Bruce Quebral drops tikbalang-king role in "Super Inggo 2" for "Margarita"


Former Pinoy Big Brother Season 2 housemate Bruce Quebral will not be part of the Book 2 of ABS-CBN’s fantaserye Super Inggo anymore. The model-turned-actor had to turn it down because of conflict of schedules with his taping for Margarita.



Hindi na matutuloy ang Pinoy Big Brother (PBB) Season 2 housemate na si Bruce Quebral sa ikalawang aklat ng Super Inggo sa ABS-CBN. Conflict kasi ito sa tinanggap na rin nitong Margarita, ang bagong teleserye ng Dos, kasama si Wendy Valdez.



Kamakailan nga lang ay naibalita rito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na gaganap sana si Bruce bilang Tikbalang King sa Super Inggo 2. Pero dahil marami ang nangyayaring changes and developments sa casting ng mga bagong programa sa Kapamilya network, ang latest nga’y out na si Bruce sa Super Inggo 2 at in naman siya sa Margarita ni Wendy.



Ayon sa nakausap ng PEP na isang taga-production staff ng Super Inggo 2, talagang ang first choice nila sa role na Tikbalang King ay si Bruce sana, dahil pasok ito sa hinihinging requirements ng role—6-footer and well-built.



"Nakaligtas si Bruce sa prosthetics at body painting," sabi ng kausap ng PEP. "Hindi talaga kakayanin ng sked niya, e. Puwede sana kung hindi nagmamadaling gawin ’yung Margarita, kaso talagang conflict sa sked."



Originally, dapat sana’y gagawin ni Wendy ang remake ng Burlesk Queen sa Sine Serye ng Dos, pero ang latest nga ay Margarita na ang title ng first soap nito kung saan dancer din ang papel ng kontrobersiyal na PBB 2 housemate.



Ka-triangle ni Bruce dito sina Wendy at Diether Ocampo, among other stars. Obvious na minamadali ang production dahil nag-pilot na ito kahapon, July 30.



Dahil sa pag-beg off ni Bruce sa Super Inggo 2, bakante na ngayon ang lead tikbalang role—na kontrabida ang role, pero markado ito sa kuwento—kaya naghahanap ang taga-production ng papalit.



Nasaksihan pa nga ng PEP sa ABS-CBN dressing room noong July 23 ang go-see or audition with some talents sa hinahanap na tatlo hanggang apat na tikbalang.

Humarap ang executive producer at pinababalik ang mga nakapasa bukas, July 25, para makita ng direktor at makapag-fitting na ng costumes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



As for the vacant role na iniwan ni Bruce, kundi artistang matangkad din at with good built ang papalit, malamang na professional ramp model na lang ang kunin dahil anytime ay simula na ang taping ng Super Inggo 2.



Pasok pa rin sa original cast sina Makisig Morales at ang gaganap na nanay nitong si Angelu de Leon, pero may ilang natanggal din sa casting.



Sabi ng isang malapit kay Bruce na nakausap din namin, "Ngaragan ang sked niya at sunud-sunod ang ginagawa niya, pero he’s enjoying. More on showbiz na talaga ang focus niya now at mukhang lie-low na sa modeling. Pero masaya siya kahit super puyatan."



Naka-set na rin ang nationwide tour ng PBB 2 habang isisingit din ang acting workshops ni Bruce para sa taping ng Margarita.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN