Nadine Samonte slaps co-star too hard in "Kung Mahawi Man ang Ulap" shooting


Nadine Samonte was startled and the character she was playing was angry in one scene of Kung Mahawi Man ang Ulap. Unintended resultco-star Gardo Verzosa got his "due" for slapping her.



Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Nadine Samonte noong Sabado, August 4, sa Dulcinea for her contract signing with CD Jeans and Apparel. Sila ni Andrew Schimmer ang nadagdag na celebrity endorsers for the direct-selling company. Si Manilyn Reynes naman ang nag-e-endorse ng plus-size clothes.

Bago nagsimula ang presscon, alalang-alala si Nadine dahil nagkita sila ni Gardo Versoza earlier that day at may bandage ang pisngi ng co-star niya sa Kung Mahawi Man Ang Ulap. Nagnanana raw ang pisngi ng aktor.

Sa taping ng kanilang Sine Novela noong isang linggo, nagsasampalan sina Nadine at Gardo sa isang eksena. Nauna si Gardo at napalakas ng sampal niya kay Nadine kaya nahagis daw siya sa pader.

"Siyempre, kahit eksena ‘yon tapos nag-iisip ka ng cue mo, magugulat ka pa rin na ganun kalakas ang magiging sampal sa iyo. So, napagsama ang gulat ko at galit ng character ko, napalakas din ang sampal ko sa kanya," kuwento ni Nadine.

Nahiwa ang pisngi ni Gardo. Hindi alam ni Nadine kung na-hook ito ng mga kuko niya. That day din, nilagyan agad ng bandage ang aktor dahil pulang-pula ang mga linya sa mukha niya.

Nag-sorry sa isa’t isa ang dalawa.

On a lighter note, nakunan na rin daw ang halikan nina Nadine at Dennis Trillo, ang partner niya sa Kung Mahwi Man ang Ulap. Ayon kay Nadine, okay naman daw at pati ang boyfriend niyang si Emerson Chua, walang naging angal.

"Pinanood niya ang scene. Ang sabi niya sa akin, okay naman, sobrang gentle,"sabi ng young actress, na graduate ng kauna-unahang StarStruck.

Wala raw silang problema ni Emerson sa mga kissing scenes pati na rin sa love scene.

"Noong una, hindi niya maintindihan siyempre, pero later on, okay na siya. Kung hindi siya okay dito, hindi ko rin tinanggap ang show kasi alam naman naming dalawa na may ganitong magiging eksena."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang hindi okay kay Nadine, ang pagpu-pose for FHM. Matagal na siyang inaalok na mag-pictorial pero palagi niya itong tinatanggihan kahit nagkasunud-sunod ang mga kaibigan niya at co-StarStruck graduates niyang sina Cristine Reyes (August) at LJ Reyes (September).

"Uy, bumili ako ng kay Cristine, ang ganda niya! Nag-text nga ako sa kanya, ‘Hoy, bakla ang ganda mo dito!’ Pero ako, hindi ko pa kaya. Natatakot pa ako. Ayoko muna. Ayoko na lang magsalita ng tapos, pero basta isulat niyo ngumiti na lang ako sa tanong," sabay tawa niya.

Hindi pa rin daw nila ito napapag-usapan ng boyfriend niya kung kaya’t ang pagtanggi ni Nadine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN