Joshua Dionisio to star in GMA-7’s upcoming afternoon show, Ikaw Lang Ang Mamahalin


"Siyempre, hindi po nawawala yung pressure sa amin kasi nung binigay sa amin yung show, imbes na i-encourage kami na ’kaya niyo ’yan!’ parang sinasabi po nila lagi, ’o, malaking show yung gagawin niyo,’" says Joshua Dionisio.


Masayang-masaya ang tween star na si Joshua Dionisio sa naging pagtanggap sa kaniya ng mga taong dumalo sa naganap na Candy Fair noong Sabado, Setyembre 24, sa Megatent Events Venue, Pasig City.

Nang tanungin ang ilan sa mga kabataan na dumalo, sinabi nilang nagsisilbing inspirasyon daw si Joshua at iba pang tween stars para sa kanila.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang entertainment press si Joshua, at masayang-masaya siya sa nalaman niyang ito.

"’Yon po talaga ’yong goal namin as tweens," masayang sinabi ni Joshua.

"’Yon po ’yong goal namin, ’yong maging role model ng mga ka-age namin.

"Kaya nga we try to make our shows, lahat puro pang ano, puro moral lessons."

NEW DRAMA SERIES. Matapos ang kanilang pinagkakaabalahang pelikula, isang bagong drama series naman ang gagawin nina Joshua at ka-love team niyang si Barbie Forteza, ang Ikaw Lang Ang Mamahalin.

Ito’y remake ng GMA-7 original show na pinagbidahan noon nina Angelika dela Cruz at Cogie Domingo.

Bagamat masaya siya sa malaking oportunidad na ito, aminado si Joshua na nape-pressure siya, lalo pa kapag sinasabi sa kanila kung gaano kalaki ang proyektong ito.

Aniya, "Siyempre hindi po nawawala yung pressure sa amin kasi nung binigay sa amin yung show, imbes na i-encourage kami na ’kaya niyo ’yan!’ parang sinasabi po nila lagi, ’o, malaking show yung gagawin niyo.’

"So, talagang kinakabahan kami.

"Kaya nga kahit medyo mahirap yung workshops, talagang ginawa namin, sineryoso namin kasi ayaw namin mapahiya sa mga nanood ng dating show."

Pero, ipinagmalaki ni Joshua na ibang atake daw sa character niya ang gagawin sa upcoming show na ito.

"First of all, pinilit namin gawin sa workshop na ibahin yung character ko from our past shows," saad niya.

"Like, Tween Hearts series, kasi nga dun medyo bad boy ako.

"So, dito mayaman ako, mayaman na parang ayaw niyang sundin yung magulang niya kasi feeling niya masyado na siyang nagiging robot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, hindi naman siya rebel, iba yung attack.

"So, dapat pag-aralan paano na-iba sa Tween Hearts ang Ikaw Lang Ang Mamahalin.

"Siyempre, iba din yung istorya kasi nga sinabi nila yung dati, yung original version is with an older cast.

"So kami, since tweens pa lang, may mga limitations din kami, may ginawa sila dun na hindi namin puwedeng gawin.

"So, iniba ng konti yung istorya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN