United Football League competition will be aired live by AKTV on IBC 13 starting January 14

by Nonie Nicasio
Jan 12, 2012
Brothers Phil and James Younghusband will lead the Loyola Meralco team that will compete in this year's United Football League.

Magsisimula na this Saturday, January 14, ang league competition ng United Football League. Mapapanood sa opening salvo ang sagupaan sa pagitan ng Air Force Phoenix kontra Team Kaya sa ganap na ika-apat ng hapon sa Rizal Memorial Stadium.

Subalit bago ito, magkakaroon muna ng makulay na opening ceremony ang torneo na binubuo ng 10 koponan sa First Division at 12 teams naman sa Second Division. Sa ikalawang game naman, magsasalpukan sa ganap na ika-6 ng gabi ang Loyola Meralco, ang isa sa league powerhouse sa UFL Cup, kontra sa rival nitong Green Archers United. Kapwa mapapanood ng live ang dalawang game na ito na eere sa AKTV on IBC13.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong January 11 sa President ng Football Alliance na si Mr. Randy Roxas, sinabi nitong nagagalak siya sa pagkakaroon ng live coverage ng liga via AKTV na siyang lalong magpapalakas sa hatak ng football sa masa.

Continue reading below ↓

"This is a good partnership with AKTV. It's very important that we bring football into the mainstream sport, and obviously, one component of that is to come out on TV.

"In the past, we would never have any live games shown on TV. Now, every week, we have two live games that is shown. So, it's a very big element of helping grow the sport," saad ni Roxas.

Idinagdag pa ni Roxas na kabilang sa misyon nila ang maka-develop pa ng mga manlalaro ng football sa grassroots level na magiging future superstars ng naturang palakasan. "I'm sure there's a lot more talents out there in the provinces that we want to bring in to Metro Manila."

Ang mga koponan sa First Division ay ang mga sumusunod: Air Force Phoenix, Global, Army Fritz and Macziol IBM, Kaya, Loyola Meralco, Green Archers United Orient Freight, Navy Red Juice, Nomads Auction Manila, Stallion FC at Pasargad.

Continue reading below ↓

Kabilang naman sa Second Division ang Sunken Garden United, Manila All-Japan, Dolphins, Lions, Union Internacionale Manila, Pachanga, Team Socceroo, Forza, Agila, Laos, Diliman, at Cebu Queen City United.

Bukod sa magkapatid na sina Phil at James Younghusband, mapapanood din sa United Football League ang iba pang mga key players ng Azkals team tulad nina Emilio "Chieffy" Caligdong, striker Ian Araneta, Nate Burkey, Anton del Rosario, Jason Sabio, Lexton Moy at iba pa.

Read Next
Read More Stories About
TV, television, TV5
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Brothers Phil and James Younghusband will lead the Loyola Meralco team that will compete in this year's United Football League.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results