Chef Pablo "Boy" Logro talks about his new 15-minute cooking show, Kusina Master

, Kusina Master" data-url="https://www.pep.ph/guide/tv/9517/chef-pablo-boy-logro-talks-about-his-new-15-minute-cooking-show-kusina-master" data-desc="Chef Pablo "Boy" Logro will be accompanied by different celebrity co-host and celebrity student every week." data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/f2583d37c.jpg"> , Kusina Master" data-url="https://www.pep.ph/guide/tv/9517/chef-pablo-boy-logro-talks-about-his-new-15-minute-cooking-show-kusina-master" data-desc="Chef Pablo "Boy" Logro will be accompanied by different celebrity co-host and celebrity student every week." data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/f2583d37c.jpg"> , Kusina Master" data-url="https://www.pep.ph/guide/tv/9517/chef-pablo-boy-logro-talks-about-his-new-15-minute-cooking-show-kusina-master" data-desc="Chef Pablo "Boy" Logro will be accompanied by different celebrity co-host and celebrity student every week." data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/f2583d37c.jpg">

, Kusina Master" data-url="https://www.pep.ph/guide/tv/9517/chef-pablo-boy-logro-talks-about-his-new-15-minute-cooking-show-kusina-master" data-desc="Chef Pablo "Boy" Logro will be accompanied by different celebrity co-host and celebrity student every week." data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/f2583d37c.jpg"> , Kusina Master" data-url="https://www.pep.ph/guide/tv/9517/chef-pablo-boy-logro-talks-about-his-new-15-minute-cooking-show-kusina-master" data-desc="Chef Pablo "Boy" Logro will be accompanied by different celebrity co-host and celebrity student every week." data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/f2583d37c.jpg"> , Kusina Master" data-url="https://www.pep.ph/guide/tv/9517/chef-pablo-boy-logro-talks-about-his-new-15-minute-cooking-show-kusina-master" data-desc="Chef Pablo "Boy" Logro will be accompanied by different celebrity co-host and celebrity student every week." data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/f2583d37c.jpg"> , Kusina Master" data-url="https://www.pep.ph/guide/tv/9517/chef-pablo-boy-logro-talks-about-his-new-15-minute-cooking-show-kusina-master" data-desc="Chef Pablo "Boy" Logro will be accompanied by different celebrity co-host and celebrity student every week." data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/f2583d37c.jpg">


Kusina Master will be hosted by Chef Pablo "Boy" Logro (in photo) starting on January 2, 2012, Mondays to Fridays before Eat Bulaga!


Isang bagong cooking show ang iho-host ng kwelang si Chef Pablo "Boy" Logro, ang Kusina Master.

Unang nakilala si Chef Boy sa kanyang mga pakulo, at masasarap na lutuin sa cooking show na Idol Sa Kusina ng GMA News TV Channel 11.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Chef Boy noong Disyembre 21, sa set visit ng Kusina Master na naganap sa Studio 6 Annex Building ng GMA Network sa Timog Avenue, Quezon City.

Inilarawan niya kung paano maiiba ang show na ito sa kanyang naunang cooking show.

"A, ito kasi very few minutes lang, 10 minutes o 15 minutes lang po ’yong time limit.

"So, ang style naman dito, kinakailangang talagang mabilis ang sasabihin mo, and naiintindihan naman po ng ating mga audience.

"Detalyado pa rin po ’yong gagawin ko at parang masters talaga ang dating, kinakailangan mabilis talaga ang pick up ng utak mo na puwede mong gagawin."

Bukod kay Chef Boy ay sasamahan siya ng isang celebrity co-host at celebrity student sa paghahanda ng pagkain, at pagtuturo ng kanyang mga sikreto upang lalong mapasarap ang ating mga lutuin.

THE COOL CHEF. Kung titignan ang paraan niya ng pagho-host, makulit at kuwela si Chef Boy habang nagluluto ng mga putahe.

Kung sa Idol Sa Kusina ay naging sikat siya sa pagsasabi ng "ping, ping, ping" habang nagbubudbod ng chopped onion leaves, ano naman kaya ang pakulo niya sa bagong show na ito?

"Ito naman ang kakwelahan dito hindi siya scripted," nakangiting sinabi ni Chef Boy.

"Actually, may mga few lines lang pero more on sa akin manggagaling ’yong jokes, ’yong mga jokes na ang kakwelahan na gagawin ko para ma-experience ng mga viewers na masarap magluto, madaling gawin, ’yon ang kwela na aking gagawin para sa kanila.

"Kapag nakita mo, ’uy, sa ilang minutes lang ay nagawa ni chef ng gano’n kabilis,’ at the same time alam ng mga viewers natin na mas matatakam sila lalo, ’yong, ’wow, ang yummy naman niyan!’ dahil ang gagawin natin more on sauce, more on maganda ang presentation, lahat ’yan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naikuwento niya din sa amin na siya mismo ang naghahanap ng putaheng lulutuin nila bawat araw, at saka lamang niya ito papa-aprubahan sa kanilang grupo.

Mahirap daw kasi na hindi siya ang maghahanap o mag-iisip dahil masyado nang "scripted" at hindi na natural ang kanyang magiging kilos.

Hindi basta-basta ang mga putaheng pinipiling lutuin ni Chef Boy.

Pero, ang mga mukhang mamahalin at komplikadong recipe na ito’y gagawin niyang simple upang mas maintindihan ng mga manonood kahit hindi sila pormal na nakapag-aral ng Culinary Arts.

"’Yong mga input na ginagawa ko dito ’yon ba parang may basic, na parang may basic ka na ito ang gagawin mo, na kahit nanonood ka iniisip mo, ’ay, puwede pala ’yon?’ parang gano’n.

"Kasi ako galing ako sa five star na hotel, executive chef, so parang iniisip nila alam ko paano gagawin from the basic. Hindi parang shortcut, na ginawa kong shortcut kasi ine-explain ko detail by detail.

"Kapag in-input ko ’yong mga sinasabi ko makukuha agad sa viewers.

"Maganda ito. Kumbaga parang exciting na, ’ano kayang gagawin ni chef sa susunod?’ aabangan ka ngayon. Kasi everybody loves to cook naman, di ba?"

THE BASICS. Samantala, hindi naiiba ang show na ito ni Chef Boy sa show ni Chef Rosebud Betinez na Quick Fire sa GMA News TV channel 11.

Para sa naturang show kasi ay maghahanda si Chef Rosebud ng isang putahe sa loob ng sampung minuto.

Ngunit, pinaliwanag ni Chef Boy, maaaring may pagkakahawig sila sa konsepto ng show ni Chef Rosebud, pero nagkaiba sila sa paraan ng pagluluto ng pagkain.

Aniya, "’Yong Quick Fire naman is ginagamitan ng Aji Ginisa, sa atin naman, basic.

"So, we have to use sibuyas, we have to use soy sauce, we have to use the basic, pero mabilis, nandoon lahat.

"Kumbaga iba itong style kasi iniisip ko nga ’pag ginaya mo, ’ay, dito na ako manood sa Quick Fire.’ ’Tsaka more on liyab-liyab dito, ’yong flambé na sinasabi ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Binanggit din niya sa amin na ang mga "basics" na ito ng pagluluto ang nagpapasarap sa pagkain.

Pero, sa tuwing nagluluto raw siya tatlong bagay ang kanyang iniisip: "affordable," "easy to prepare," at "quick serving."

Paliwanag niya, "Well, maybe based on my experience for how many years na. I worked for Chinese food, I worked for Spanish, I worked in the Filipino food, sa Gerry’s Grill, consultant ako.

"So, kasi ’yong conceptualize na ginawa ko sa food— ’yong affordable, easy to prepare, quick serving— ’yong tatlong ’yan, ’yon lagi ang concept ko, e.

"Kaya ako ang mga konsepto ko madaling gawin para hindi ka mainis."

Abangan ang mga putaheng ihahanda ni Chef Boy at ng kanyang celebrity co-host at celebrity student simula sa Enero 2, 2012, Lunes hanggang Biyernes bago ang Eat Bulaga!


, Kusina Master" data-url="https://www.pep.ph/guide/tv/9517/chef-pablo-boy-logro-talks-about-his-new-15-minute-cooking-show-kusina-master" data-desc="Chef Pablo "Boy" Logro will be accompanied by different celebrity co-host and celebrity student every week." data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/f2583d37c.jpg"> , Kusina Master" data-url="https://www.pep.ph/guide/tv/9517/chef-pablo-boy-logro-talks-about-his-new-15-minute-cooking-show-kusina-master" data-desc="Chef Pablo "Boy" Logro will be accompanied by different celebrity co-host and celebrity student every week." data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/f2583d37c.jpg"> , Kusina Master" data-url="https://www.pep.ph/guide/tv/9517/chef-pablo-boy-logro-talks-about-his-new-15-minute-cooking-show-kusina-master" data-desc="Chef Pablo "Boy" Logro will be accompanied by different celebrity co-host and celebrity student every week." data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/f2583d37c.jpg">


, Kusina Master" data-url="https://www.pep.ph/guide/tv/9517/chef-pablo-boy-logro-talks-about-his-new-15-minute-cooking-show-kusina-master" data-desc="Chef Pablo "Boy" Logro will be accompanied by different celebrity co-host and celebrity student every week." data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/f2583d37c.jpg"> , Kusina Master" data-url="https://www.pep.ph/guide/tv/9517/chef-pablo-boy-logro-talks-about-his-new-15-minute-cooking-show-kusina-master" data-desc="Chef Pablo "Boy" Logro will be accompanied by different celebrity co-host and celebrity student every week." data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/f2583d37c.jpg"> , Kusina Master" data-url="https://www.pep.ph/guide/tv/9517/chef-pablo-boy-logro-talks-about-his-new-15-minute-cooking-show-kusina-master" data-desc="Chef Pablo "Boy" Logro will be accompanied by different celebrity co-host and celebrity student every week." data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/f2583d37c.jpg"> , Kusina Master" data-url="https://www.pep.ph/guide/tv/9517/chef-pablo-boy-logro-talks-about-his-new-15-minute-cooking-show-kusina-master" data-desc="Chef Pablo "Boy" Logro will be accompanied by different celebrity co-host and celebrity student every week." data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/f2583d37c.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN