Robin Padilla personally requested Vina Morales to be his onscreen partner in Maalaala Mo Kaya


"Gusto ko makasama si Vina dahil yung istorya talagang hinihingi si Vina, wala nang iba. Pero ibang-iba na ito sa dati. Iba na ’yung intensity at emosyon. Dati kasi kailangang in-love ako kay Vina; ngayon iba na kami dahil sa emosyon na ako humuhugot," says Robin Padilla about his onscreen partner Vina Morales.


Matapos ang halos 20 taon, muling magtatambal sina Robin Padilla at Vina Morales sa isang espesyal na episode ng Maalaala Mo Kaya (MMK) ngayong Sabado (Nobyembre 12) bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-20 anibersaryo ng longest-running drama anthology ng Asya. Ang nasabing MMK episode rin ang kauna-unahan nilang pagtatambal sa telebisyon.

Tampok sa episode ang buhay ng isang New Bilbiid Prison inmate na si Willie (Robin) na matagal na nagtago sa batas bago tuluyang nakulong at ng kanyang asawa (Vina) na nanatiling tapat sa kanilang sumpaan sa gitna ng mga pagsubok.

Ayon kay Robin at Vina, kapwa sila masaya nang ialok sa kanila ang proyekto. Ani ni Robin, "Kilala naman natin ang MMK na gumagawa ng totoong istorya ng mga totoong tao at pumayag ako nang makita kong hanep ’yung istorya, casting, at pati ’yung direktor namin."

Bukod sa magandang kuwento, natutuwa naman si Vina na malamang hindi nagbago ang ’on-screen chemistry’ nila ng dating nobyo. "Laking pasalamat namin ni Robin sa MMK kasi excited na kaming makatrabaho ang isa’t-isa at marami na din namang naghihintay. Alam naman ng lahat na may magkaiba na kaming buhay ngayon pero yung ’chemistry’ namin sa TV, ganun parin."

Hindi tulad ng mga pelikulang una nilang pinagtambalan na puro aksyon, family drama ang pagbibidahan nila Robin at Vina sa kanilang MMK episode.

Ayon kay Robin, sinuportahan siya ng buong grupo ng MMK lalo na sa iyakan. Dagdag na kwento naman ni Vina, "Iba itong MMK episode namin. Sabi ko kay Robin, ’ngayon kahit action star ka, iiyak ka. Kailangan mo talagang umiyak kasi nangyayari talaga sa tao ’yun."

Samantala, bagama’t inaming personal niyang hiniling na makatambal si Vina sa pinakabagong MMK episode niya, ibinahagi ni Robin na ginampanan nila ang mga karakter nila bilang mga propesyonal na aktor.

"Gusto ko makasama si Vina dahil ’yung istorya talagang hinihingi si Vina, wala nang iba. Pero ibang-iba na ito sa dati. Iba na ’yung intensity at emosyon. Dati kasi kailangang in-love ako kay Vina; ngayon iba na kami dahil sa emosyon na ako humuhugot."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Huwag palampasin ang hindi malilimutang balik-tamabalan nina Robin at Vina sa patuloy na pagdiriwang ng ika-20 anibersaryo ng longest-running drama anthology ng Asya, ang Maalaala Mo Kaya (MMK), tuwing Sabado ng gabi, pagkatapos ng Junior Master Chef Pinoy Edition.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN