Valerie Concepcion signs up wth ABS-CBN's "Wowowee"


What started as a one-week stint for Valerie Concepcion on ABS-CBN’s noontime show Wowowee became a three-month contract. This signifies the former Kapuso’s transfer to the Kapamilya Network.



Bukod sa formal announcement ni Becky Aguila noong August 3 na sa ABS-CBN na pipirma si Angel Locsin pagbalik nito from London, the other big news ay ang paglipat na rin ng isa pang alaga niya na si Valerie Concepcion sa Kapamilya Network, starting with a three-month contract sa noontime show ni Willie Revillame na Wowowee.

Ayon na rin sa naunang balita sa PEP (Philippine Entertainment Portal), nasa London pa lang si Becky nang nakatanggap na si Valerie ng offer to guest sa Wowowee kung kaya’t sumunod si Valerie. Last Wednesday, August 1, siya nagsimula at initially ay for one week lang dapat ito.

Wala nang contract si Valerie sa GMA-7, although katatapos lang din last week ng kanyang Sinasamba Kita and she is still with Fantastic Man ni Mark Herras as Agent Belle.

Dahil sa pagge-guest co-host ni Valerie sa Wowowee, walang magawa ang production ng Fantastic Man kundi patayin na rin ang character niya. Sa taping last Thursday, August 2, ay tinapos ang character ni Valerie although hindi ito ipinakitang namatay.

Si Jewel Mische ang pumalit kay Valerie sa Fantastic Man.

Sabi ng nakausap namin sa Fantastic Man, disappointed din sila na kailangang alisin bigla si Valerie dahil nagka-show ito agad sa ABS-CBN. Sana raw ay ipinaaalam nang mabuti si Valerie para napaghandaan nila. Wala sa script ng week 19 ang pagpatay sa character ni Valerie, pero kailangan nilang gawin ito.

Week 17 pa lang ang ipapapalabas mamaya sa Fantastic Man kung kaya’t dalawang linggo pang mapapanood si Valerie sa GMA-7 kahit may show na siya sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN