JM de Guzman cites professionalism and discipline learned in Mula sa Puso; launches self-titled album of love songs


JM de Guzman on Jessy Mendiola being linked to an Azkal player: "Nagsabi ako na nagagandahan ako sa kanya and I like her. Pero, hanggang dun lang. I can say na wala namang nangyari to begin with kaya walang dapat isipin."


Unang sabak pa lang sa projects na ipinagkatiwala kay JM de Guzman, from Kristine Series hanggang sa Mula sa Puso where he plays the role of Gabriel, kinakitaan na ng husay at lalim sa pag-arte ang young actor.

It was 13 years ago nang unang sumubok na makilala sa mundo ng showbiz si JM, pero kailan lang nabigyan ng magagandang breaks.

Kung magtutuluy-tuloy ang magagandang mga proyekto na ginagawa ni JM, hinuhulaang isa siya sa kikilalaning mahusay na aktor sa kanyang henerasyon.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay JM noong taping ng Mula Sa Puso para sa finale week ng nasabing serye, tinanong namin ang young actor kung ano ang susunod niyang project.

"Sa ngayon, wala pa akong naririnig na next project ko. Pero [iba] ang paniniwala ko naman sa buhay.

"Ayokong mag-expect. Ang gusto ko lagi ay mag-hope for the best.

"Sa susunod kong projects, kung [anong] genre at kung sinuman [ang makakasama ko], sana sa genre na di ko pa nasusubukan.

"Siguro yung pagiging kontrabida sa soap, open ako dun bilang aktor. Gusto ko lahat masubukan ko.

"Sa leading lady naman, kahit sino na hindi ko pa nakakatrabaho.

"Kasi, kahit sinong tao, may iba’t iba kang matututunan sa kanila."

Ano ang feeling niya na isang linggo na lang ang Mula sa Puso at magpapaalam na ito sa ere?

"Malungkot na masaya. Kasi para na rin kaming pamilya sa set. Masaya kasi ito ’yung first [big] break na ibinigay sa akin.

"Mami-miss ko ’yung araw-araw kaming magkakasama sa show. Kasi, from the director, cast, isang pamilya ang turingan namin dito.

"Saka marami akong natutunan dito. Unang-una na yung professionalism at disiplina. At laging relaxed lang sa lahat.

"Pag hindi mo makuha sa una [ang eksena], makukuha mo din eventually."

Ang Mula Sa Puso ang isa sa pinakamatagumpay na serye ng ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aminado si JM na mula pa lang sa first airing nila hanggang ngayong matatapos na ito ay nakakaramdam pa rin sila ng pressure at kaba.

"Mayroon pa rin [kaba], siyempre hindi mawawala yun. Pag nawala kasi ang kaba, delikado yun.

"Kami, dito [sa pag-arte] na lang namin binubuhos yung nararamdaman naming preassure.

"Kasi, kung masyado kang nag-iisip, maguguluhan ka."

LOVING LAUREN? Inakala ng iba na maaring mauwi sa totohanang panliligaw ang pagtatambal nila ni Lauren Young sa Mula sa Puso.

Pero ayon kay JM, purely profesional lang talaga ang namagitan sa kanila ng young actress at kapareha.

"Okay ang samahan namin. Kung iga-graph ko from the beginning, masasabi ko, ang dami naming nagawa together for the show.

"Siguro, kasi mas inisip namin yung trabaho. Parehas kami na first big roles ito na binigay sa amin.

"So, di pa namin kayang isipin ang lovelife. Maganda naman si Lauren, pero hanggang friendship lang talaga."

MISSING JESSY? Na-link siya before kay Jessy Mendiola, pero ayon sa aktres, ngayon ay wala na silang communication ni JM.

Sinabihan din daw ni Jessy si JM na hindi pa siya handang pumasok sa pakikipagrelasyon.

Ano ang masasabi ni JM dito?

"Inamin ko naman na nagkagusto ako kay Jessy. Pero sa sitwasyon ko ngayon at sa buhay ng artista, hindi madali ang pagpasok sa isang relasyon.

"Unless na [lang] kung beterano ka na or matagal ka ng siguro [sa showbiz]. Pero sa ngayon, ayoko na muna.

"Nagsabi ako na nagagandahan ako sa kanya and I like her. Pero, hanggang dun lang.

"I can say na wala namang nangyari to begin with kaya walang dapat isipin."

Balita na isang Azkals player (si Paulo Pascual) ang nagkakagusto sa ngayon kay Jessy. Hindi ba affected dito si JM?

"A, talaga? Okey lang yun, single naman siya.

"Wala akong hurt feelings. Di naman kami. Basta ako trabaho muna ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JM SINGS. Isang album ang ni-launch sa ngayon ni JM na kilala nga raw sa husay rin sa pag-awit.

"It’s my first album, self-titled JM de Guzman, under Ivory Records.

"May dalawa akong compositions dito, ’Carried Away’ and ’Give You the World.’

"Puro cover songs din ang kasama dito like ’Pagdating ng Panahon’ [and] ’Collide.’

"Yung dalawang compositions ko, ginawa ko yun nung college pa ako.

"Yung ’Carried Away,’ it’s a bittersweet song. Yung ’Give You The World,’ tungkol yun sa kung paano ako mag-admire ng babae.

"Based on personal experience, pero in general yun," nakangiti niyang sabi bilang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN