Jessy Mendiola regards Gerald Anderson "adorable" in Budoy

Budoy" data-url="https://www.pep.ph/guide/tv/8921/jessy-mendiola-regards-gerald-anderson-adorable-in-budoy" data-desc="Jessy says about her leading man: "I’m very honored na makasali sa launching teleserye niya na wala si Kim [Chiu]."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/118c1c540.jpg"> Budoy" data-url="https://www.pep.ph/guide/tv/8921/jessy-mendiola-regards-gerald-anderson-adorable-in-budoy" data-desc="Jessy says about her leading man: "I’m very honored na makasali sa launching teleserye niya na wala si Kim [Chiu]."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/118c1c540.jpg"> Budoy" data-url="https://www.pep.ph/guide/tv/8921/jessy-mendiola-regards-gerald-anderson-adorable-in-budoy" data-desc="Jessy says about her leading man: "I’m very honored na makasali sa launching teleserye niya na wala si Kim [Chiu]."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/118c1c540.jpg">

Budoy" data-url="https://www.pep.ph/guide/tv/8921/jessy-mendiola-regards-gerald-anderson-adorable-in-budoy" data-desc="Jessy says about her leading man: "I’m very honored na makasali sa launching teleserye niya na wala si Kim [Chiu]."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/118c1c540.jpg"> Budoy" data-url="https://www.pep.ph/guide/tv/8921/jessy-mendiola-regards-gerald-anderson-adorable-in-budoy" data-desc="Jessy says about her leading man: "I’m very honored na makasali sa launching teleserye niya na wala si Kim [Chiu]."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/118c1c540.jpg"> Budoy" data-url="https://www.pep.ph/guide/tv/8921/jessy-mendiola-regards-gerald-anderson-adorable-in-budoy" data-desc="Jessy says about her leading man: "I’m very honored na makasali sa launching teleserye niya na wala si Kim [Chiu]."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/118c1c540.jpg"> Budoy" data-url="https://www.pep.ph/guide/tv/8921/jessy-mendiola-regards-gerald-anderson-adorable-in-budoy" data-desc="Jessy says about her leading man: "I’m very honored na makasali sa launching teleserye niya na wala si Kim [Chiu]."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/118c1c540.jpg">


Jessy Mendiola says of her leading man, Gerald Anderson: "He’s so adorable! Dun mo makikita na kahit ang tao mayroon ganung kapansanan, puwede pa rin siyang maging totoo sa feeling niya. Kasi yung mga may tamang pag-iisip, nauuna ang isip sa pagmamahal nila. Si Budoy, nauuna yung puso."


Isa sa biggest breaks ni Jessy Mendiola ang makasama ang Gigger Boys sa youth-oriented show ng ABS-CBN na Boystown. Itinambal rin siya kay Coco Martin sa teleseryeng Kung Tayo’y Magkakalayo. Binigyan siya ng pagkakataong na makasama sa youth-oriented show na Gimik 2010. Patuloy niyang ipinakita ang kakayahan umarte nang bigyan siya ng sarili niyang teleserye, ang Sabel.

Ngayong 2011, itatambal si Jessy Mendiola kay Gerald Anderson na gaganap bilang si Budoy, isang mentally challenged boy na mahuhulog ang loob sa dalaga. Bukod kina Gerald at Jessy, bida rin sa Budoy ang Cosmo hunk na si Enrique Gil.



Sa Star Magic Ball noong September 3, nagkaroon ang PEP.ph ng pagkakataon na makapanayam si Jessy at pag-usapan ang teleseryeng Budoy. Narito ang ilang pahayag ni Jessy tungkol sa Kapamilya show na ito:


Ano ang role mo rito sa Budoy?

"Love interest ako ni Budoy, yun lang!"

Kamusta ka-trabaho si Gerald Anderson sa bago mong teleseryeng ito?

"Sobrang bait ni Gerald, sobrang gentleman niya, tapos palagi niya akong inaalalayan sa mga scenes namin. Sobrang bait nilang lahat, yung mga ibang cast and production. Happy ako na mapabilang ako sa ganito kalaking project."

Is it your first time to work with Gerald?

"It’s my second, yung una ay yung sa Kung Tayo’y Magkakalayo, kasama ko si Coco Martin at si Kim Chiu. Pero madalang kaming magka-eksena dun kasi hindi naman kami ang love team doon, si Kim ang ka-loveteam niya dun at si Coco naman yung ka-loveteam ko. Ngayon, I’m his leading lady dito, I’m very honored na makasali sa launching teleserye niya na wala si Kim."

Nakapag-shoot ka na ba ng kissing scene with Gerald?

"Sabi nga nila, marami daw kaming kissing scene dito ni Gerald, pero wala pa kaming na i-su-shoot."

Are you excited to shoot your kissing scene with Gerald?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I’m excited in a way, na first time ko magkakaroon ng kissing scene with Gerald. Pero I’ve done it before na sa ibang teleserye ko with my other leading men, pero this time ibang klaseng kaba, kasi hindi pa kami masyadong close ni Gerald.

"Napaka-gentleman naman si Gerald, I’m sure na aalagaan naman ako ng show, ’tsaka ni Gerald in a very nice way."

Anong pinagkaiba nito sa huling teleserye mong Sabel?

"Well, siguro dito, mas malaki yung casting niya, mas mabigat, kasi nga ang leading man ko rito si Gerald. Sa Sabel kasi, parang lahat first time, e. Eto parang may experience na ako and I know it’s different kasi ang role ko rito, ibang-iba sa Sabel.


Aside sa kissing scene niyo rito ni Gerald, may love scene din ba kayo dito?

"Ah! Abangan na lang nila! (sabay tawa) Kasi ang pagkakaalam ko, mas deep pa sa pa cute-cute yung role namin dito ni Gerald."

Pero during your previous tapings, naka-eksena mo na si Gerald?

"Oo, actually lahat ng eksena ko, sa first week namin, si Gerald yung ka- eksena ko."

So far, ano ang pinaka-unforgettable scene na nagawa mo with Gerald?

"Yung unforgettable scene ko yung first scene namin na magkasama. Nasa park kami, tapos kakagargahin n’ya ako. Abangan n’yo na lang kung paano n’ya ako kakargahin!"

How do you find Gerald as Budoy sa teleseryeng ito?

"He’s so adorable! Dun mo makikita na kahit ang tao mayroon ganung kapansanan, puwede pa rin siyang maging totoo sa feelings niya. Kasi yung mga may tamang pag-iisip, nauuna ang isip sa pagmamahal nila. Si Budoy, nauuna yung puso."

Sa trailer ng Budoy, makikita na ang mga aktor na magiging parte ng upcoming teleserye na ito. Isa na rito ang nagbabalik Kapamilya na si Tirso Cruz III na siyang gaganap bilang reproductive health expert na si Dr. Anton Maniego.


Si Zsa Zsa Padilla ang gaganap bilang asawa ni Tirso. May problema ang character ni Zsa Zsa sa katawan kung kaya’t sumailalim siya sa invitro fertilization upang magkaroon sila ng anak na pinangalanan nilang Benjamin.


Ngunit, malalaman nila na "mentally challenged" si Benjamin. Mawawalay ang bata mula sa kanyang pamilya at aarugain siya ng karakter ni Janice de Belen.


Kasama rin sa teleseryeng ito sina Barbara Perez, Dante Rivero, Mylene Dizon, Christian Vasquez, Gloria Sevilla, at Jayson Gainza.


Sina Ruel Bayani at Tots Sanchez-Mariscal ang nagsisilbing director ng Budoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Budoy" data-url="https://www.pep.ph/guide/tv/8921/jessy-mendiola-regards-gerald-anderson-adorable-in-budoy" data-desc="Jessy says about her leading man: "I’m very honored na makasali sa launching teleserye niya na wala si Kim [Chiu]."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/118c1c540.jpg"> Budoy" data-url="https://www.pep.ph/guide/tv/8921/jessy-mendiola-regards-gerald-anderson-adorable-in-budoy" data-desc="Jessy says about her leading man: "I’m very honored na makasali sa launching teleserye niya na wala si Kim [Chiu]."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/118c1c540.jpg"> Budoy" data-url="https://www.pep.ph/guide/tv/8921/jessy-mendiola-regards-gerald-anderson-adorable-in-budoy" data-desc="Jessy says about her leading man: "I’m very honored na makasali sa launching teleserye niya na wala si Kim [Chiu]."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/118c1c540.jpg">


Budoy" data-url="https://www.pep.ph/guide/tv/8921/jessy-mendiola-regards-gerald-anderson-adorable-in-budoy" data-desc="Jessy says about her leading man: "I’m very honored na makasali sa launching teleserye niya na wala si Kim [Chiu]."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/118c1c540.jpg"> Budoy" data-url="https://www.pep.ph/guide/tv/8921/jessy-mendiola-regards-gerald-anderson-adorable-in-budoy" data-desc="Jessy says about her leading man: "I’m very honored na makasali sa launching teleserye niya na wala si Kim [Chiu]."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/118c1c540.jpg"> Budoy" data-url="https://www.pep.ph/guide/tv/8921/jessy-mendiola-regards-gerald-anderson-adorable-in-budoy" data-desc="Jessy says about her leading man: "I’m very honored na makasali sa launching teleserye niya na wala si Kim [Chiu]."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/118c1c540.jpg"> Budoy" data-url="https://www.pep.ph/guide/tv/8921/jessy-mendiola-regards-gerald-anderson-adorable-in-budoy" data-desc="Jessy says about her leading man: "I’m very honored na makasali sa launching teleserye niya na wala si Kim [Chiu]."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/118c1c540.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN