Gonzales felt comfortable even while shooting sensitive scene with Enchong Dee in Maria la del Barrio


"May scene na parang pumatong siya sa akin tapos parang mahihila yung damit ko," recalls Erich Gonzales about one of her scenes with Enchong Dee in Maria la del Barrio .


Matagal-tagal din ang paghihintay ng mga tagahanga nina Enchong Dee at Erich Gonzales, matapos ang kanilang huling teleseryeng pinagsamahan, ang Magkaribal. Sa wakas ay ipapalabas na sa August 15 ang local adaptation ng Mexicanovela na Maria la del Barrio na sila ang magbibida. Gagampanan nila ang karakter nina Maria Hernandez at Luis Dela Vega na binigyang buhay dati ni Thalia at Fernando Colunga. Handog ng Televisa at ABS-CBN, karamihan sa mga eksena ay kinunan sa Tagaytay at Cavite.



Mula sa panulat ng grupo nina Denise O’Hara at Henry Quitain, ang teleserye ay idinirehe nina Rory B. Quintos at Richard Somes.



Iikot ang istorya ng Maria la del Barrio sa buhay at pag-ibig ni Maria Hernandez na hinahanap ang kanyang tunay na pagkatao.

Kabilang din si Angel Aquino na gaganap bilang Victoria Montenegro-Dela Vega, asawa ni Ian Veneracion na unang minahal si Assunta de Rossi na siyang ina ni Maria.

May special role rin si Ms. Ai-Ai delas Alas na gaganap bilang Casilda, ang kukupkop kay Maria.

Tampok din si Paw Diaz na nagbabalik telebisyon bilang Soraya, ang hahadlang sa pag-iibigan nina Maria at Luis. Matatandaang batchmate ni Erich si Paw sa Star Circle Quest kasama si Arron Villaflor na gaganap naman bilang Vladimir na umiibig kay Maria.



Makakasama din sina Jake Roxas, Katya Santos, Gio Alvarez, Atoy Co, Jane Oineza, Badjie Mortis at K Brosas.

Sa recent press conference ng Maria la del Barrio, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang main characters na sina Erich Gonzales at Enchong Dee, kasama si Direk Rory Quintos. Narito ang bahagi ng interview:

Napabalita noon na hindi na raw maipapalabas itong Maria la del Barrio. ?

"Di naman po talaga siguro nawawala yung intriga," ani Erich. "Ito po at tuloy na tuloy na. Kagaya po ng napanood namin sa trailer, lahat po ng hirap namin sa proyektong ito, puyat, pagod, worth it naman po. Naging masaya naman po ang outcome. Kaya dapat talaga nilang suportahan at panoorin itong Maria la del Barrio, dahil talaga naman pong pinaghirapan namin ito.

Ayon naman kay Enchong, "Kahit papano naghintay rin talaga kami, kasabay namin yung mga fans na naghintay, eto masasabi na namin na palabas na, kaya eto na talaga. And we’re very thankful na binigyan kami ng tamang panahon at tamang oras para magampanan namin yung aming role nang maganda."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May pressure ba on your part kasi very successful yung original Maria la del Barrio?

"Sobra! Sabi ko nga very successful yung original sa Mexico, kaya pag dinala dito sa Pilipinas yung telenobela siyempre may mga dapat kaming ibigay na expectation na dapat i-expect ng mga manonood," tugon ni Enchong.

Gaano ka-sexy yung mga eksena ninyo rito?

"Pinaghandaan, kasi i-e-expect nila na something new, something steamier than the other projects we had before, siguro mas confident compared dati na nahihiya pa showing the abs," pag-amin ni Enchong.

Para naman kay Erich, kinuwento niya ang tungkol sa isang kaabang-abang na eksena na ginawa nila para sa teleserye.

"Hindi siya yung sexy na bastusin talaga, iba siya, very funny rin. May comedy rin kami ritong dalawa. Siyempre hindi rin naman papayagan ng ABS-CBN na gumawa ng something na hindi kapala-palabas.


"May scene na parang pumatong siya sa akin tapos parang mahihila yung damit ko. Nasa highway kami nun sa Tagaytay. Andami-daming mga sasakyan dun pero masaya ako dahil kumportable ako kay Enchong tapos si Direk Rory din tinanong din niya ako kung okay na ganun."

Kumusta yung kissing scene n’yo?

"With Enchong, wala talaga kong hesitation pagdating sa kissing scene, walang awkwardness, walang ganun, kasi marami na po kaming project na napagsamahan. Bawat project po na yun, mas lalo naming nakikilala yung isa’t isa. Mas nag-go grow kami. Wala nang masyadong inhibitions.

"Saka si Enchong ay di nag-te-take advantage, napaka gentleman niya, perfect gentleman," kuwento ni Erich tungkol sa kanyang leading man na nakasama na niya sa 2009 Cinema One Originals entry na Paano Ko Sasabihin? at sa 2010 Star Cinema film na I Do.

Para naman kay Enchong, importante ang komunikasyon para maitawid ang kanilang mga sensitive scenes. "I’m gonna make sure na, pag may gagawin kaming eksena, tatanungin ko muna siya, and iko-consult ko muna yung mga taong nakapaligid sa kanya kung okay lang bang gawin yun. No matter how sexy...we make sure na next show may natira pa rin kami na ipapakita."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Heto naman ang pahayag ni Direk Rory tungkol sa Maria la del Barrio:

Ano po ang pagkakaiba ng Philippine remake sa original Mexicanovela?

"Iniba namin talaga, number one, yung ni-retain lang namin ay yung general spine at yung premise. Dun sa original, garbage girl si Maria dun, she goes to work in the house of Fernando. Sa original story maliliit lang yung role nina Ian Veneracion, Angel Aquino at K Brosas. Wala silang full roles, they were just passersby there, dito sa Philippine version, we give them full roles.

"Isa pa sa original wala doon yung character ni Assunta, the real mother ni Maria [Erich], dito binuhay namin yung character ni Assunta. Yung role ni Ai-Ai [delas Alas], the adopted mother of Maria...sa original, she died on the first day. Dito, we made her a full role, she died on the third week. We created a community, sa original kasi walang community si Maria dun eh, sa original medyo mababa yung storytelling dun eh pero dito kinapalan namin yung storytelling."

Gaano po ka-daring ang mga eksena ni Erich and Enchong sa show na ito?

"They have kissing scenes but tulad nga ng sabi ko mapupunta kami sa 6 p.m. time slot so dapat I consider din natin yung mga batang manonood kasi di siya ganun ka daring so medyo sensual lang not that daring."

How was it like working with Erich and Enchong?

"I love them! They are such good kids. They are laughing, screaming and playing around pero the moment I say ’action!’ they bond to it, they look good onscreen, they work very well together. They have natural chemistry the two of them."


Bakit po natagalan yung pagpapalabas ng Maria la del Barrio?

"Natagalan kasi kinapalan namin yung istorya eh. The original Maria la del Barrio lasted for 2 ½ years but we chunked it down into six months only. It’s really a challenge for us.


"Isa pa yung nga tulad ng sabi ko yung mga ibang character ginawan namin ng back story, binuhay namin, binigyan namin ng sari-sariling story. To do all of that we need to ask permission from TELEVISA [ang may-ari ng copyright ng Maria la del Barrio in Mexico] kasi it’s a adaptation, naka- kontrata siya na di puwedeng i-touch ang spine and we cannot create our own but it took quite sometime because we have to detail it and it was a back request communication. They are asking what we are going to do sa character ni Angel, so we really need to detail it and we need to wait for their permission."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN