Xyriel Manabat, Zaijian Jaranilla, Coco Martin and Jessy Mendiola support outreach projects for kids


Ikaw ay Pag-ibig stars Xyriel Manabat and Zaijian Jaranilla (top frame) as well as Coco Martin and Jessy Mendiola (bottom frame) recently took part in outreach projects for kids.


Sa pagbubukas ng bagong taon, masayang ibinahagi ng mga bida ng teleseryeng Ikaw ay Pag-ibig ang ’espesyal’ nilang karanasan kamakailan kasama ang mga kapwa nila bata.

Habang ang ibang ka-edad nila ay abala sa pamamasko, mistulang naging mga ninong at ninang ng mga batang may sakit na kanser ang Kapamilya child stars na sina Zaijian Jaranilla, Xyriel Manabat, Louise Abuel, Mutya Orquia, Izzy Canillo at Gerald Pesigan dahil sa inilunsad nilang gift-giving at soup kitchen. Ito ay naisagawa sa pamamagitan ng mga nalikom nilang halaga mula sa kanilang "Kiddie Carolling" kung saan kumanta at namasko sila sa iba’t-ibang opisina ng Kapamilya Network, kabilang na ang opisina ni ABS-CBN President and COO Charo Santos-Concio.

Hanggang ngayon, bakas sa ’child wonders’ ng Kapamilya Network ang kakaibang kasiyahang idinulot sa kanila ng proyekto. Kuwento ni Zaijian, "Masaya po kaming nakatulong sa kanila. Kung napasaya po namin sila, napasaya din nila kami."

Mensahe naman ng pag-asa ang naibahagi ni Xyriel, "Masaya po ako na nakapagbigay kami ng pagkain at mga laruan sa kanila. Sana gumaling na po sila," sabi niya.

Kasama ring nagpasaya sa mga batang may sakit na kanser ng Childhaus ang business unit head ng ABS-CBN na sina Deo Endrinal at Julie Anne Benitez; Coco Martin, Paulo Avelino, Jessy Mendiola, Enrique Gil, Yen Santos, Hope Soberano at iba pang Kapamilya stars.

Samantala, patuloy na tutukan ang mga kaabang-abang na tagpo sa "Ikaw ay Pag-ibig" kasama sina Nonoy (Zaijian), Angelica (Xyriel), Edison (Louise), Tinay (Mutya) at ’Baby Rafa’ at tuklasin kung paanong sa mga simpleng ’himala,’ maipagdiriwang na ang Pasko araw-araw.

Huwag palampasin ang Ikaw ay Pag-ibig gabi-gabi sa Primetime Bida, pagkatapos ng TV Patrol ng ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN