GMA-7 primetime show Munting Heredera extended for 10 weeks


In addition to its regular run of 13 weeks, GMA-7’s Munting Heredera will have an additional 10 more weeks on the air.


Mae-extend hanggang October 2011 ang primetime show ng GMA-7 na Munting Heredera. Ayon sa people ratings ng AGB Nielsen among Mega Manila households, nasa Number One slot ang Munting Heredera last August 22, 2011.

Nagsimula ang airing ng Munting Heredera noong Mayo, na originally ay tatakbo lang ng 13 weeks.

Pero dahil sa patuloy na pangunguna sa ratings ng naturang palabas, lalo na ngayong August, ay na-extend pa ito ng 10 weeks. (CLICK HERE for related article)

Maraming kapana-panabik na mga pangyayari ang dapat abangan ng mga tao ngayon. May mga panibagong karakter kasi na lalong gugulo sa mga buhay nila Doña Anastacia (Gloria Romero), Sandra (Camille Prats), at Jacob (Mark Anthony Fernandez).

Ganun din sa mga batang sila Jennifer (Mona Louise Rey), Calilla (Barbara Miguel), at Michelle (Kyle Danielle Ocampo).

Sa pagbabalik ng dating pag-ibig ni Doña Anastacia na si Enrique (Robert Arevalo), ay kakabit nito ang panggugulo ng dating asawa ni Enrique na si Ingrid (Boots Anson-Roa).

Si Ingrid ang magiging matinding kalaban ni Doña Anastacia, at magiging katulong ng nauna sa kanyang masasamang plano ang kanyang anak na si Stanley (Bobby Andrews).

Alamin kung paano magugulo ang pamilya Montereal sa pagbabalik ni Simeon (Neil Ryan Sese), sa pagpasok ng mga bagong karakter, at sa patuloy na paghahanap sa totong Munting Heredera.

Kasama pa din sa cast ng palabas sila Roderick Paulate, Luz Valdez, Gabby Eigenmann, Leandro Baldemor, Ynez Veneracion, Krystal Reyes, Kristoffer Martin, at Joyce Ching.

Under pa din sa direksyon ni direk Maryo J. delos Reyes, ang Munting Heredera ay mapapanood sa GMA Telebabad, pagkatapos ng Amaya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN