Bea Binene and Jhake Vargas topbill GMA-7’s afternoon drama series Pahiram ng Isang Ina


Jhake Vargas and Bea Binene are grateful to GMA-7 for entrusting them with the upcoming drama series Pahiram ng Isang Ina. Jhake says, "Siyempre proud kami sa sarili namin dahil, yun nga po, ang laking tiwala na ibinibigay sa amin."


Sa pinakaunang pagkakataon, magkakaroon na ng pagbibidahang palabas ang tambalang Bea Binene at Jhake Vargas. Ito ay para sa upcoming afternoon drama series ng GMA-7, ang Pahiram ng Isang Ina.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Bea at Jhake noong Lunes, August 8, sa 17th floor ng GMA network.

Ano ang pakiramdam nila na ipinagkatiwala ng GMA-7 management ang project na ito sa kanila?

Ani Jhake, "Siyempre proud kami sa sarili namin dahil, yun nga po, ang laking tiwala na ibinibigay sa amin.

"So, kailangan namin panghawakan yun, kailangan namin alagaan. So, talagang proud."

MATURE ROLES. Mula sa mga teeny-bopper roles, sasabak na ang kanilang love team sa isang heavy-drama series.

Ilan sa mga proyektong pinagtambalan nila ay ang TV shows na First Time (2010) at Reel Love Presents: Tween Hearts (2010), pati na rin ang upcoming movie na Tween Academy: Class of 2012 (to be screened this August 24, 2011).

Paano ba maiiba ang love team nila sa bagong drama series na ito?

"Ibang-iba po!" bulalas ni Jhake.

"Ibang-iba itong Pahiram ng Isang Ina, sa istorya po kasi, magulo. Kung baga iniisip ko nanay niya din si Carmina [Villarroel] sa istorya, nanay ko din si Carmina.

"Kung baga, iba yung dating. Siguro bandang gitna doon kami mai-in love. ’Tas papasok pa ’ata si Rita Iringan, magiging ka-love triangle ko yata ’yan.

"Parang magkakagusto sa akin si Rita, so magiging ganun ang love team."

Dagdag pa ni Bea, "Doon po kasi [Tween Academy], parang best friends kami ni Jhake, na magkakagusto ako sa kanya.

"Dito naman, yung story namin dito mas malalim, kasi parang ano, di ba dapat magkahiwalay dito si Tito Antonio [Aquitania] saka si Tita Mina [Carmina Villarroel].

"So, si Jhake parang nasa side ni Tito Antonio, ’tas ako na kay Tita Mina. So, sa una sa script na yun, magkaaway pa kami, parang ’ang yabang-yabang naman nito.’"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Batid din daw ni Bea, mas nag-mature daw siya sa paggawa ng series, lalo na kung ikukumpara ito sa mga naging projects niya noon na pang "tweens" talaga.

"Super mature dito, parang super nag-mature yung acting ko, yung lahat," wika niya.

"Kasi mas malalim siya, e, kaysa sa pa-sweet-sweet lang, kailangan lang pakiligin yung tao.

"Dito iba talaga, kailangan yung mga eksena namin na nakunan namin magsampalan na, as in yung mga iyakan, nakatira sa squatters area.

"So, super challenging, sobrang challenging, tapos siyempre kasama ko pa mga veteran actress, sila Ate Mina, ate Max [Maxene Magalona], super nakakakaba."

Pero kahit pa man daw nag-level up na ang love team nila ni Bea dito, sinabi ni Jhake na walang kompitensya sa pagitan nila at sa Barbie Forteza-Joshua Dionisio love team.

Aniya, "Sa akin po, hindi ko po iniisip na ahead kami kala Joshua at kina Barbie. Ang iniisip namin, pantay-pantay kaming lahat.


"Kung anong nabigay na role sa amin, yun ang gagampanan namin, walang competition, walang ganun."

SYNOPSIS. Ang Pahiram Ng Isang Ina ay tungkol sa buhay ni Emily (Carmina Villarroel), isang mabuti at matagumpay na negosyante. Sabik siyang magkaroon ng pamilya dahil siya ay lumaking ulila sa mga magulang. Subalit, dahil sa hindi magandang karanasan, hindi niya magawang magtiwala sa mga tao liban sa kanyang mga kasambahay.

Nang makilala ni Emily ang magkapatid na Berna at Andoy (Martin delos Santos), napalapit siya sa mga ito dahil tulad niya ay ulila rin ang dalawa. Para naman sa magkapatid, si Emily na marahil ang sagot sa dasal nilang magkaroon ng ina.

Minsan, may dumukot kay Emily at nalagay ang kanyang buhay sa panganib. Sina Berna at Andoy ang nakakita sa kanya at tumulong upang madala siya sa pagamutan. Dulot ng trauma sa nangyari, naging tulala si Emily at hindi makapagsalita. Palagi siyang dinadalaw ng magkapatid at hindi nila itinatanggi tuwing napagkakamalan silang anak ni Emily.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang malaman ni Andrea ang pagpapanggap na ito, sinuportahan pa niya sina Berna at Andoy. Umaasa siyang makakatulong ang pagmamahal ng dalawa sa paggaling ng kanyang pinsan.

Dahil sa kalagayan ni Emily, si Andrea muna ang namamahala sa negosyo at pag-aari nito. Labis ang malasakit niya kay Emily at madalas ay wala na siyang panahon para kay Ryan. Hindi tuloy maiwasang isipin ng kanyang nobyo na isang hadlang si Emily sa kanilang pagmamahalan.

May hatid ding problema ang pagbabalik ng dating asawa ni Emily na si Johnny (Antonio Aquitania) at ng anak nitong si Luke. Alam ni Johnny na napamahal na kay Emily ang kanyang anak at hindi sila papayag ng nobya niyang si Eloisa (Bubbles Paraiso) na makahati nito sa mana sina Berna at Andoy.

Sa paggaling ni Emily, kailangan niyang pumili kung sino ang kanyang pagkakatiwalaan. Tatanggapin ba niya ang pagmamahal nina Berna at Andoy o ang mapanlokong pagkalinga nina Johnny at Luke?

Samantala, patuloy naman ang pakikipagkumpitensya ni Ryan kay Emily para sa oras at atensyon ni Andrea. Maipaunawa kaya ni Andrea sa nobyo na kailangan siya ng kanyang pinsan? O tuluyan na lamang ba silang maghihiwalay ni Ryan?

Kasama rin sa Pahiram ng Isang Ina sina: Tony Mabesa bilang Carlos, abogado ng pamilya ni Emily; Jim Pebangco bilang Karyo, driver at body guard ni Emily; Shyr Valdez bilang Veron, malupit na tiya nina Berna at Andoy; Rita Iringan bilang Nenet, anak ni Veron; Mike Magat bilang Egay, asawa ni Veron; Ama Quiambao bilang Lourdes, mayordoma sa mansyon ni Emily.

Ipalalabas ang Pahiram ng Isang Ina simula August 15 sa afternoon block ng GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN