ABS-CBN's "Natutulog Ba Ang Diyos?" premieres tonight, July 16


Sina Roxanne Guinoo, Jake Cuenca, at Joross Gamboa (kaliwa) ang mga bida sa kwento ng pag-ibig sa gitna ng mapaglarong tadhana. Natutulog Ba Ang Diyos? ay ang ika-apat ng Sineserye na ipapalabas ng ABS-CBN.


Ngayong Lunes, July 16, na ang airing ng bagong sineserye ng ABS-CBN, Natutulog Ba Ang Diyos?


Ito ang major breakthrough sa isang teleserye ni Roxanne Guinoo na kasama ang kanyang dati at bagong ka-loveteam na sina Joross Gamboa at Jake Cuenca. Si Roxanne ang bubuhay sa papel na ginampanan ni Lorna Tolentino bilang matiising Gillian sa naging obra maestra sa pelikula ni Direk Lino Brocka noong 1988.



Malayo na nga ang narating ni Roxanne Guinoo mula nang sumali siya sa talent search na Star Circle Quest. Ngayon ay isa na siya sa mga pinaka-aabangang aktres ng kanyang henerasyon at graduate na sa mga teeny-bopper-roles.



Ngayong taon ay marami ang ginulat ni Roxanne nang lumabas siya sa isang kilalang men’s magazine. Kamakailan din ay napabilang siya sa hanay ng mga nagagandahang babae bilang pinakabagong White Castle Lady.



Inakala rin ng lahat na matapos ang kanyang relasyon off-cam sa dating katambalan na si Joross Gamboa ay hindi muna magmamahal ang dalaga. Pero kapansin-pansin ang pagiging malapit niya sa hunk aktor at natsitsismis na boyfriend na si Jake Cuenca.



Big challenge siguro ang nararanasan ngayon ni Roxanne na makasama ang kanyang past love and present labs sa iisang set sa paggawa ng pinakabagong Sineserye. Si Jake ang gaganap bilang mayabang at suwail na si Andrew at si Joross ang kukumpleto sa love triangle ng istorya, bilang Mark, ang matalik na kaibigan ni Andrew na may pagtingin din sa bidang dalaga.



Pero sabi naman ni Direk Jerry Sineneng, wala naman daw tensiyon sa pagitan ng tatlo at wala siyang nakitang problema, although medyo nag-worry siya noong first taping day nila dahil nga the current and the ex-boyfriend ni Roxanne ay magkakasama.



When asked kung nagko-compare notes ang Roxanne sa kanyang ex and present love ay masayang sumagot ito ng: "Hindi po. Ayoko pong i-compare ’yung dalawa. Basta si Joross super friends kami niyan ngayon. Nagkukuwentuhan pa rin kami. Sila naman ni Jake close sila. Tabi pa nga silang matulog minsan, eh. Ang cute-cute nilang tignan. Para silang mag-asawa, hahaha! Okay naman. Friends kaming tatlo. Kasi ’yung sa amin naman ni Joross, tapos na lahat yon. Saka ’yung kay Jake naman, happy kami. Saka happy na rin naman si Joross sa bago niyang girlfriend, eh."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Kung sabagay, ang tema ng istorya ng Natutulog Ba Ang Diyos? ay pag-ibig sa gitna ng mapaglarong tadhana, kaya bagay nga ang love triangle ng tatlo rito.



Makakasama nina Roxanne, Joross at Jake ang mga veteran stars tulad nina Dina Bonnevie, Matt Ranillo III, Rosanna Roces, Ronnie Lazaro at ang mga bagets stars na sina Denise Laurel, Mara Lopez at Martin del Rosario. Pinagtulungang i-direk nina Jerrry Sineneng at Rechie del Carmen ang ika--apat na sineserye na ito mula sa ABS-CBN.

Ipapalabas ang Natutulog Ba Ang Diyos? ngayong Lunes, July 16, sa ganap na ika-6 ng gabi bago ang TV Patrol World.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN