Nikki Gil plays a power-hungry character in Mundo Man ay Magunaw


Mundo Man ay Magunaw is topbilled by (from left) Nikki Gil, Eula Valdes and Empress Schuck. Nikki says about her kontrabida character: "As Jennifer La Peña, I will fight to prove that I am the rightful heir of my grandmother." Eula plays Olivia, the mother of Jennifer (played by Nikki) and Sheryl (played by Empress).


Nakilala si Nikki Gil dahil sa pagkanta niya sa isang softdrink commercial. Ito ang nagbigay daan upang pasukin niya ang mundo ng showbiz hanggang sa maging TV host siya ng showbiz show na Entertainment Live. Nasubukan na rin niyang maging stage actress sa pamamagitan ng musical na Sweet Charity.



Ngayon patutunayan ni Nikki Gil na kayang niyang maging kontrabida sa bagong teleserye ng ABS-CBN, ang Mundo Man ay Magunaw. Sa katatapos na press conference na ginanap sa Dolphy Theater noong nakaraang January 18 ay nakapanayam ng PEP.ph si Nikki Gil tungkol sa kanyang very challenging role bilang ang kontrabida na si Jennifer dela Pena.

Di ka ba natatakot na kamuhian ng mga manunuod dahil sa pagiging kontrabida mo rito?

"Yun nga ang ipinagdarasal ko na kamuhian ako ng mga tao dahil sa charcter ko rito. Ibig sabihin effective akong kontrabida."

Anong sabi ng boyfriend mo na si Billy Crawford dun sa gagampanan mong role dito sa bago mong teleserye?

"He’s very supportive. Siya lang yung bukod tanging nagsabi sa akin na bagay sa akin yung role na ’yan. Siguro natatandaan niya yung mga panahon na nagaaway kami, siguro yung mga minor arguments namin na dun niya nailugar yung sabi niyang ’pwede kang kontrabida ah.’ Pero Billy is so supportive kung ano man yung mga endeavor na pinapasok ko, he’s always been there. Maging pumasok man ako sa pagaaral, or pumasok ako sa teatro or maging kontrabida man andun siya."

Paano mo pinaghandaan yung role mo rito as a kontrabida?

"Nag research ako for this character. Research in a way na, tinandaan ko lang yung mga pelikula na talagang na apektuhan ako dun sa mga karakter na ng kontrabida. Marami ako siyempreng pinanood. Aside from that, pinanood ko rin yung original Mundo Man ay Magunaw para lang makita ko yung background at saka yung mga movie nga na naapektuhan ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May peg ka ba sa pagiging kontrabida?

"Wala naman! Kasi ang hirap mag peg, e, sabi nga ni Ms. Tessie Tomas na pag nag peg ka hindi na ikaw yun. Hindi mo na sariling creation yun, kokopyahin mo lang yung mga style ng iba. So, it is just me who taking in learning as much as I can, and then tingnan natin kung ano ang kalalabasan."

Saan mo mas gustong makilala sa pagiging kontrabida or isang mabait na bida?

"I really don’t mind thing doing any of them. They’re equally challenging, they’re equal in terms of emotions--draining. Pareho lang naman silang nakakapagod. Pareho lang naman sila ng emotional investment na inilalagay dun. Depende lang rin. Siguro kasing sarap ng buhay ni Ms. Eula [Valdes] na every once in a while na she gets to play kontrabida and then minsan mabait."

Nakaka relate ka ba sa character mo rito as kontrabida in real life as Nikki?

"Siguro nakaka relate ako sa isang aspeto ng karakter ni Jennifer La Peña, kasi behind the kontrabida facade, kasi insecure siya na gusto niyang patunayan na she’s worth her lola’s affirmation or acceptance, so siyemepre lahat naman tayo dito sa industriya, we long for acceptance, we long for affirmation, we long na masabihan tayong...yes you’re doing the good thing, you’re on the right track. Siguro sa isang banda dun ako nakakarelate."


SYNOPSIS. Ang karakter ni Nikki Gil dito ay si Jennifer La Peña, isang matapang na babae na gustong mapatunayan sa lola niya na karapat dapat siyang tagapagmana. Si Nikki ang magpapahirap sa karakter ni Empress na gaganap bilang si Sheryl, isang mabuting anak pero palaban, determinadong subukan ang lahat ng paraan para lang maka graduate on time at masimulan ang paghahanap sa ama niyang si Dante.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Ang istorya ay tungkol kay Olivia (played by Eula Valdes) at ng kanyang mga anak na sina Sheryl (Empress) at Jennifer (Nikki) at kung paano sila pinag-ugnay ng tadhana matapos ang 20 taon na pagkakawalay. Magawa kaya ng isang ina na buuin ang pamilya niyang winasak ng kasinungalingan o tuluyan na siyang susuko sa sunod-sunod na dagok ng buhay na kahaharapin niya?



Ayon kay Eula, marami ang makakarelate sa kuwento nito. Aniya, "Ang karakter ko ditto ay isang mapagmahal na ina na handang gawin ang lahat para makasama ang mga anak niya."



Ito ang muling pagtatambalan nina Empress at Ejay Falcon matapos ang tambalan nila sa Guns and Roses. Secret crush ni Empress dito si Ejay na gumaganap bilang si Nicko, isang water boy sa umaga at estudyante sa gabi.

Kasama rin nila si Eula Valdes bilang si Olivia, isang mapagmahal na ina na gagawin ang lahat makasama lang ang kanyang anak na si Sheryl. Ang ibang karakter ay sina Leilani na gagampanan ni Sylvia Sanchez at Donya Alicia sa katauhan ni Tessie Tomas. Kasama rin si Allan Paule bilang si Dante, Pinky Amador bilang si Matilda at Dianne Medina bilang si Ramona. Kabilang din sina Alex Castro at Jason Gainza. May special participation din sina Katya Santos, Christopher Roxas at Jodi Sta. Maria.

Ang afternoon soap na Mundo Man ay Magunaw ay sa ilalim ng direksyon nina Jeffrey Jeturian at Rechie del Carmen. Magsisimula na ang pag ikot ng mundo nina Olivia, Sheryl at Jennifer sa January 30 (Lunes) sa Kapamilya Gold.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN