E-Live will be replaced by Showbiz Inside Report, to be hosted by Carmina Villarroel, Janice de Belen, Ogie Diaz and Joey Marquez


(From left) Ogie Diaz, Bianca Gonzales, Luis Manzano and Nikki Gil bid farewell to Entertainment Live last Saturday, January 28.


Noong August 4, 2007 unang napanood sa ABS-CBN ang Saturday talk show na Entertainment Live. Natunghayan natin ang pagpapalit palit ng mga hosts tulad nina Toni Gonzaga, Bianca Gonzales at Mariel Rodriguez kasama nina si Luis Manzano na nagsimula ng naturang talk show. Naging host din sina Cesca Litton at K Brosas. At recently naging hosts rin sina Nikki Gil, Ogie Diaz, Luis Manzano at bumalik rin si Bianca Gonzales. Natunghayan ng PEP.ph ang madamdaming pagtatapos ng E-Live noong Sabado, January 28. Nagkaroon ang PEP.ph ng pagkakataon na makausap si Ogie Diaz kung ano ang pakiramdam niya sa pagtatapos ng kanilang talk show at kung ano ang papalit na show, at ito ang kanyang ilang pahayag.

This is the last episode ng E-Live. Ano ang ibinigay na reason ng ABS-CBN Management para i-cancel ang show?

Ogie Diaz: Yes, this is the last day ng E-Live. Yung reason, siyempre honestly speaking hindi ko alam. Ako naman ay sanay na ako na pag bagong show masaya, pag matitikbak na ay malulungkot ka. Pero siyempre, di naman yun ang katapusan ng mundo. I’m looking forward naman to work with Joey Marquez, Janice De Belen at Carmina Villarroel sa susunod na talk show after these E-Live.


Ano yung title ng bagong show?

Ogie Diaz: "Yes, ang title niya Showbiz Inside Report (SIR), yun ang papalit. It’s a 2-hour show, so parang The Buzz din sya. May mga discussion din kami, pigaan ng utak."

Will this be your first time to work with these 3 stars: Joey Marquez, Janice de Belen and Carmina Villaroel?

Ogie Diaz: "Oo, pero matagal na kaming magkakaibigan, dahil kaming lahat before ay alaga ni Douglas Quijano, e, so excited pero malungkot din kasi linggo linggo si Luis, Bianca at Nikki ang kasama ko, feeling ko bagets na bagets ako, feeling ko, kapatid lang nila akong panganay sa E-Live tapos eto ngayon, mga nanay, tatay ang mga makakasama ko sa bago kong talk show, lahat kami parents."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano yung makikitang kakaiba dito sa bago ninyong talk show compare sa E-Live?

Ogie Diaz: "Ang pinagkaiba, may commentary nga kami ritong mga hosts. Kumbaga mag-i-interview din kami ng mga sangkot sa isyu at aalamin namin ano yung pinaggalingan ng issue, kung saan saan nanggagaling? Bakit siya nasangkot, na hindi nahihimay ng ibang talk show. Kaya sana pagbigyan din kami ng mga artista kung gusto pa naming silang makilala at kung gusto pa nilang ipakilala sa publiko ng malaliman at hindi kung ano lang yung nakikita nila sa TV."

Paano ninyo pinaghahandaan ang pagsasama ninyong tatlo?

Ogie Diaz: "Siyempre, may adjustment period, parang lumilipat ka sa ibang bahay na, makakatulog ka ba sa bagong bahay mo na ito. Para kang namamamahay, yun din naman ang i e-expect ko kina Janice, Joey at Carmina pero mayroon naman na kaming 1st day bonding na talaga namang bonggang bongga. Saka nagrehearse na kami. Parang mauubos yung oras namin lahat sa chikahan ng walang humpay at walang patid at hindi nakakainip."

Anong masasabi mo dun sa mga co-hosts mo dito sa E-Live na ngayon ay di mo na sila makakasama ngayon?

Ogie Diaz: "Sabi nga ni Luis, ako daw ang last man standing, kasi ako lang ang naiwan sa talk show na ipapalit."

Sa kalagitnaan ng pag-uusap namin ni Ogie Diaz ay biglang sumingit si Luis Manzano kaya tinanong ko na rin si Luis kung anong pakiramdam nya na mawawala na yung E-Live at anong next project niya?

LUIS MANZANO:

"It’s very very sad, andito na ko sa E-live a year after it was started, so, kahit papaano nakita ko rin yung ibang transition, mula sa may mga nawala, may mga dumagdag, kumbaga naalagaan ko na rin yung show kahit papaano. That’s very sad, pero sabi nga, in this instance, ’when a window closes, a door opens.’ Mas malaki pa siguro yung itatadhana para sa akin, yun nga, ako ang mag host ng pagbabalik ng Kapamilya, Deal or No Deal, at kasama ko si Sarah sa bago niyang Sarah Show. Ayun masaya din naman ako may mga bagong show ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matapos ang huling episode ng E-Live ay nagkaroon din ang PEP.ph na makapanayam sina Nikki at Bianca at ito ang kanilang mga pahayag tungkol sa pagatatapos ng i.

BIANCA GONZALES:

"Masayang malungkot, weird yung feeling, pero I’m so confident na ang ganda ganda nung bagong show, kumbaga E-Live had a good run at ngayon time na parang sa isang chapter na talaga namang mga institusyon sa talk show ang papalit sa amin kaya I’m very excited na mapanood talaga sina Miss Carmina, Miss Janice at si Mr. Joey at si Ogie."

Anong masasabi mo na ikaw ang nagsimula at ngayon ikaw rin yung nagtapos ng E-Live?

"Bittersweet, bumalik yata ako para isara ang show."

Ano ang mga upcoming shows mo?

"Siyempre, there’s still PBB, everyday pa rin yun and starting Monday, I’m going to go back to morning show to be part of Umagang Kay Ganda. Binigyan nga ako ng award ng E-Live na balik balik award dahil nga bumalik ako sa E-Live tapos ngayon babalik ako ng morning show."

NIKKI GIL:

"Alam naman natin, the only constant thing in life is change at may mga bagay na kahit ayaw natin matapos ay hindi maiiwasang matapos, but I believe that has been very good run, very good season ang E-Live so that I will always cherish the moment that I spend in the E-Live family, I’ve fallen in love with the E-Live family and I believe na hindi ever matatapos yung relationship na yun?

What is that award given to you by the show?

"Yes, meron ako award, naloka naman ako sa "Super Legs Award," sagot sa mga nang ookray ng legs ko na lagi ko raw dini display during E-Live."

What are your upcoming projects?

"Of course, yung Mundo Man ay Magunaw after hosting, eto I have my teleserye, this is everyday Monday to Friday, 11:30 ng umaga then ASAP 2012 every Sunday. Then, I’m still part of MYX as a VJ."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN