Nora Aunor’s Sa Ngalan ng Ina will air pilot episode on TV5 by October 3


TV5’s Sa Ngalan ng Ina is topbilled by (L-R, top frame) Christopher de Leon, Ian de Leon and Nora Aunor as well as Nadine Samonte (lower left frame) and Rosanna Roces.


Kumpara noong mga unang taping days niya para sa TV5 mini-serye, Sa Ngalan Ng Ina, mas nakakapag-relax sa set at magaan ang pakiramdam ni Nora Aunor.

Ito ay dahil tapos nang kunan ang mga malalaking eksena ng serye, sa location nito, sa Taal, Batangas. Natapos ito ng Superstar sa loob ng sampung araw o taping days, within schedule (hindi magkakasunod, from August 22 to September 16).

Sa panahong nabanggit, matinding binuno nina Direk Mario O’Hara and his team ang malalaking eksena ni Ate Guy at mga kasamang cast, tulad nina Bembol Roco, Eugene Domingo, Edgar Allan Guzman, Nadine Samonte, and Ian de Leon, among others; with his assistant director (AD) Jerry O’Hara, and the TV5 production team.

Sa kabilang unit naman, para sa mga eksena nina Christopher de Leon at Rosanna Roces, among others, ay naroon sina Direk Jon Red and his production team. Naglalagare kung minsan ang mga young actors na kasali rin sa mga eksena dito, tulad nina Alwyn Uytingo, Joross Gamboa at Karel Marquez.

Sa ika-11 araw na taping, noong September 19, muling dumalaw ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa location nila sa Mabolo St., New Manila, Quezon City. Nagkataon na dinner break noon nina Nora, Direk Mario, Asst. Direk Jerry, production designer Joey Luna at Boy Palma, Ate Guy’s personal manager. Magkakasalo sila sa dinner, kaya masaya ang naging kuwentuhan.

Kasama rin ni Guy sa room ang dalawa niyang PAs, Mau and Nancy; and her make-up artist, Jerome Chang.

Kapag matagal pa ang kanyang mga eksena, hindi umaalis sa room ng mommy niya si Ian de Leon. Umaga pa ang lang ang call time ni Ian, at isang eksena lang ang nakunan, naghihintay pa siya nang abiso.

"Okey lang, basta kasama ko dito si mommy," sabi ni Ian, na abala sa pagte-text at paglalaro ng games sa kanyang iPod.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Madalas nang nagte-taping ngayon sina Ate Guy at mga kasama sa Metro Manila and nearby locations; once a week ang out-of-town location, especially for remnant scenes.

That evening, pinag-uusapan naman ng mga kasama ni Ate Guy ang mga eksenang kinunan nang araw na ’yon, partikular ang ’sampalan scene’ nina Nora at Nadine Samonte.

"Ang lakas sumampal ni Nadine!" banggit ni "Mang" Jerry O’Hara, actor-director. Expected naman na walang reklamo si Ate Guy sa ganu’ng eksena.

"Mas gusto niya yung totoong sasampalin siya," banggit naman ni Boy Palma.

"Si Nadine, naku, pagkatapos ng eksena, ’Ate Guy, sorry!’ Talagang yumakap siya kay Guy. Sabi naman sa kanya, ’Ano’ng sorry-sorry?’ Natatawa lang siya. Wala kay Ate Guy ’yun, basta trabaho."

The rest of the evening, kinunan ang mga eksenang confrontation nina Nora at Nadine and the young actress proved her mettle; nakipagsabayan na rin talaga si Nadine sa simpleng kahusayan sa pagganap ng superstar-actress.

In a separate interview with Nadine, she told PEP, "It’s really an honor po talaga na maka-trabaho ko ngayon ang superstar."

Boy Palma agreed: "I’m sure, Ate Guy is impressed with Nadine. Dati kasi, mas mabibigat ang eksena niya with the actors, Alwyn and Edgar Allan, kaya nagsabi si Guy na impress siya sa kanila."

Ani pa ni Boy Palma, "Tapos na nina Direk Mario i-edit ang ipapalabas sa buong pilot week. Impressed ang management [ng TV5], nag-text si Sir Perci [Intalan] kay Ate Guy, gustung-gusto nila ang performance ni Guy!"

Last Sunday, September 18, ipinalabas sa Talentadong Pinoy ang sneak preview ng SNNI.

At press time ay kasalukuyan namang nire-review sa MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) ang mga episodes na ipapalabas sa September 22 red-carpet premiere sa SM North Edsa The Block.

Ayon sa MTRCB member na si Pol del Mundo, who’s a self-confessed Noranian, "Bongga ang husay ni Nora Aunor!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WORTH THE RESPECT. Ang TV5 Unit Head o supervising producer na si Ms. Jo-Ann Cabalda Banaga ay "naglalagare" between the two locations to ensure na smooth-sailing ang bawat araw ng pagte-taping para sa nalalapit na pagsasahimpapawid ng Sa Ngalan Ng Ina simula sa October 3.

"Generally smooth-sailing ang trabaho. Sabi ko nga, parang hindi yata totoo ito, parang masyado yatang perfect. But, of course, we wouldn’t mind, dahil naghahabol kami ng deadline," nakangiting sambit ni Ms. Jo-Ann when interviewed by PEP.

"Ay, wala akong mairereklamo kay Ate Guy! Napaka-cooperative niya, mula umpisa. And the same holds true for everyone in the cast. Sina Osang [Rosanna Roces] at Uge [Eugene Domingo]... ibang klase! Iba ang pagta-trabaho nila ngayon dahil, at the same time, fans sila ni Nora Aunor.

"I guess that spells the difference, e. Iba yung regard nila for the lead actress, more than just being a katrabaho; they respect Ate Guy as a co-worker, and, yes, they give her so much adulation.

"Si Ate Guy naman, she sees to it that she gives them back, na she’s worth their respect, kaya wala kang maririnig sa kanya kahit kailangang tapusin ang eksena nang madaling araw," sabi pa ni Ms. Jo-Ann.

Sa pakikipag-usap naman ng PEP with the Superstar, madalas niyang bukambibig ang pagiging maasikaso ng mga taga-TV5 sa mga artista sa set.

"Ibang klase silang mag-asikaso, ang saya-saya ng pakiramdam ko dito," banggit ni Nora. "At ang gagalang nila, hindi ka maiilang."

Bagama’t tina-tratong Superstar na tulad ng dati, hindi mariringgan si Ate Guy ng pagrereklamo sa anumang bagay sa set, kung meron man. Never din siyang nagkaroon ng bad mood, in any taping day, mula sa umpisa. Ayon sa mga katrabaho niya, wala siyang "diva complex."


At dahil lumaki si Nora sa Iriga City sa Bicol, lalong masaya siya pag merong nilulutong ginataang laing, ginataang santol at Bicol express ang cook sa set na si Edna Chan, isa ring Noranian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


RECOGNIZING TALENT. Hindi lang ang mga kasamahang aktor o aktres, sa mini-seryeng Sa Ngalan Ng Ina, ang nakakaramdam ng magandang pagtuturing mula sa nirerespetong "institusyon" na si Nora Aunor.

Maging ang leading man ni Nora sa pelikulang El Presidente: The True Story of Gen. Emilio Aguinaldo, si Jorge "ER" Ejercito, ay elated sa pagkakataong maka-trabaho ang superstar-actress.

Ayon sa isang source, "Itinuturing ni Gov. ER na malaking karangalan ang pagpayag ni Nora Aunor, na maging leading lady niya (bilang Maria Agoncillo, Gen. Aguinaldo’s second wife).

"Huwag na ’yong pagiging politician ni Gov. ER, ibang aspeto ’yon, kahit sabihin pang mataas ang kanyang posisyon, but, let’s face it, bilang actor, bihira pa ang naging pagkakataon ni Gov. ER na mapatunayan ang sariling husay niya sa pagganap. At malaking factor ngayon ang naging pagta-trabaho nila ni Ate Guy."

Tulad din ito ng mataas na regard ng direktor ng El Presidente na si Tikoy Aguiluz, who said, "Let’s not underestimate ER... sa Asiong Salonga, makikita n’yo, he’s different. He shouldn’t be underestimated..."

Both films, Asiong Salonga and El Presidente are being helmed by Direk Tikoy. At sa El Presidente unang nagka-trabaho sina Ate Guy at Direk Tikoy.

Hindi pa tapos ang lahat ng eksena nina Nora at Gov. ER, may isa pa siyang shooting day na personal na ni-request ni Direk Tikoy, which Nora agreed to attend, matapos lang ang buong taping niya para sa SNNI.

When asked to comment about some people’s seeming "disregard" for a talent like ER Ejercito, simpleng pananalita lang ang nagmula sa aktres.

"Lahat naman may pagkakataong mapansin ang husay, o umangat ang estado, lalo’t nagsisikap," sabi ni Ate Guy. "Sana, bigyan natin ng tamang pagpansin, kaysa pipintasan agad.

"Si Gov. ER, wala talaga akong duda sa kakayahan niya. Hindi na siguro kailangang magbanggit pa o ano... makikita n’yo ’yan pag napanood n’yo ang pelikula namin..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ON JOHN RENDEZ . Similarly, halos ganito rin ang pagtitiwalang iniuukol ni Nora Aunor sa kaibigang rap artist na si John Rendez.

When told that John is raring to make a comeback as a rapper and actor, hindi nag-hesitate si Ate Guy na sabihin ang kanyang opinion tungkol dito.

"Gusto ko siyang suportahan, kasi nanghihinayang talaga ako sa talent niya," sabi ni Ate Guy.

"Matagal na dapat, e, dahil noon, nag-uumpisa pa lang maging popular ang rap music dito sa atin, nakakagawa na siya; nagko-compose na siya at magaganda ang nako-compose niya.

"Kaso, natigil nga lang, dahil sa mga intriga at paninira ng ibang tao. Siniraan siya kaya ’yung iba na dapat tutulong, nagdalawang-isip.

"Pero buo ang paniniwala ko, mabigyan lang siya [John] ng tamang pagkakataon, na mapatunayan ang talent niya, kaya niya rin.

"Kahit sa pag-arte, may kakayahan din siya," sabi rin ni Ate Guy.

Bagama’t sinasabi ni John na hangga’t maaari, he wants to make it on his own at bilang patunay ay may pakikipag-usap siya sa isang record co-producer para sa isang follow-up album, after his Metal Dog (released in mid-’90s).

"Ate Guy has got nothing to do with it, ’cause I’m doing it on my own..." sabi ni John, in a separate interview with PEP.

Umiiwas si John sa maaaring sabihin o ipintas na naman sa kanya ng kanyang detractors, na nagiging detractor din ni Ate Guy dahil they don’t approve of their close personal ties.

Still, bukas ang palad ni Nora sa napipintong pagtulong kay John.

In fact, gusto ni Ate Guy na tulungan ang kaibigang aktor at rap artist (at pati ang actor-son niyang si Ian de Leon), na magkaroon ng indie film na siya ang magpu-produce.

"Hindi ako nagdadalawang-isip, dahil naniniwala talaga ako sa talent niya," sambit pa ni Ate Guy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN