T3 Kapatid Sagot Kita overtakes ABS-CBN show in Mega Manila, based on Nielsen data


TV5’s morning show Kumare Klub is hosted by (top frame, L-R) Tintin Bersola-Babao, Amy Perez and Chiqui Roa-Puno while T3 Kapatid, Sagot Kita! is hosted by Raffy, Erwin and Ben Tulfo.


PRESS STATEMENT FROM TV5:

"Ayon sa datos ng Nielsen Media Research sa MegaTam [Mega Manila TV Audience Measurement] nitong Lunes, wagi ang T3 Kapatid, Sagot Kita! ng mag-utol na sina Raffy, Ben at Erwin Tulfo matapos magtala ng audience share na 25.7% kumpara sa ABS-CBN na 24.4% at hindi naman nalalayo sa GMA na nakakuha ng 30.3% sa timeslot ng programa.

"T3 din ang mas tinutukang programa ng mga manonood edad 40 pataas noong Lunes sa Mega Manila kung ihahambing sa ABS-CBN at GMA sa parehong oras o timeslot.

"Dikit na dikit naman ang ratings ng pilot episode ng Kumare Klub with Tintin Bersola-Babao, Chiqui Roa-Puno at Amy Perez. Nakakuha ng 1.4% AMR [Average Minute Rating] ang bagong morning magazine program ng TV5 kumpara sa 1.9% ng Umagang Kay Ganda (ABS-CBN) at 1.8% ng Unang Hirit (GMA).

"Ayon pa sa Nielsen Overnight Report noong Lunes (kumpara sa nakalipas na apat na Lunes), nagtala ng double-digit increase ang TV5 sa timeslot ng Kumare Klub habang lubhang nabawasan naman ng manonood ang Unang Hirit at Umagang Kay Ganda.

"Parehong nag-pilot noong Lunes ang dalawang show ng TV5 News and Information Division (NEWS5) na sabayang napapanood sa 24-hour news channel na AKSYON TV."

Ed’s Note: When content falls under "Press Statement," this means that the material is fully and directly from the company itself. The use of open-and-close quotation marks to envelope the entire text shows as much. This also means that PEP is not the author of the statement being read. PEP is simply providing the information for readers who may be interested.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN