Joyce Ching pressured to fill the shoes of Sunshine Dizon in the reprise of Ikaw Lang Ang Mamahalin


Joyce Ching says about her role in GMA-7’s remake of Ikaw Lang ang Mamahalin: "Kailangan galingan ko din, kailangan ma-meet ko ’yong ginawa niya noon para mabigyan ko ng justice ’yong role."


Ang tween actress na si Joyce Ching ang gumaganap na Clarissa sa afternoon drama show ng GMA-7 na Ikaw Lang Ang Mamahalin.

Unang napanood ang palabas noong 2001, na pinabidahan nina Angelika dela Cruz, Sunshine Dizon, James Blanco, at Cogie Domingo.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joyce noong Oktubre 19, sa opisina ng Viva sa Tektite Building, Mandaluyong City.

Sinabi niya sa amin na hindi pa niya napapanood ang original version ng kanilang palabas.

Gayunman, tingin niya ay mas makakabuti ito para sa mga cast ng show.

"Sinadya po nilang hindi ipapanood sa amin para maging iba ’yong atake namin," paliwanag niya.

"Sa akin po okey lang din po.

"Kasi, baka daw po ang tendency ’pag napanood namin gayahin na lang namin ’yong ginawa nila."

BIG SHOES TO FILL. Samantala, aminado si Joyce na challenging ang role na ibinigay sa kanya sa programang ito.

Gayunman, masaya siya na bida-kontrabida ang ginagampanan niyang role. (CLICK HERE for related article)

Pero, may takot pa din si Joyce lalo pa’t magaling na artista ang unang gumanap sa kanyang role— si Sunshine Dizon.

"Nakakatakot po!" bulalas niya.

"Kasi no’n binigay po nila sa akin ’yong project lagi po nilang sinasabi, halos lahat, ’naku, ang galing-galing ni Sunshine Dizon diyan.’

"So, sa part ko kailangan galingan ko din, kailangan ma-meet ko ’yong ginawa niya noon para mabigyan ko ng justice ’yong role.

"’Tsaka nakakahiya din po kasi baka mapanood ni Ms. Sunshine Dizon tapos sabihin niya, ’sino ba ’yang bata na ’yan, bakit ganiyan siya umarte?’"

Hindi rin daw madali ang papalit niya ng ugali, na mula sa pagiging mabait ay magiging salbahe siya.

Kaya naman una pa lang ay humihingi na siya ng payo kay direk Roderick Lindayan.

Aniya, "Kasi sabi niya noong workshop, ’challenging ’yong role mo kasi mabait ka na masama. Kaya ’yong pag-twist mo mula sa mabait sa masama kailangan distinct talaga.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, kailangan makita talaga ’yong twist, ’yong change.

"’Tsaka baka daw po magkaroon ako ng mga eksenang mataray ako, pero nakikita pa rin sa akin na mabait naman talaga ako, may nangyayari lang kaya ako masama."

Pressured man, labis pa din ang pasasalamat ni Joyce sa GMA-7 management dahil sa pagtitiwala sa kanyang kakayahan.

Gayundin, masaya siya dahil napakalaking break sa kanyang career ang proyektong ito, na talagang iba sa isa pa niyang show na Tween Hearts.

"Ito po kasing Ikaw Lang Ang Mamahalin, mature na ’yong roles," saad niya.

"So, ibang-iba po talaga siya sa Tween Hearts.

"Kasi do’n pa-sweet lang, ’yong normal lang na kami kahit hindi kami umarte talaga, parang effortless na acting.

"Kasi, kami naman talaga ’yong mga tweens, nakaka-relate talaga kami sa nangyayari.

"Dito naman po sa ILAM, nasa serious side naman siya.

"Kasi, dito po sa ILAM ginagawa ko ’yong mga hindi ko pa talaga na-e-experience."

Mapapanood ang Ikaw Lang Ang Mamahalin mula Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Pahiram ng Isang Ina, sa Dramarama sa hapon ng GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN