KC Concepcion will spend Valentine’s Day in Cebu for The X Factor Philippines


On February 14, KC Concepcion will be at the Cebu Institute of Technology-University for auditions of ABS-CBN’s reality singing competition, The X Factor Philippines.


Tila hindi magiging malamig ang nalalapit na Valentine’s Day para kay KC Concepcion dahil hindi lang isang tao kung hindi isang siyudad ang makaka-date niya ngayong February 14.

Tutungo ang host-actress sa Cebu Institute of Technology-University sa Cebu City sa mismong araw ng mga puso para sa Visayas auditions ng pinakaabangang singing competition na The X Factor Philippines sa ABS-CBN.

Bago maki-bonding sa mga Cebuanos ay pupunta muna si KC sa Colegio San Agustin sa Bacolod City ngayong Sabado (February 11) para tignan naman ang ibubuga ng mga pambato ng tinaguriang city of smiles. Ang kumpetisyon ay bukas sa lahat ng Pilipino na may angking talento sa pagkanta, edad 16 taong gulang pataas. Maaring mag-audition ng mag-isa, may ka-duet, o maaring ding bumuo ng trio o kaya naman isang grupo. Magdala lamang ng minus one ng inyong kakantahin sa audition.

Nagsimula sa UK ang The X Factor kung saan tinagurian itong pinakamalaking talent search. Napapanood na rin ang The X Factor sa higit na 30 bansa at may higit sa 50 The X Factor winners na ang napili sa buong mundo kasama na rito si Melanie Amaro, ang unang nanalo sa The X Factor USA noong nakaraang buwan.

Sino kaya ang pinakaunang Pinoy na tatanghaling The X Factor winner? Abangan ang The X Factor Philippines, sa pangunguna ng host na si KC Concepcion, malapit na malapit na sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN