Wendy Valdez, palaban na showgirl sa "Margarita"


Si Wendy Valdez, ang Third Big Placer ng Pinoy Big Brother Season 2, ang bida ng Margarita, samantalang sina Bruce Quebral (kanan) at Diether Ocampo (kaliwa) ang kanyang dalawang leading men.


Ang Hot Commercial Babe ng Navotas ay isa nang showgirl na mapapanood gabi-gabi sa ABS-CBN Primetime Bida. Ang Third Big Placer ng Pinoy Big Brother Season 2 na si Wendy Valdez ay gaganap bilang Margarita sa bagong teleserye na ipapalabas tuwing 6 p.m. sa Kapamilya Network. Ito ang pumalit sa slot ng Natutulog Ba Ang Diyos? na nilipat sa 9:30 p.m.

Ang Margarita ay umiikot sa kwento ng isang babaeng palaban, na sa murang edad ay naranasan na ang mga pagsubok sa buhay. Maagang naulila sa ina (Rio Locsin), at iniwan ng ama (Dick Israel) para sa ibang babae (Elizabeth Oropesa), napilitan si Margarita na akuin ang responsibilidad na buhayin ang kanyang mga kapatid, at pumasok sa magulong mundo ng pagsasayaw sa mga bahay-aliwan. Nangako siya sa sarili na maghiganti sa ama pagdating ng panahon, subalit makikilala siya ng mga taong magpaparamdam sa kanya ng mas matimbang na pagmamahal kaysa sa paghihiganti.

Si Wendy ang gaganap bilang maalindog at matapang na si Margarita, habang si Bruce naman ang matalik na kaibigan nito na si Rodrigo, na may lihim na pagtingin sa kanya. Si Diether ang gaganap na Bernard na siyang kukumpleto sa love triangle bilang mabait at matipunong lalaki na bibihag sa puso ng dalaga.

Sa press conference ng Margarita na ginanap noong July 25 sa ABS-CBN compound, inamin ng executive-in-charge of production na si Deo Endrinal na ang palabas na ito ay sadyang na-conceptualize para kay Wendy.

"We cannot ignore the fact that Wendy is being talked about. Kumbaga, strike while the iron is hot," paliwanag ni Deo.

"The timing was the one we were thinking about—soon and how soon? Paglabas nila lahat sa bahay, all of them took a workshop and we got the results of the workshop. This [Margarita] was really conceptualized for Wendy.

"When we were brainstorming, [we all knew] margarita is a bittersweet drink. Kelangan may matitikman ka pang salt sa simula bago mo inumin. Doon namin pinattern. Alam namin na hindi pang free TV ang Burlesque Queen na title. We just called it Project Burlesque Queen...alangan namang daiquiri ang pangalan niya or tequila," biro pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Una kasing napabalita sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na dapat "Burlesque Queen" ang titulo ng unang teleserye ni Wendy sa Kapamilya Network.

Ayon naman kay Wendy, marami siyang nakikitang hawig sa buhay niya at sa buhay ni Margarita.

"Actually, marami po ditong part na medyo nakaka-[relate] po ako sa story. Kung ako maraming struggles, ’yung kay Margarita, triple ’yung sa kanya, e. Exaggerated and much more pa. Sabi ko nga, parang malas siya. Feeling ko, the reason why I got the role also is because marami about the story is the same about my life. ’Yung emotions, mas lalabas siya naturally ‘pag inarte ko siya."

Pinag-isipang mabuti ni Wendy kung tatanggapin niya ang role na ito dahil daring at napaka sexy ng image ng magiging image niya bilang Margarita. Ngunit, sinabi niya na dahil nasa primetime slot naman ito ng ABS-CBN, naniniwala siya na hindi naman magiging masyadong daring ang ipapakita sa telebisyon.

Kasama rin sa proyektong ito sina Rio Locsin bilang Adora (ina ni Margarita), Dick Israel bilang Robert (ama ni Margarita), Nonie Buencamino (pangalawang asawa ni Adora), at Dexter Doria (tiyahin ni Margarita). Tampok rin ang mga batang artista na sina Joseph Bitangcol, John Manalo, at Sharlene San Pedro bilang ang mga nakababatang kapatid ng mga bida. Kasama rin dito si Keanna Reeves, PBB Celebrity Edition Big Winner, bilang mentor at kaibigan ni Margarita.

Tatlong direktor ang namumuno sa Margarita: Trina Dayrit, Eric Salud, at FM Reyes.

Subaybayan ang buhay ni Margarita sa ABS-CBN tuwing 6 p.m. ng gabi, mula Lunes hanggang Biyernes.

Click MORE PICTURES para matingnan ang mga larawan ng cast ng Margarita.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN