Michael de Mesa feels proud to be part of TV5’s remake of Valiente


Michael de Mesa (in photo) will play the role of Damian Valiente in TV5’s remake of Valiente that will start on February 13.


Muling nagbalik si Michael de Mesa para sa dalawang dahilan: ang dalawin ang kanyang pamilya, at para gawin ang bagong primetime show ng TV5 na Valiente.

Tatlong taon nang naninirahan sa Los Angeles, California si Michael, kaya naman ang tanong ng lahat: paano siya nakumbinsi ng Kapatid network na gawin ang proyekto na ito?

"Valiente kasi is an important part of my life, it’s close to my heart," sagot ng beteranong aktor nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Lunes, Enero 30, sa Hacienda Leviste, Lipa, Batangas.

Pagpapatuloy niya, "So, five years of my life was dedicated for Valiente.

"So, when they mentioned that they’re planning to do a remake and they wanted me to be a part of this new cast, I didn’t have to think twice.

"Did you see the trailer? I feel proud!

"Of course it is a joy to still be considered to be a part of it and I wanted to be part of it."

THE REMAKE. Isa si Michael de Mesa sa mga pangunahing tauhan sa orihinal na Valiente.

Si Michael ang gumanap na Gardo Valiente, at kasama niya sina Tirso Cruz III (Theo Braganza), Glenda Garcia (Leona Braganza), at Mariz Ricketts (Maila Braganza).

Nilinaw ni Michael na ang bersyong ito ng Valiente ay "remake" at hindi isang "sequel," kung kaya iba ang ginawang atake sa seryeng ito.

"This Valiente in 2012 is definitely a bigger scale," pahayag niya.

"Then we have new characters presented in, you know, it’s now the modern era.

"Then maraming twists and turns sa story na wala sa original."

Bilang ang orihinal na Gardo, masaya raw si Michael na makitang may sariling atake si JC de Vera sa karakter nito.

Si JC kasi ang gaganap na Gardo sa remake ng Valiente.

"I told him [JC de Vera] naman during our story conference na if he have any questions, don’t hesitate to ask me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But, ano naman, e, he’s been doing justice to the role.

"It’s his own attack, so bagong Gardo Valiente."

Tingin niya rin daw ay tama lang na hindi pinapanood ni direk Joel Lamangan ang orihinal na bersyon ng kanilang palabas sa mga bagong artista na magsisiganap sa programang ito.

"[It’s] definitely a good move," saad niya.

"Kasi since you have a new cast, you need a fresh attack on how they’re going to attack their characters being actors as they are, so that’s their own interpretation.

"So, watching the old material, you know, they might just fall into the trap of just imitating what they saw, which is not good.

"Of course, maganda nga ’yong hindi sila pinapanood ng original, e."

THE STORY. Ang Valiente ay kwento tungkol sa dalawang pamilya: ang mayamang pamilya Braganza, at ang payak na pamilya Valiente.

Magsisimula ang kwento sa pagkakaibigan nila Armando Braganza (Mark Gil) at Damian Valiente (Michael de Mesa).

Ang pagkakaibigan na ito’y mamamana ng kanilang mga anak na sila Theo Braganza (Oyo Sotto) at Gardo Valiente (JC de Vera).

Magiging maayos ang takbo ng lahat hanggang sa maganap ang isang pag-aalsa na makaapaketo sa pagkakaibigan ng dalawang pamilya.

Ang problemang ito sa Hacienda Braganza ay lalala matapos pumanaw ni Armando, at pamunuan na ng asawa niyang si Trining (Jaclyn Jose) ang hacienda.

Ngunit, hindi lamang ang pagpapatakbo sa hacienda ang magbabago, maging ang pagkakaibigan nina Theo at Gardo’y maaapektuhan nang palakihin ni Trining si Theo na isang malupit at mapagmataas na tao.

Lalong magiging komplikado ang mga pangyayari nang kapwa umibig kay Gardo ang magkapatid na Maila (Nadine Samonte) at Leona (Niña Jose), ang dalawang kapatid na babae ni Theo.

Ngunit, dahil si Maila ang iniibig ni Gardo’y pilit silang paghihiwalayin ni Leona, na hihingi ng tulong sa kanyang inang si Trining at kuya Theo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paanong ang lihim ng nakaraan ay makaapekto sa buhay nila sa kasalukuyan? Mapaghihiwalay nga ba ng galit at paghihiganti ang wagas na pag-iibigan?

Ito ang tunghayan sa remake ng Valiente, kasama ang bagong mga tauhan at magsisiganap sa palabas: Gina Alajar (Luming), John Regala (Peping), Toni Mabesa (Victorino Penitente), Jim Pebanco (Ariston), Ross Pesigan (batang Gardo), Liane Valentino (batang Maila), Czarina Suzara (batang Leona), at Arvic Tan (batang Theo).

Ito’y sa direksyon ni Joel Lamangan, at mapapanood na simula sa Pebrero 13, sa primetime block ng TV5.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN