Sarah Lahbati overcomes her fear of frogs while doing GMA-7’s afternoon soap, Kokak


(L-R) JC Tiuseco, Sarah Lahbati, and TJ Trinidad topbill GMA-7’s newest afternoon drama series, Kokak, that will start airing by November 14.


Hanggang ngayon ay hindi makapaniwala ang StarStruck V alumna na si Sarah Lahbati na siya na ang bida ng upcoming afternoon serye ng GMA-7, ang Kokak.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press si Sarah noong Huwebes, Nobyembre 3, sa presscon ng Kokak na ginanap sa 17th floor, Executive Lounge ng GMA Network Center sa Timog Avenue, Quezon City.

Hindi na nag-audition si Sarah para maging lead role ng show, sinabihan na lang daw siya Arsi Baltazar ng GMA Artist Center na may bago na siyang proyekto.

Aminado si Sarah na may pressure siyang nararamdaman dahil remake ang pagbibidahan niyang show.

Una na kasing ginawa ang Kokak noong 1989 na pinabidahan ni Rachel Lobangco, sa direksyon ni Leroy Salvador.

"Napakagaling na aktres no’ng direktor [Leroy Salvador], at ang husay ng cast, sobrang nanginig talaga ako," kuwento niya.

"Pero, nangingibabaw ’yong kasayahan ko and excitement na mas lalong galingan, mas lalong mag-aral kung paano maging effective na Kara.

"Kumbaga para mas mabigyan ng justice ’yong role ko as Kara."

FEAR OF FROGS. Ang Kokak ay kuwento ni Kara (Sarah Lahbati), ang dalaga na nagiging palaka sa tuwing nababasa ng tubig ang kanyang mga paa.

Ito’y bunga ng sumpa ni Veronica (Deborah Sun) sa mga magulang ni Kara na sina Renato (Gary Estrada) at Angela (Jessa Zaragoza).

Mawawalay si Renato sa kanyang mag-ina, kaya magdedesisyon si Angela na ilayo si Kara sa mga tao at manirahan na lamang sa gubat.

Walang muwang si Kara sa kung anong meron sa labas ng gubat. Kaya naman nang maligaw at maaksidente ang mayamang binata na si Carl (TJ Trinidad) sa gubat ay tinulungan siya ni Kara, at doon magsisimula ang kanilang pag-iibigan.

Ngunit, ilang lihim sa kanilang nakaraan ang magiging dahilan upang maudlot ang nagsisimula nilang pagmamahalan.

Marami sa mga eksena ni Sarah ay may kasamang palaka. Hindi ito naging madali para sa dalaga dahil may takot si Sarah sa palaka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gayunman, unti-unti ay nasasanay na daw ang aktres.

"Actually, hindi ko pa gaano na-overcome ’yong fear ko. Hindi ko pa sila nahahawakan, nakaka-eksena pa lang, nakakaharap."

Kuwento pa niya, "Nakailang take ba kami do’n, sa iyak-iyak na scene one take pero ’yong may palaka tatlong take, gano’n kasi talon sila ng talon, takot ako.

"Instead na dapat ’yong itsura masaya, parang ewan lang ’yong eksena kaya ’yon lang ’yong worry ko.

"Pero, alam ko magiging mas komportable ako in the next few days, next na mga tapings and hopefully masanay na din ako."

NO KISSING SCENES? Samantala, tinanong ng ilang entertainment press kung magkakaroon ba ng kissing scene sina Sarah at leading man nitong si TJ Trinidad.

Ayon sa director ng show na si Ricky Davao, eventually daw ay magkakaroon na ng kissing scene.

Tila kinabahan si Sarah sa sinabing ito ni direk Ricky dahil kasamang dumating ng dalaga ang kanyang Moroccan dad.

Inamin ni Sarah na konserbatibo ang kanyang ama. Katunayan nga ay medyo nahirapan pa siyang kumbinsihin ito na pumayag sa proyektong ito na ibinigay ng GMA-7. (CLICK HERE for related article)

"Nagulat nga ako, e, pareho kami ni TJ na nagulat no’ng in-announce ni direk," natatawang sinabi ni Sarah.

"So, medyo may explanation akong gagawin mamaya kala daddy.

"Pero as long as, you know, sobrang love ko ’yong job ko tsaka hindi ko siya tinuturing na job.

"’Yong mga hindi ko ginagawa sa totoong buhay magagawa ko in the future, katulad ng kissing scene."

Pero nang tanungin "how far she can go" sa paggawa ng kissing scene, ang naging sagot niya ay, "For me ano, e, maraming bagay ’yong hindi ko akalain magagawa ko, e, sa work, sa tapings na hindi ko ginagawa sa tunay na buhay.

"Like, sa Little Star (2010), hindi ako nagmumura sa totoong buhay pero ilang beses akong nagmura sa TV na nire-require ng role ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, may mga times na you’ll do different things na hindi mo talaga ginagawa sa totoong buhay for the sake of the role, and for the love of my character."

Kasama din sa cast sina Gary Estrada, Deborah Sun, Vaness del Moral, Ervic Vijandre, at Frencheska Farr, Jessa Zaragoza, JC Tiuseco, at TJ Trinidad, sa direksyon ni Ricky Davao.

Magsisimula na ang Kokak sa Nobyembre 14, Lunes, sa Afternoon Prime Block ng GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN