Willie Revillame on TV5 owner Manny Pangilinan: "Dumaan kami sa mga pagsubok, hindi niya kami iniwan."


TV5’s Wil Time Bigtime is hosted by Willie Revillame (leftmost) as well as Babisaya, Mariel Rodriguez, Shalani Soledad, and Sugar Mercado.


Maraming napasayang fans ang Wil Time Bigtime nang icelebrate nito ang first anniversary nito noong October 22, 2011. Hindi inakala ng isang kababayan natin mula sa Bulacan na mananalo siya ng isandaang libo dahil ang pangarap niya ay mapanuod lamang ang show sa una nitong anibersaryo. Isa pang ina mula naman sa Quezon City ang walang pagsidlan ng saya dahil malaking tulong din sa binyag ng kanyang anak kinabukasan (October 23) ang napanalunang 100 thousand pesos.

Dalawang ina naman ang hindi matigil tigil ang pag-iyak dahil sa pagkatawag sa kanilang pangalan bilang winner ng house and lot na ipinagkaloob ng Camella Homes na personal na sinaksihan ng may-ari nitong si Senator Manny Villar at mga anak. Ilan lamang ’yan sa mga maswerteng winners sa Wil Time Bigtime noong araw na iyon.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Willie Revillame sa backstage, inusisa namin siya kung may mga pagbabago ba sa show on its second year.

Aniya, "Hindi na ho siguro [magbabago ang format ng show] dahil okay na ho, okay na siguro yung mga co-hosts ko, ang galing ng mga yan ang galing ni Shalani [Soledad], ang galing ni Mariel [Rodriguez]. Ang pagbabago lang ho, mas marami pang pa-premyo, at ang pagbabago mas marami pang bigtime na saya. Mga games na madaling mapapanalunan, so ’yun ang importante sa programa."

May madadagdag kaya o mababawas? Sagot ni Kuya, "Kung may maidadagdag man malalaman niyo naman yun, basta ikakaganda ng programa, alam naman nila yun pag may idadagdag, mas marami, mas masaya."

Wish ng staff na makapagpahinga kahit papano si Kuya at magkaroon na ng panahon sa kanyang lovelife, kailan naman kaya niya ito mahaharap? Seryosong sagot ni Willie, "Alam mo ako okay lang ako nandiyan lang naman ’yan, ang importante, uunahin muna natin yung pagtulong lalong lalo na yung mga bata kanina, siguro yun na muna. Pag medyo okay na, stable ka na sasabihin mo I’m done, siguro okay na yung mga nagawa kung tulong, bibigyan ko naman nang panahon ang sarili ko. Ganun naman talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa huli, nagpaabot naman ng pasasalamat si Willie sa pamunuan ng TV5 at sa may-ari nitong si Manny V. Pangilinan. Masayang-masaya si Willie na malaki ang pagtitiwala na ibinigay sa kanya ng istasyon.

Aniya, "Proud na proud din ako sa TV5 at kay MVP, alam mo kung bakit? Dumaan kami sa mga pagsubok, hindi niya kami iniwan. Bawat isa sa amin, hanggang sa isang messenger namin, hanggang sa janitor, hanggang sa mga namuno, hanggang sa akin, sabi niya your battle is our battle, yung pain n’yo ay pain din namin. So hindi namin kayo iiwanan, hindi namin kayo pababayaan. Papano kang hindi mai-inspire, di ba?"

"Alam n’yo kahit na gustong gustong niyo kami kung wala namang suporta ang management, hindi namin magagawa ang lahat ng ito. At marami pong salamat, at sinuportahan n’yo, of course ang lahat po nang ginagawa namin.

"Of course, our boss MVP, alam mo he’s a good businessman. Alam mo kung bakit? Ang iniisip po niya ay hindi lamang ang kumita lang, e. Kundi yung convenience nang mga Pilipino, yung maging komportable po tayong lahat yun po yung iniisip niya. Napakasarap ng pakiramdam niyan. Boss Manny marami pong salamat. Thank you so much, in behalf of my staff, in behalf of all the staff and crew at hindi lang yan, at lalo na sa lahat po nang mga nakakasama namin gabi gabi, I’m sure, e, ipagdadasal po tayo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN