Valiente marathon will air on TV5 this Saturday, February 18


Valiente, starring JC de Vera (left) and Oyo Sotto (right), will have a marathon this Saturday night on TV5. (CLICK HERE to read PEP’s review of Valiente)


Muling mababalikan ang mga eksenang bumungad sa pagsisimula ng makasaysayang pagbabalik ng dramaserye na Valiente. Mapapanood na ngayong Sabado, February 18, 9:30-11:00 ng gabi ang pinakahihintay na Valiente marathon na magtatampok sa mga episodes sa unang linggo ng pag-ere nito sa TV5.

Kilalanin muli ang mga karakter na paniguradong tatatak sa isipan at damdamin ng bawat isa. Balikan muli ang relasyong nag-uugnay sa mga pamilyang Braganza at Valiente, masindak sa kakaibang karakter ni Donya Trining (Jaclyn Jose), at tunghayan ang mga kapana-panabik na tagpo na sinubaybayan ng mga manonood.

Muling balikan ang pag-usbong ng matalik na pagkakaibigan nina Gardo Valiente (JC De Vera) at Theo Braganza (Oyo Sotto) na nagsimula pa ng kabataan nila. Matutunghayan din ang mabubuong pag-iibigan nina Gardo at Maila (Nadine Samonte) at ang paggugulo ni Leona (Nina Jose) sa kanilang relasyon.

Wag palagpasin ang Valiente marathon ngayong Sabado ng gabi at maging bahagi ng napakagandang kuwento ito na minahal ng maraming Pilipino.


(CLICK HERE to read PEP’s review of Valiente)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN