Arci Muñoz topbills TV5’s first afternoon soap opera, Felina: Prinsesa ng mga Pusa


Arci Muñoz gets title role in Felina: Prinsesa ng mga Pusa, TV5’s first afternoon soap opera that will air its pilot episode on October.


PRESS STATEMENT FROM TV5:

"Matapos simulan ang sunod-sunod na paggawa ng mga dekalibreng serye sa primetime, sasabak na rin ang TV5 sa paghahandog ng afternoon soap opera. Si Arci Muñoz ang magbibida sa Felina: Prinsesa ng mga Pusa, ang kauna-unahang drama sa hapon ng TV5.

"Gagampanan ni Arci ang karakter ni Felina, ang babaeng may natatanging kabutihan sa kabila ng kanyang pisikal na anyong isinumpa na maging hawig sa pusa.

"Nang tanungin sa story conference ng kanyang bagong soap kamakailan, hindi naitago ni Arci ang kasiyahan sa bagong pagbibidahan niya, "Siyempre panibagong experience na naman ’to at panibagong character ang papasukin ko. I’m really thankful and happy na hindi ako pinapabayaan ng TV5. Sobrang thankful ako na sa ’kin binigay ’tong napakagandang project na ’to," aniya.

"Makakasama ng isa sa mga prinsesa ng TV5 sa serye sina Leandro Muñoz, Ahron Villena, Carla Humphries at Bing Loyzaga. Kasama rin sa cast sina Jestoni Alarcon, Sharmaine Suarez, Epi Quizon, Carlos Morales, Angel Jacob, Bearwin Meily, Gerard Ong, Ms. Raquel Montesa at Ms. Pilita Corrales.

"Una nang nagbida sa primetime dramaseryeng Mga Nagbabagang Bulaklak si Arci. Kabilang din siya sa bagong aksyon-serye ng Kapatid Network na Ang Utol kong Hoodlum na pinagbibidahan nina Jasmine Curtis-Smith at JC de Vera.

"Nakatakdang ipalabas ang Felina: Prinsesa ng mga Pusa sa Oktubre, Lunes hanggang Biyernes ng hapon sa TV5."

Ed’s Note: When content falls under "Press Statement," this means that the material is fully and directly from the company itself. The use of open-and-close quotation marks to envelope the entire text shows as much. This also means that PEP is not the author of the statement being read. PEP is simply providing the information for readers who may be interested.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN