Arci Muñoz to play a cat-like human in TV5’s Felina: Prinsesa ng mga Pusa


"I’m really excited and happy, and thankful, sobrang thankful ako na sa akin ibinigay ’tong napakagandang project na ’to," says Arci Muñoz about landing the lead role in Felina.


Masayang- masaya ang isa sa mga TV5 Princesses na si Arci Muñoz sa big project na ibinigay sa kanya ng Kapatid network, ang Felina: Prinsesa ng mga Pusa.

Itoy’ isang original story ng writer na si Abby Lam Ho, tungkol sa isang babaeng mukhang pusa.

Bagamat bawal pang i-disclose ang magiging kuwento ng naturang palabas, ang afternoon show na ito’y nakatakdang ipalabas raw sa susunod na buwan.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang entertainment press si Arci kahapon, August 31, sa storycon ng Felina sa Shakey’s sa Tomas Morato, Quezon City.

Dito’y sinabi ni Arci na excited daw talaga siya na gawin ang naturang project.

"I’m very excited!" bulalas ng aktres.

"Siyempre, panibagong experience na naman ito, panibago na naman ang papasukin kong character.

"So, I’m really excited and happy, and thankful, sobrang thankful ako na sa akin ibinigay ’tong napakagandang project na ’to."

PROSTHETICS. Sa ikalawang pagkakataon ay kailangang gamitan ng prosthetics si Arci para sa kanyang karakter sa isang show.

Matatandaang sa primetime show niya na noon na Nagbabagang Bulaklak ay kinailangan niyang lagyan ng prosthetics matapos siyang buhusan ng asido.

Kaya naman, wala na daw kaso kay Arci kung kailangan niyang gawin ulit ito.

"Actually, I’m really excited!" saad niya.

"Sa Nagbabagang Bulaklak, grabe ang tagal ’ata nung panahon na naka-prosthetics ako, yung mukha ko nung binuhusan ako ng asido, ang tagal na panahon nun."

Pero pag-amin niya, "Hindi ganun kadali ang mag-prosthetics, for your information, mahirap.

"At, lalo na pag matagal yung working hours? Hirap! Pero ito, hindi naman siguro ako papabayaan ng mga [makeup artists] ko, di ba?

"Kaya I’m excited and thankful."

Muling magkakasama sa palabas na ito sina Arci at Carla Humphries, kung saan first time nilang makakatambal sina Leandro Muñoz, at Ahron Villena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kabilang din sa cast sina Bing Loyzaga, Jestoni Alarcon, Sharmaine Suarez, Mura, Epy Quizon, Angel Jacob, Pilita Corales, Bearwin Meily, at Gerard "Bakit" Ong, sa ilalim ng direksyon ni Direk Argel Joseph.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN