Wendy Valdez gets title role in her first ABS-CBN teleserye


Controversial Pinoy Big Brother ex-housemate Wendy Valdez stars in her first teleserye on ABS-CBN, Margarita. Wendy will play a showgirl and she will have Bruce Quebral and Diether Ocampo as her leading men.



Papuntang rehearsal ng ASAP ‘07 ang Pinoy Big Brother ex-housemate na si Wendy Valdez nang makasalubong siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa The Loop ng ABS-CBN last Saturday, July 21.

Sinamantala na namin ang pagkakataon upang kumpirmahin ang nakarating sa aming balita na siya ang bida sa remake pelikula noon ng Star For All Seasons na si Vilma Santos, ang Burlesk Queen.



"Hindi na Burlesk Queen, Margarita na ang title niya," paglilinaw ni Wendy.



"Kasi para hindi siya naku-compare dun sa Burlesk Queen na movie. Iba ‘yon, iba ‘yung concept nung sa amin. Although ‘yun nga, may sayaw na parang katulad sa burlesk dancer. Pero hindi talaga siya katulad sa film kaya pinalitan ng title."



Ayon naman sa aming source na kasama sa produksiyon ng proyektong pagbibidahan ni Wendy, may naghahabol diumano sa title na Burlesk Queen kaya nagdesisyon ang ABS-CBN management na palitan na lang ito. Ito ay sa kabila na ang gagamiting spelling ng title sana sa unang teleserye ni Wendy ay "Burlesque" at hindi naman "Burlesk."



"Korek!" pagsang-ayon ng kontroberisyal na beauty queen-actress. "Que ‘yung sa amin dapat, ‘Burlesque.’ Kaso nga, laging naku-compare kaya pinalitan na lang ‘yung title. Hindi maiiwasan kasi ‘Burlesk’ kasi ’yung dati. Kaya ‘pag maririnig mo, halos pareho kaya naku-compare talaga siya."



Ano ang napi-feel niya ngayong may teleserye na siya sa ABS-CBN at bida pa siya.?



"Excited, ngarag. Kasi madalian ito, e," sabi niya.

Sa Lunes, July 30, na kasi magsisimulang ipalabas ang Margarita, pero bukas (July 24) pa lang ang simula ng kanilang taping.



"Kaya hindi ako matutulog nito ng matagal-tagal na panahon!" sabay tawa ni Wendy.

Isang showgirl ang role ni Wendy sa Maragarita. Ano ang preparations na ginagawa niya para sa role niya?



"Natutulog ako ng mahaba. Kasi feeling ko, hindi ako matutulog ng matagal!" seryosong biro ni Wendy.

"Feeling ko talaga ganun. Kaya magbu-beauty rest ako nang malala ngayon. Although, may mga rehearsal pa rin para sa sayaw."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gaano siya ka-sexy sa Margarita?



"Hindi naman mini-measure ‘yung gaano ka-bold kasi nasa primetime siya, e. So, hindi talaga siya magpapakita ng sobrang sexy. ‘Yung treatment niya, ganun pa rin. Hindi katulad nung sa film. Pero iba siya kasi first time sa TV na parang sexy sa primetime. So, ingat din," paliwanag niya.



Feeling ni Wendy, ang Margarita ang dahilan kaya hindi pinatanggap sa kanya ang offer para sa pelikulang Banal, pati na ang Desperadas sa kasintahan niyang si Bruce Quebral. Si Bruce kasi ang isa sa leading men ni Wendy sa Margarita.



"Kailangan na kasi naming umpisahan at madaliin kasi eere na kami," paliwanag niya. "Hindi rin namin alam nung una kung bakit tinatanggihan ‘yung offer sa amin. Tapos nung sinabi na, naintindihan namin kung bakit hindi kinuha ‘yung movie. So, nagtitiwala na lang kami kung ano ‘yung dadating."

Bukod kay Bruce ay makakatambal din ni Wendy sa Margarita si Diether Ocampo. Kasama rin dito sina Elizabeth Oropesa, Rio Locsin, Nonie Buencamino, Dick Israel, Dexter Doria, Joseph Bitangcol, John Manalo, Sharlene San Pedro, at Keanna Reeves.

Tatlo ang direktor ng Margarita, sina Erick Salud, Trina Dayrit, at FM Reyes.

"Flattered!" napapatiling sabi ni Wendy sa pagkakaroon niya ng dalawang leading men sa teleserye. "Tsaka naloloka ako dahil sa pressure. So, kailangan gawin talaga ang magagawa. Kailangan talagang pagbutihin ito."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN