Kigoy Abarico, Tol Chua, Luz McClinton, and Kim De Guzman leave Pinoy Big Brother Unlimited


Kim De Guzman (top frame) as well as (bottom frame, L-R) Kigoy Abarico, Luz McClinton, and Tol Chua are the four housemates who were recently evicted from Pinoy Big Brother Unlimited.


Pansamantalang nahinto ang alitan sa pagitan ng Team Wayuk at Team High Voltage ng Pinoy Big Brother Unlimited nang yanigin ngayong linggo ang Bahay ni Kuya ng tinaguriang pinakamatinding pasabog sa season na ito, ang "Intensity 7 PBB Wipeout."

Sa linggong ito, 14 housemates na lamang ang mananatili sa bahay at sinimulan na nga ang pagsasala sa kanila noong Sabado (January 7) sa ikalimang eviction night ng programa, kung saan tuluyan nang pinauwi sina Kigoy Abarico, Tol Chua, Luz McClinton, at Kim De Guzman na siyang napatawan ng forced eviction dahil umano sa kahilingan nitong lisanin na ang bahay.

Humingi naman ng paumanhin si Kim sa lahat ng sumusuporta sa kanya, lalo na sa mga naniwalang malaki ang potensyal niyang makapasok sa Big Four. Kahit na diumano’y sinayang lamang niya ang pagkakataong maging housemate, marami siyang natutunan dito kabilang na ang pakikisalamuha sa kapwa at ang pagiging mas matiyaga.

"Sorry kung na-disappoint ko sila dahil ang dami nga talagang nanghihinayang. Pero iba kasi sa loob, hindi nila nararamdaman ’yun. Kung ano ang ugali mo talaga, lalabas at lalabas ’yun. ’Yun nga ang ugali kong mainipin at madaling sumuko kahit sa mga mababaw na bagay," pahayag niya.

Bagama’t sinikap niyang patunayan ang sarili sa kabila ng iilang pagkakataong ginusto na niyang mag-voluntary exit, aniya’y tama lang ang desisyon ni Kuya na sapilitan na siyang paalisin ng Bahay dahil ginusto rin niya ito.

"Ako na ang mismong may gusto na umalis na, kasi parang nababaliw na ako. Mararamdaman mo ang panahong ayaw mo na, na hindi ka na masaya. Naging masaya ako sa loob ng bahay pero naramdaman ko lang na tama na," sambit ni Kim.

Sinu-sino pa kaya kina Deniesse, Divine, Eting, Jerico, Joya, Naprey, Roy, Ryan, Steph, at Unad ang matatalaban ng Intensity 7 at susundan sina Kigoy, Tol, Luz, at Kim sa outside world?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Huling apat na puwesto na lamang ang nalalabi para sa sampung natitirang housemates matapos ideklara sina Tin, Biggel, Slater, Carlo, at Wendy ng Team High Voltage, at sina Paco, Seiichi, Jessica, Kevin, at Pamu naman mula sa Team Wayuk na pasok sa Top 14 sa bisa ng mga boto ng taumbayan.

Huwag bibitiw at subaybayan ang mga pangyayari sa loob ng Bahay ni Kuya araw-araw sa Pinoy Big Brother UnliDay kasama si Bianca Gonzalez sa Kapamilya Gold pagkatapos ng Angelito: Batang Ama at gabi-gabi sa Pinoy Big Brother UnliNight kasama si Toni Gonzaga pagkatapos ng Nasaan Ka Elisa? sa Primetime Bida. Patuloy pa ring tutukan ang PBB Unlimited Updates ni Robi Domingo tuwing Heartstrings at Ikaw ay Pag-ibig sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN