Lauren Dyogi explains why this season is called Pinoy Big Brother Unlimited


(in photo) Director Lauren Dyogi is the Business Unit Head of PBB here in the Philippines.


Isang bagong sorpresa daw ang dapat abangan ng mga manonood sa pinakabagong season ng ABS-CBN reality TV show para sa mga Pinoy, ang Pinoy Big Brother Unlimited.

Dumalo noong Martes, Oktubre 18, ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Pinoy Big Brother Unlimited sa Elements sa Eton Centris, Quezon Avenue, Quezon City.

Una nang ipinaliwanag ng business unit head ng show na si direk Lauren Dyogi kung bakit "unlimited" ang season na ito.

Aniya, "Unlimited because nag-spring yung idea na ’yan sa sobrang dami ng nag-audition sa PBB this season, so, dun nagsimula ’yan.

"Tapos, madaming opportunities para sa contestants, unlimited possibilities po ang mangyayari sa PBB [Unlimited], so, ’yon po ’yon."

Ayon sa kanilang tala, mas mataas daw ang bilang ng mga nag-audition sa season na ito na nasa 30,789 katao mula sa iba’t-ibang panig ng bansa.

THE HOUSEMATES. Samantala, hindi naging basta-basta ang pagsasala nila sa mga nag-audition para sa show.

Kung dati ay mabilisan ang pagpili nila, ngayon ay pinakinggan nila ang kuwento ng buhay ng bawat aspiring housemate.

Kuwento ni direk, "Ang dinaanan ng grupo namin this time is hindi tulad ng past editions, dati madalian lang talaga, dumadaan lang sa harap namin.

"This time, we felt we owe it to the public na pumila ng matagal, to at least listen to what they want to say, and we felt that way mas nakikilala namin yung mga nag-audition.

"So, mas nakilatis namin ngayon yung character, yung ’pag napanood siya mayro’ng maituturo si Kuya para sa pagkatao nito.

"O, mayro’n siyang kuwentong mase-share para mga manonood na puwedeng mahalin ka at maka-inspire ka ng ating mga manonood."

Ang mga "inspiring" na kuwentong ito’y mapapanood sa PBB Unlimited: The Audition Stories, na magsisimula sa Oktubre 24.

Bukod sa pagbabahagi ng kanilang kuwento, tutulungan din ni Kuya ang ilan sa kanila upang maka-ahon sa kanilang pinadadaanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samatala, nagsimula na ang pag-ere ng Pinoy Big Brother Unlimited Update noong Oktubre 17, kung saan pinakikita ang mga paghahanda para sa pagbubukas ng bahay ni Kuya.

Sa Oktubre 29 naman ang kick-off night na tatawaging PBB Unlimited: The Big Fiesta, kung saan pormal nang bubuksan ang bahay ni Kuya, at ipakikilala ang mga bago niyang housemates.

Tulad ng dati, dapat nang asahan ang mga iba’t ibang tasks ni Kuya para sa mga housemates, na paglilinaw ni direk Lauren ay hindi pagpapahirap sa kanila.

Sabi niya, "Basta alam ng team na dapat bawat pinagagawa namin ay mayro’n dahilan.

"Hindi naman bibigyan ng challenge ni Kuya ang mga housemates ng walang kahulugan."

Kaya abangan ang mga updates sa bagong challenges ni Kuya, na ihahatid sa atin ng apat na host, sina Toni Gonzaga, Bianca Gonzales, Robi Domingo, at Martin Concio, na mapapanood tuwing Maria La Del Barrio at 100 Days To Heaven. (CLICK HERE for related article)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN