Aga Muhlach tries hosting for the first time via TV5 show Pinoy Explorer


TV5’s Pinoy Explorer will start airing this Sunday, September 18, after Pidol’s Wonderland. Aga Muhlach will host this edutainment show.


Una siyang nakilala bilang matinee idol, pero ngayon isang bagong Aga Muhlach na ang makikita sa first edutainment show ng TV5, ang Pinoy Explorer.

Sa palabas na ito, mapapanood natin si Aga sa kanyang paglalakbay sa magaganda ngunit hindi pa kilalang mga lugar sa iba’t ibang bansa.

Sa naganap na presscon kagabi, September 12, sa Nido Discovery Center sa SM Mall of Asia, Pasay City, sinabi ni Aga ang kaibahan ng bagong palabas na ito sa ibang existing travel show.

"Hindi siya totally about travel," saad ni Aga.

"It’s the world, its really exploring.

"[Its] not only traveling but exploring like from culture to arts, to food and marami, ’no, iba’t ibang tao at pagkatao, maraming puwedeng puntahan.

"But, basically now we’re focused on entertaining kids, and because we have 6:30 time slot.

"I’m thanking TV5 for giving me that time slot.

"It’s just that happy na happy ako to be back again, sa time na mga bata ulit yung manonood sa akin."

THE AMAZING RACE PRODUCER ON BOARD. Para sa isang travel show na tulad nito, dapat ay maayos ang flow ng kanilang mga flights at mga tutuluyan.

Ayon sa head ng creative and entertainment production ng TV5 na si Perci Intalan, hindi naging madali ang pagpaplano ng magiging takbo ng kanilang pagsu-shoot.

Aniya, "Ang madugo sa kanya, anybody who plans a trip like this, na ganitong madaming leg, ang madugo is finding the right combination of flights, of vehicles, of hotels...Literally lilipad na lang kami nagi-iba pa yun kasi nagi-iba yung itinerary, e.

"’Tsaka, nate-tense kami na isa lang sa amin ang hindi magising, meron lang maligaw, ma-miss lang namin ang isang flight sasabog talaga, e."

Kaya naman naisipan nilang makipagtulungan sa isang producer at coordinator ng American reality show na The Amazing Race.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"The itinerary was planned with a coordinator in the States, he’s Steve and his wife si Tamara.

"Si Steve Thompson is a producer and coordinator ng Amazing Race in the States.

"May contact kami na nag-Amazing Race na kasi.

"Fortunately, yung mag-asawang yun sobrang bait, talagang they drive for us, yung napakaalaga and yet napakahirap ng ginawa nilang preparation para maayos lahat ng booking, lahat ng sasakyan."

NEW TO HOSTING. Bagama’t baguhan sa hosting si Aga, malaki ang kumpiyansa sa kanya ng kanyang boss na si Perci.

Katunayan, ito pa nga ang nagmo-motivate sa kanya.

"I’ve been telling him before we started, na madali lang ’yan, ’wag ka mag-worry sa pagho-host it will come naturally to you, parang kausap mo lang yung friend [mo]," kuwento ni Perci.

"Lalo na, you know, because Aga has kids, so baka alam na kaagad niya kung paano kumonek.

"Nagulat ako when we started shooting there, sobrang... Ang maganda kasi, what Aga brings, meron siyang boyish na curiosity na makikita sa mata niya.

"So, ’pag kinukuwento niya yung mga dinosaurs, I mean, admittedly we all have to learn this as we are growing.

"Pero, naikukuwento niya na parang kinukuwento niya talaga sa anak niya, sa kaibigan niya, napaka-personal at yung delight ba sa nade-discover niya makikita mo yun kay Aga, and I think that’s something really rare, only a few hosts can do that.

"Maraming host na magaling i-deliver yung spiel pero iilan lang yung kaya mag-deliver ng ganun."

Para naman kay Aga, hindi niya akalain na maipagkakaloob sa kanya ang ganitong show na matagal na raw niyang pinapangarap.

"Ahm, nung una, nung unang binigay sa akin yung show na ’to, sabi ko I’ve always wanted to do a show like this," pag-alaala niya.

"Kaya lang alam kong mahirap ano, para lumabas sa comfort zone ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But then, sabi ko as of the time it’s the best thing that I can do, to get out of that comfort zone and do a show like this.

"Yun na nga, nang nangyari na nga, ito na nga this is my calling, sabi daw o feeling ko lang yun!"

At dahil wala nga siyang background sa pagho-host, inisip na lang niyang para siyang nagro-role playing.

"There’s no preparation for me ’no," nangingiting sinabi ni Aga.

"Parang ginawa ko na lang, inisip ko na lang parang role playing yung ginawa ko, parang gumagawa ako ng pelikula.

"Well, hinihingi lang ng show na ito is maraming memorization which is kinda easy for me because pag gumagawa ng pelikula marami yung lines na mine-memorize ko, hindi na naging mahirap para sa akin."

THE BIGGER PICTURE. Dati’y nabanggit ng direktor ng naturang show na si Rowell Santiago, na may "bigger picture" pa siyang nakikita para sa kanilang programa.

Ngunit dahil wala siya sa naganap na presscon kagabi, si Aga na ang nagpaliwanag ng sinasabi nitong "bigger picture."

Sabi ni Aga, "the bigger picture, I think, is aside from what it is now, in the future, hopefully and God-willing if it works out, then puwede siyang mapunta sa... Puwedeng dahan-dahan, puwedeng mapunta sa reality show na ’anong nangyayari sa akin 24 hours’, parang ganun.

"Maraming puwedeng mangyari.

"The show kasi, basically kunwari nga kukuha kami sa BBC or sa show sa mga documentaries na ’yan.

"Then, instead of showing these documentaries like that, pinupuntahan din namin kung saan nila ginawa yun, parang kasama na rin kami sa experience yun."

Mapapanood ang Pinoy Explorer simula ngayong Linggo, September 18, pagkatapos ng Pidol’s Wonderland sa TV5.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN