Lorna Tolentino and Alice Dixson compete for love and success on TV5’s new primetime soap opera, Glamorosa


(L-R) Alice Dixson, Ritz Azul, and Lorna Tolentino are the lead stars of TV5’s newest primetime show titled Glamorosa. It will start airing tomorrow, November 7, after Wil Time Big Time.


Matapos gampanan ang makasariling si Alondra sa ABS-CBN primetime soap opera na Minsan Lang Kita Iibigin, magiging inaaping palaban naman ngayon si Lorna Tolentino sa TV5 primetime show na Glamorosa.

Naganap kagabi, Nobyembre 5, ang red carpet presscon ng show sa 14th floor, Meralco Lighthouse ng Meralco Building sa Ortigas, Pasig City.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press si Lorna, at sinabi niya na wala naman masyadong kakaiba sa teleserye na ito kumpara sa mga dati niyang proyekto.

"Kasi pauit-ulit lang naman talaga ang tema ng teleseryes at ng istorya," paliwanag niya.

"Ang difference na lang is ito ’yong tuma-tackle on beauty industry, ’yon ’yong difference niya.

"Pero ’yong nawalan ka ng anak, inagawan ka ng asawa, inaapi ka, nang-aaway ka, o ikaw ang salbahe- paulit-ulit lang ’yon."

BIDA-KONTRA BIDA. Ang Glamorosa ay kuwento ng dalawang cosmetic surgeons na bukod sa pagtatagisan kung sino ang mas magaling na doctor, ay naglalaban para sa puso ng iisang lalaki.

Si Natalia (Lorna Tolentino) ay isang mayaman na cosmetic surgeon, na susubukang paibigin ni Karl (Zoren Legaspi) sa utos na din ni Paulina (Alice Dixson).

Pero, ang sa una’y pagpapanggap lang ay mauuwi sa tunay na pagmamahalan dahil tuluyan nang mahuhulog ang loob ni Karl kay Natalia.

Pero dahil sa isang trahedya ay mawawalay si Natalia sa kanyang pinakamamahal na lalaki at sa kanilang anak.

Samantla, maiipit sa gulo nina Natalia at Paulina ang dalagang si Giselle (Ritz Azul) na hinahanap ang tunay niyang pagkatao.

Sa kuwento sa amin ni LT (palayaw ni Lorna) mensahe ng palabas na ito ay tungkol sa panlabas na anyo ng isang tao.

Aniya, "Ang talagang tema kasi ng ano namin, ng istorya namin, ang importante is it’s not only the physical beauty that is important.

"What is important, sabi nga nila, the true beauty comes from within.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, ang ibig sabihin no’n inner beauty— goodness, kindness, generosity— lahat nang masasabi mo na maibabaon mo na maganda kapag nawala ka na sa mundong ito dahil lahat tayo maaagnas din."

Inaapi man sa kuwento, hindi daw siya ang tipong martyr, dahil sa panahon ngayon, "hindi ka na ’yong inaapi ka hindi ka lumalaban, hindi na, hindi na uso."

JUST PORTRAYING A ROLE. Samantala, kung ang pagkakaibigan naman nila ni Alice Dixson ang pag-uusapan, hindi daw nakaka-apekto ang kanilang mga roles sa aspetong iyon.

Ipinaliwang ni Lorna na, "A, may maturity naman tayong tinatawag. ’Pag bata ka medyo immature pa, pero ’pag matanda ka naman na matured ka na.

"Hindi naman ata daan sa magandang kinabukasan ang pagiging immature.

"Kung ano man ’yong ginagampanan namin, ginagampanan namin ’yong role.

"Pero, sa tunay na buhay, hindi dapat masanay na dinadala namin sa personal na buhay."

Sinabi din ni Alice na, "Ang totoo niyan, hangang-hanga ako kay LT. So, one day I’m hoping I will achieve as much as she had achieved."

Wala din daw nangyayaring kompetisyon sa pagitan nila. Ang kompetisyon na iyon ay sa mga karakter lamang nila, at binibigyang buhay lamang nila iyon.

Kuwento ni Lorna, "Ako kasi ’pag mayro’n akong trabaho hindi ko iniisip.

"So, wala akong dapat pantayan, basta mahalaga lang magampanan ko ’yong ginagawa kong role at maging makatotohanan lang ’yon, ’yon lang ’yon, buhayin ko ’yong character na ginagawa ko.

"Doktora ko, hindi naman nalalayo ’yong about beauty because of on Flawless and Belo. At the same time, mayro’n experience na nag-caregiver ako ng two and a half years kay Rudy [Fernandez], so, may background.

"So, ’yon ’yong attachement, or masasabi kong mas mahusay ko na makatotohanan ’yong mga eksena na mayro’n kang hinuhugutan."

Gayundin, nage-enjoy si Alice sa kanyang role dahil ito ang unang beses na naging "bitch" siya on screen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natatawang sinabi ni Alice, "Ako kasi this is my first kontrabida role, first time ko ’to on screen. Kaya, ako I’m really working hard para matutunan ang character ko dito.

"Iba ang attack mo ’pag bida ka [kaysa] sa kontra bida, and like I said earlier nage-enjoy ako dito kasi this is the first time I’m being such a bitch talaga.

"Kaya for me, you always have time to level up sa ginagawa mo sa role na ginagawa mo.

"So, where do I find that in my character role playing? Secret."

Ang iba pang kasama sa cast ng Glamorosa ay sina Tonton Gutierrez, Lotlot de Leon, Jenny Miller, Meg Imperial, Nonie Buencamino, Ronaldo Valdez, Gloria Diaz, Celeste Legaspi, Martin Escudero, at Victor Silayan.

Ang Glamorosa ay idinerehe nina Eric Quizon, Argel Joseph at Joyce Bernal, na magsisimula nang mapanood bukas, Nobyembre 7, pagkatapos ng Wil Time Big Time.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN