Nomer Lasala says he is not a fortune teller, he reads minds


May celebrity ba nahirapan si Nomer Lasala basahin ang isip? "Nahirapan ako kay Jackie Rice, sa Showbiz Central... Maybe, actually that time tatlo kasi sila [Jackie, Bianca King and Kylie Padilla] at may mga tao talaga na mahirap basahin," Nomer says.


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang mentalist na si Nomer Lasala sa taping ng finale episode ng Mind Master ng GMA 7.

Isa sa itinanong namin kay Nomer: May celebrity na ba na nahirapan siyang basahin ang isip?

"Meron po, si Jackie Rice nahirapan ako kay Jackie Rice, sa Showbiz Central.

"Twice akong nagkamali kay Jackie Rice.

Bakit siya nahirapan kay Jackie?

"Maybe, actually that time tatlo kasi sila [Jackie, Bianca King and Kylie Padilla] at may mga tao talaga na mahirap basahin.

"Nangyayari talaga iyon.

"Gusto ko naman na hindi ko pa nababasa. I would really love to [read] Manny Pacquiao.

"Manny Pacquiao, very underrated. Truthfully, minsan yung tao ginagawang joke yung kung paano mag-English si Manny Pacquiao. Kesyo hindi naman daw nag-aral. Truthfully hindi, e.

"I see Manny Pacquaio as someone very intelligent and gusto kong malaman kung saan nanggagaling yung passion niya, iyon ang gusto kong ma-figure out."

Would he say na maghuhula siya?

"Stereotype kasi, manghuhula parang fortune teller yun."

Hindi siya ganun, aniya, binabasa niya ang nasa isip ng tao.

"Yes, yes.

"And tinitingnan ko din... I hate to sound parang masyadong heavy pero meron kasing tinatawag na parang ano, parallel universe na tinatawag. Hindi lang ito yung reality natin, meron pang realities na iba."

Meron rin siyang power na nakakapagpakilos siya ng mga bagay o telekinesis.

May show nga sa Amerika, ang Heroes, na tungkol sa mga ganitong uri ng powers, at ayon kay Nomer...

"Actually factual yung Heroes e, factual yung pagkakasulat nung writer na yun."

Isa sa mga karakter sa Heroes, si Hiro Nakamura, may kapangyarihan na teleportation or nakakapunta kahit saan, sa loob lamang ng isang kisapmata.

"Ang hirap gayahin nung powers ni Hiro Nakamura — teleportation — kasi it transcends physics, e. Yun yung sinasabi ko na parallel universe."

Ano ang mas strong sa kanya, mind-reading or telekinesis?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mind-reading."

Hindi ba siya kinukuha sa mga court hearings para basahin ang isip ng mga kriminal kung nagsisinungaling ang mga ito?

"Ayoko sanang magamit para dun."

Pero may kumukuha?

"May mga nag-alok po."

Bakit ayaw niya? Ayaw niya sa mga kaso?

"Again, ayokong maka-influence."

Pero makakatulong sana siya na makalutas ng mga kaso o krimen...

"Truthfully, ayoko talagang i-tap yang part na yan. Coz it’s really bigger than me."

DISCOVERY. Paano siya nakuha ng GMA?


"I was discovered by Mr. Joey de Leon. Sometime in Christmas, I was invited to the party of Jocas [de leon]. So nung nagsisigawan sila bumaba si Tito Joey, nagpa-sample."

Saang show siya unang dinala at napanood?

"So nagpa-sample si Tito Joey dun sa party na yun [at] natuwa siya. A week after that, naka-receive na ako ng tawag sa Mel & Joey, through Tito Joey nga po.

"Nung lumabas ako sa Mel & Joey, matindi po yung pag-receive ng mga tao, I was able to get 16,000 text messages, nagbigay kasi ako ng number ko tapos they were bombarded, tinatawagan nila ang GMA, gusto nila akong makita, ng mga tao.

"After nung Mel & Joey, a week after that again, pinatawag ako nila Mr. Duavit, nila Mr. Gozon, I thought intermission number lang, I didn’t know nagpo-propose na pala sila ng show, meron na palang concept, and it was actually Mind Master, yung season 1."

At sa pagitan ng gap ng season 1 and 2, inilagay muna siya sa isang segment ng Showbiz Central.

"By the way yung Mind Master, brainchild po talaga siya ni Direk Louie Ignacio. Siya po yung nakaisip ng concept, after kasi nung Mel & Joey na show, ayun po siya na yung gumawa ng concept ng show."

Si Direk Louie rin ang direktor ng show.

May asawa na ba siya?

"Wala pa po, I’m single but I have a girlfriend."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Binabasa ba niya ang utak ng GF niya?

"Truthfully, pagdating dun hindi, hindi ko binabasa."

Kahit halimbawang mag-away sila at duda siya, hindi pa rin niya babasahin ang isip ng GF niya.

"Hindi ko gagawin."

So not even once na binasa niya ang isip ng GF niya?

"For entertainment, pag naglalaro kaming dalawa."

Sa pamilya?

"Hindi rin, truthfully sila yung biases ko, yung malalapit sa akin, mga friends ko, hindi ko binabasa [ang isip nila]."

Hindi rin naman daw siya yung habang naglalakad sa kalye ay binabasa ang isip ng lahat ng makakasalubong niya.

"Na habang naglalakad ako sa kalye, nakikita o naririnig ko ang iniisip ng mga tao, hindi ganun, may turn on and turn off, nate-turn off naman."

CREATIVE MINDS. Ito ang fascination ni Nomer. Kaya gusto rin niyang magbasa ng isip ng mga creative na tao.

"For example, truthfully, yung mga comedians ang gusto ko... Jim Carrey! Napakabilis. Gusto kong malaman kung saan nanggagaling yung creativity niya.

"Gusto kong malaman kung paano niya hinuhugot, paano yung process, iyon ang gusto kong malaman, I hope."

He reads minds, pero sa finale episode nila for Season 2 na ipapalabas bukas, Sabado, tinanong siya ng guest na si Aljur Abrenica kung ano ang mangyayari sa kanya (Aljur) five years from now, at nasagot iyon ni Nomer.

"Kung i-a-asses ko kasi kung ano yung, what’s about to happen, again using yung concept na parallel universe, ito yung what’s bound to happen."

Nabasa niya sa isip ni Aljur na iyon ang gustong mangyari ni Aljur?

"Hindi. Truthfully, iyon talaga yung what’s bound to happen."

Abangan bukas, Sabado, sa Season 2 finale ng Mind Master kung ano ang nakita ni Nomer na mangyayari kay Aljur five years from now.
Special guest host bukas si Dennis Trillo at guests rin, bukod kay Aljur, sina Bianca King, Yassi Pressman at Diva Montelaba at ang StarStruck boys na sina Steven Silva at Enzo Pineda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN