Mark Herras joins the cast of "Boys Nxt Door"


The first StarStruck Ultimate Male Survivor Mark Herras is reportedly joining the cast of GMA-7’s new youth-oriented show, Boys Nxt Door. The show features mostly StarStruck 4 graduates but is topbilled by Batch 3’s Marky Cielo.



Sa kasalukuyan ay tatlong shows na ang ginagawa ng kauna-unahang StarStruck Ultimate Male Survivor na si Mark Herras sa GMA-7. Napapanood siya sa bagong primetime soap na Mga Mata Ni Anghelita, tuluy-tuloy pa rin ang kanyang first solo show na Fantastic Man, now on its second book, at regular pa rin siya sa SOP every Sunday.

As if all that were not enough, papasok din si Mark for a limited number of episodes sa Boys Nxt Door, ang showcase ng StarStruck 4 teens na sina Mart Escudero, Kris Bernal, Aljur Abrenica, Rich Asuncion, Stef Prescott, Jesi Corcuera, and Kiko Juinio. But the show’s cast is led by StarStruck 3 Ultimate Sole Survivor Marky Cielo, making it a three-batch StarStruck show. Kulang na lang isang representative ng StarStruck 2.

Weekdays pareho ang tapings ng Mga Mata Ni Anghelita at Fantastic Man, samantalang live naman tuwing Sunday ang SOP. Since Sabado ang taping ng Boys Nxt Door, puwede itong maisingit ni Mark Herras.

Wala pa namang gagawing pelikula si Mark and by the time umpisahan niya ang festival movie niya for Regal Entertainment na Bahay Kubo, either patapos na ang Fantastic Man or tapos na ang semi-regular stint niya sa Boys Nxt Door.

Aalis din si Mark patungong Guam para sundan ang kanyang ex-girlfriend na si Jennylyn Mercado. Hindi siya makiki-promote ng Angels nina Jennylyn at Patrick Garcia. May show sila roon to promote GMA Pinoy TV.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN