Melissa Ricks admires Coco Martin’s acting ability in Walang Hanggan


ABS-CBN’s upcoming primetime series, Walang Hanggang, is topbilled by (from left) Paulo Avelino, Julia Montes, Coco Martin and Melissa Ricks.


Halos lahat na lang nang nakakatrabaho ni Coco Martin ay namamangha sa kanyang kakayahan bilang aktor.

At isa na sa mga bagong tagahanga niya ay ang kapwa Kapamilya talent niya na si Melissa Ricks.

Magsasama ang dalawang young actors sa bagong teleserye ng ABS-CBN, ang Walang Hanggan, na magsisimula na sa Lunes, January 16, 2012.

Isang kontrabida role ang gagampanan ni Melissa sa naturang drama series, kung saan magkakaroon siya ng interes sa karakter ni Coco.

Dahil dito, madalas niyang nakakaeksena ang dating aktor ng Minsan Lang Kita Iibigin.

Para kay Melissa, maraming magagaling na artista sa Walang Hanggan, "especially Coco."

Kumusta naman ang unang pagsasama nila sa trabaho?

Kwento ni Melissa, "Noong una, kinakabahan akong kaeksena si Coco kasi super galing niya.

"All throughout na mga eksena namin, he guides me.

"Tinuturuan niya ako. Marami akong natutunan sa kanya."

Pinuri din niya si Coco at nilarawan niya bilang "one of the best actors of our generation."

Dagdag pa ni Melissa: "Marami rin siyang awards, ang dami niyang role na ang hirap gawin.

"He is very good so, I hope na marami akong makuha sa kanya."

Bukod kay Coco, umaasa rin si Melissa na makapulot ng mga aral pa tungkol sa pag-arte sa iba pa niyang mga kasama sa Walang Hanggan.

Aniya, "I think, as time goes on, siguro marami akong matutunan sa kanilang lahat kasi nagsisimula pa lang kami."

Samantala, biniro naman ng media si Melissa na baka ma-link siya kay Coco dahil sa bago nilang TV project.

Natawa lamang siya at sinabi, "Baka magalit sa akin si Julia niyan."

Si Julia Montes ang isa pang lead actress at makakapareha ni Coco sa Walang Hanggan.

Inilihis na lang ni Melissa ang paksa at muling pinuri si Coco.

Aniya, "Coco is very nice, masyadong concentrated sa work niya. Lahat ng oras binibigay niya sa trabaho niya. That’s why he’s such a good actor."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN