"Impostora" run cut short due to Iza Calzado's Hollywood trip

by Nitz Miralles
Aug 1, 2007
Impostora would have been extended for another two weeks but one of its stars, Iza Calzado, has to leave for the shooting of the Hollywood movie The Echo.


Nalaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) mula sa writers ng Impostora na dapat extended for two weeks ang naturang teledrama ng GMA-7. From 14 weeks, tatakbo dapat ito ng 16 weeks. Pero dahil aalis si Iza Calzado for the shooting of the Hollywood movie The Echo, balik sa 14 weeks ang soap opera.



Habang hindi pa nakakaalis si Iza, kukunan na ang ending scene nila ni Sunshine Dizon para wala nang poproblemahin si Direk Maryo J. delos Reyes sakaling hindi agad makabalik sa bansa ang aktres.



Pagod si Iza sa paglalagare sa taping ng Impostora at shooting ng Desperadas, pero wala siyang karapatang mapagod dahil Hollywood movie ang kapalit ng kanyang sakripisyo. In-offer din sa kanya ang maging leading lady ni Bong Revilla sa Resiklo, pero mas pinili niya ang Desperadas, na kalahok din sa 2007 Metro Manila Film Festival.



Sa latest update ng Hollywood trip ni Iza, naurong ito sa August 20 dahil sa maiiwang trabaho rito. Obviously, nagawan ng paraan ni Direk Yam Laranas na hindi muna kunan ang mga eksena ng aktres sa The Echo.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Impostora would have been extended for another two weeks but one of its stars, Iza Calzado, has to leave for the shooting of the Hollywood movie The Echo.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results