Ali Sotto discusses her new talk-drama program Personalan, says it’s milder than The Jerry Springer Show


Ano ang epekto kay Ali Sotto ng mga issues na tina-tackle niya sa kanyang TV show? "I’m exhausted! Kasi Tuesday [at] Wednesday [ang taping], Thursday hindi mo na ako makakausap, talagang gulay ako sa bahay, yung asawa ko talaga, naaano siya. Talagang alas-sais na ng gabi, nakapantulog pa rin ako, na kung ano yung suot ko paggising ko," Ali says.


Palagi raw siyang natatanong tungkol kay Amy Perez at sa show nitong Face To Face.

Ito ang sinabi ni Ali Sotto noong nakausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng bago niyang show, Personalan, sa GMA TV Complex kamakailan.

Ang Personalan kasi ay isang talk-drama program na nahahawig sa Face To Face ni Amy.

"I’m always asked [this]... Of course Amy is a good friend, and as I always say, ’Si Amy Perez ba, kinopya ang The Jerry Springer Show?’

Ang The Jerry Springer Show ay isang programa sa America where guests confront each other about domestic problems such as adultery and homosexuality and other controversial issues.

"’Yan ang tanong, di ba? Alam mo naman dito sa industriya natin, formula lang ’yan e, di ba? Sa kahit ano, ke talk show yan, o soap yan, may mga formula na masusunod.

"Kanya-kanya lang tayong execution, di ba? Iba yung take niya dun sa formula na yun at iba-iba rin yung take namin, yung execution namin," pahayag ni Ali.

Sabi nga, there is no original concept.

"Tumpak ka dun!"

Sa Personalan, pinaghaharap ang mga tao na may alitan o hindi pagkakaunawaan. Pero hindi naman raw mala-Jerry Springer ang show.

"Actually hindi. Ano naman yun, this is the mild version.

"Wala kaming violence. I think that’s the most powerful message that we [convey], bawal sa amin ang sakitan."

Was there a time na hindi nila naiwasan na may nagsakitan?

"Merong nag-threaten, tumayo na siya, nagpapaalam na siya na sasampalin na niya. Nagpaalam muna siya pero tumayo na siya.

"Sabi niya, ’Ito lang, minsan lang, hindi na talaga ako makakapigil!’

"Sabi ko, ’Maupo ka diyan! Di ba sabi ko sa inyo walang ano dito, bawal ang kamao, dapat usapang tao!’

"Walang sakitan dito kaya nga ang ano natin is walang hindi nadadaan sa masinsinang usapan. ’Daanin natin sa personalan.’ Iyon lang ang paulit-ulit kong sinasabi. Because that’s what we want to tell the children, yung mga nanonood ng TV na kabataan, pag-usapan n’yo nang maayos."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkausap na ba sila ni Amy?

"Hindi pa pero FB friend ko siya. Anytime puwede niya akong i-PM [private message], puwede ko din siyang i-PM, di ba?"

Nakapanood na ba siya ng Face To Face?


"I haven’t, sorry hindi pa, hindi ko pa napanood.

"Panoorin ninyo kami pareho, di ba? Watch her, watch me," ang suggestion ni Ali.

Meron ba siyang celebrities na gustong i-guest?

"Na magpepersonalan? Dapat, kailangan yung now na issue, di sana nun si Marian [Rivera] at si Heart [Evangelista], pinagharap ko sana noon dito. Pagharapin natin si Heart at si Marian," tumatawang sinabi ni Ali.

"Si Willie [Revillame] ’tsaka si John Estrada," dagdag ni Ali na tumatawa.

CAREER. May gusto pa ba siyang gawin, career-wise?

"Well, it’s... one thing I like doing but it still has not... naku, magalit kaya sa akin ang GMA?

"Marami pa akong gustong gawin. This does not totally encapsulate what I can do.

"Isang facet pa lang ito, di ba? Hosting is one part, yung walang politics, and I love the news, I love politics, gusto ko yung political satire, gusto ko yung ginagawa ko sa Dobol A Sa Dobol B [radio program], I dunno kung nakinig ka nun.

"Yung the lighter side of current events pero may humor at satire, pero may patama."

Kung siya mismo ang guest, sino ang gusto niyang makapersonalan?

"Sa akin?"

Not necessarily kaaway niya, yung gusto lang niyang ka-one-on-one...

"As in parang one-on-one na in depth na interview? Gusto ko si... parang Barbara Walters?

"Kailangan yata mag-conceive ng another show. Because it’s not for Personalan e, wala siyang conflict, walang conflict, parang Oprah yun e, di ba?

"Give me another show first and then I’ll answer your question," tumatawang sinabi ni Ali.

Wala raw siyang makakapersonalan.

"Ako? Wala akong kagalit e, wala akong kagalit."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang epekto kay Ali ng mga issues na tina-tackle niya sa show?

"I’m exhausted! Kasi Tuesday [at] Wednesday [ang taping], Thursday hindi mo na ako makakausap, talagang gulay ako sa bahay, yung asawa ko talaga, naaano siya.

"Talagang alas-sais na ng gabi, nakapantulog pa rin ako, na kung ano yung suot ko paggising ko."

Ang Personalan ay napapanood weekdays, 5 p.m. sa GMA News TV Channel 11.

Nanonood ba ang foreigner husband niya ng show?

"Sinisilip-silip niya but only like magko-comment lang siya sa outfit ko, sa makeup ko, ganun pero... he doesn’t [speak] Tagalog, e.

"Ayaw niya ng masyadong pormal, ano nga siya e, nagagalit nga siya kasi matrona daw akong manamit, dapat daw may konting skin. If I have the body, why not?" at natawa ang TV host.

Very supportive ang kanyang mister sa kanyang TV career.

"Very supportive yun because ilang taon ko namang iniwan for him.

"When we were in Mexico, three years, and then another three years in Madrid. Isipin mo kasagsagan ng career mo, all of a sudden, ’Oh we’re going to Mexico!’ Okay.

"Di ba? Iiwanan mo yung career mo, ang daming walang trabaho, ikaw iiwanan mo. Three years ka sa Mexico, then three years ka sa Madrid. Di ba kababalik lang namin from Madrid?

"Tapos ang drama mo dun, di ba ikaw naglalampaso, ikaw naglalaba, ikaw nagluluto."

FOR GOOD. Retired na ang mister niya. So hindi na ito biglang magyayaya kung saang bansa?

"Hindi na, but parang on call siya na, let’s say, for example, Paris, merong bakante na position doon na he can fill up like, for three months, so go siya, ganun."

Paano si Ali?

"Visit, ganun. May day-off naman ako, e."

So payag naman ang mister niya sa ganung set-up?

"Oo naman."

For good na raw kasi ang pamamalagi nila sa Pilipinas at ang pagbabalik ni Ali sa telebisyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Darling, saan ka naman, for 250 pesos minamasahe ka, di ba?

"Yung ang ganda-ganda lagi ng paa mo at kamay mo, foot spa, o saan pa ’yan?

Of all the places in the world, saan mo gustong mag-retire?

"Sa Manila!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN