Manny Pacquiao will give away prizes at the Pasig Arena via Manny Many Prizes


Daniel Matsunaga and Ervic Vijandre are some of the guests for the August 6 episode of Manny Many Prizes, hosted by Manny Pacquiao (in photo).


PRESS STATEMENT FROM GMA-7:

"Mula Cuneta Astrodome, sa Pasig Arena naman mamumudmod ng papremyo ang Manny Many Prizes (MMP) ngayong Sabado, August 6.

"Tiyak na dadagsa na naman ang mga tao mula sa iba’t ibang dako ng bansa para sa pagkakataong mapabilang sa mga palaro at paraffle ni Ninong Manny Pacquiao na palaki nang palaki bawat linggo.

"Sinasabing mismong co-hosts at staff ng MMP ay nagugulat na lamang sa mga baong sorpresa ni Pacman. Halimbawa, ang raffle prize na dapat sana ay nagkakahalagang 30,000 pesos ay dinagdagang bigla ng 100,000 ni Ninong Manny matapos niyang makitang deserving ang pagkakalooban niya ng biyaya.

"Noong nakaraang Sabado naman ay namigay din siya tig-P1,000 sa 120 taong bahagi ng studio audience kahit tapos na sa pag-ere ang MMP.

"Samantala, bukas ay guests sa MMP sina April Boy Regino, Daniel Matsunaga, Ervic Vijandre, at isang surprise guest. Kaabang-abang din kung sino ang susunod na big winner na mag-uuwi ng pangkabuhayan package mula mismo kay Ninong Manny.

"Kasama ang mga co-hosts na sina Paolo Contis, Rhian Ramos, Isabelle Daza, Gladys Guevarra, at Onyok Velasco, tuloy tuloy pa rin ang People’s Champ sa pamimigay ng suwerte sa mga Pilipino sa Manny Many Prizes ngayong Sabado pagkatapos ng 24 Oras Weekend sa GMA Sabado Star Power."

Ed’s Note: When content falls under "Press Statement," this means that the material is fully and directly from the company itself. The use of open-and-close quotation marks to envelope the entire text shows as much. This also means that PEP is not the author of the statement being read. PEP is simply providing the information for readers who may be interested.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN