Aga Muhlach has a daring water adventure in Dubai for Pinoy Explorer


Follow the adventures of Aga Muhlach in Dubai for his TV5 show, Pinoy Explorer.


PRESS STATEMENT FROM TV5:

"Noong nakaraang linggo, nag-umpisa na ang panibagong pakikipagsapalaran ni Aga Muhlach sa disyerto ng Dubai. Ngayong Linggo, November 20, sa tubig naman lulusong si Aga.



"Kung inaakala n’yong puro disyerto lang ang makikita sa Dubai, nagkakamali kayo. Sa Dubai Mall, isa sa mga pinakamalaking mall sa buong mundo, natagpuan ni Aga ang Dubai Aquarium and Underwater Zoo. Ang Dubai Aquarium ang may tangan ng Guiness Book of Records bilang World’s Largest Acrylic Panel. Mahigit sa 30,000 sea creatures din ang matatagpuan dito.

"Pinuntahan din ni Aga ang Aquaventure Water Park sa Atlantis Hotel kung saan tinangka niyang mag-slide sa nakakatakot na Leap of Faith. Ito ay water slide na kasing taas ng six-storey building.

"Ano kaya ang kinahinatnan ng daring stunt na ito ni Aga?



"Kasabay ng water adventure ni Aga sa Dubai ang pagkukuwento niya ng ikalawang bahagi ng Walking with Beasts tampok ang episode na "Whale Killers" kung saan makikita ang mga dambuhalang pating at balyena na naging terror sa karagatan matapos maghari noon ang mga dinosaur.



"Abangan ang water adventure ni Aga sa Dubai sa Pinoy Explorer,
ngayong Linggo, November 20, 6:30PM bago mag-Who Wants To Be A Millionaire."

Ed’s Note: When content falls under "Press Statement," this means that the material is fully and directly from the company itself. The use of open-and-close quotation marks to envelope the entire text shows as much. This also means that PEP is not the author of the statement being read. PEP is simply providing the information for readers who may be interested.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN